Chapter One

5.7K 93 0
                                    

Chapter One

Nakaroba at tumutulo pa ang tubig sa buhok ni Allyna nang lumabas mula sa shower room. Tinungo niya ang towel rack at kumuha ng puting tuwalya. Mabilis na tinuyo niya ang mahaba at alun-alon na buhok bago maglakad patungo sa kwarto. Akmang kukunin na niya ang hair blower mula sa cabinet nang maulinigan ang pagtunog ng kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at sinulyapan ang nakarehistrong pangalan sa screen. It was Kean, her friend and business partner. Nakilala niya ito six years ago sa isang laro online.

Sinagot niya ang tawag, "Why?"

"Photos uploaded. Rest assured na ang buhok mo," bungad nito.

Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito. Sa trabaho kasi nila, palaging ang buhok niya ang lugi kapag minamalas na sugurin ng asawang babae ng kanyang biktima.

Her job is not the usual office job. She has a job that anyone could not even imagine; it is a job that only her and her business partner knows about it. They had been in this job for over five years at walang kahit sinumang kakilala nila ang nakakaalam na tumatanggap sila ng trabahong manira ng pamilya o buhay may-asawa. Her clients are usually the parents or the relatives of the married couples na gustong paghiwalayin ang mag-asawa dahil sa personal na nitong mga dahilan. Usually ay photos lang ang kailangan kasama ng lalaking biktima kasabay ng pag-upload nito sa social media at sa iba't ibang sites para maisagawa ang trabaho. She will intentionally approach the married guy, gets him drunk until they end up in bed. Doon sila kukuhanan ng litrato nang palihim ni Kean using his own tactics, kadalasan ay may naka-installed ng cameras sa loob ng kwartong pagdarausan nila ng kanilang biktima. Safe naman ang mukha niya sa media dahil sinisiguro ni Kean na blurred siya sa mga larawan. Ngunit hindi naman isinasakripisyo nang lubusan ni Allyna ang sarili sa trabahong ito, dahil bago pa man tuluyang may mangyari sa kanila ng biktima ay nilalamon na ito ng antok dulot ng gamot na pampatulog na inilalagay niya sa inumin nito.

"Okay," ibababa na sana niya ang tawag nang muli itong magsalita.

"You have a new subject 'Lyna," tumahimik sandali ang sa kabilang linya, tila nangangapa pa sa reaksyon niya sa ibinalita nito. Kakatapos lang kasi kagabi ng huling trabaho niya at ito agad ang panibagong trabaho. Allyna remained silent and waits for the other line to continue, "Gerard Voux, 27 years of age. Business tycoon, thrice featured in Megz' Youngest Billionaire in the Country. He also manages branches of their car dealing business in different parts of the world. His wife, Serena Ford-Voux, one and only heiress of SkyFord Motors, Inc."

"And then?" she simply asked. Gustong-gusto na niyang i-blow dry ang buhok dahil may importanteng party pa siyang pupuntahan within thirty minutes.

"Dating gawi. Only photos required."

"For whose side?" curious niyang tanong. She wanna know kung yung side ba ng babae o ng lalaki ang may utos nito and the reason behind it, so she can formulate a perfect plan out of it.

"It's the guy's side, Lyna. They said they just agreed to the marriage because of business matters. And they somehow smell something fishy on the girl's side now. Tomorrow, we'll meet the guy's mom so you can know the further details."

After confirming the time of tomorrow's meeting, Allyna then ended the call at saka nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili. Panigurado kasing sesermunan na naman siya ng kaibigang si Maureene kung hindi ito masatisfy sa make-up and outfit niya. Grabe lang kung makapag-tantrums ang kaibigan kapag nababaduyan ito sa suot niya sa tuwing kasama ito. Naalala niya pa noong biruin niya ang huli na usual get-up niya lang na faded jeans and white shirt ang susuotin niya sa birthday party nito ngayon.

"D'you have a death wish, huh Allyna?!"

Tuwang-tuwa siya kapag naaasar niya ang kaibigan. Sobrang childish kasi nito na animo siya pa ang tumatayong guardian nito sa tuwing kasama ang huli.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon