Chapter Six

4.2K 66 2
                                    

Chapter Six

Pumutok agad ang balita sa media nang tuluyang lumitaw at naging malinaw ang mukha ng lalaki sa mga litratong nagsilbing blind item sa madla. Napatunayan na rin ng publiko na hindi simpleng edited pictures lamang ang mga ito, kaya naman agad na nagpatawag ng board meeting ang lalaking sangkot sa eskandalo.

"I want you to gather the board of directors to the conference room within thirty minutes, Louie," ika ni Gerard sa secretary niya.

Nang maipon ang lahat ay agad na humingi ng pasensya ang magiting na CEO ng kompanya, "I am sorry that we need to face this crisis because of my own negligence. I don't want to deny the issue; instead I want to explain why does it had to happen."

Ipinaliwanag niya ang lahat ng pangyayari nang gabing iyon bukod sa katotohanang nang dahil kay Serena kung bakit niya iyon ginawa. Pinili niya pa ring pagtakpan ang nagawang pagkakamali ng asawa, kesa sa kapakanan niya. Sinabi niyang dulot ng matinding kalasingan kaya siya napasok sa eskandalo. Martir man sa paningin ng iba ay mas nanaisin niya nalang na masira ang sariling pangalan imbes na ang kanyang asawa ang masira sa paningin ng maraming tao. Ganoon niya kagustong protektahansi Serena lalo na nang sabihin nitong ipinagdadala nito ang matagal na nilang pinapangarap na anak.He and Serena have been married for almost five years now and they have been also struggling in having a child. Ang akala pa nga niya ay incapable siya kaya hindi sila magkaanak-anak ng asawa, but now that she told him that she's pregnant, labis-labis ang tuwa niya at pinili niya na lamang kalimutan ang kasalanang nagawa ng kabiyak.

Nagpaliwanag naman ito sa kanya na kaya lamang nito nagawa iyon ay dahil sa tagal nga daw nilang hindi magkaanak. And now she promised that she will never do it again and that she will forever remain faithful to him.

Sa totoo lang, kung hindi dahil sa ina niya na nagpumilit magpatawag siya ng board meeting ay kanina niya pa sana napuntahan ang asawa upang magpaliwanag. Malamang ay nalaman na rin nito ang balita at nag-aalala na siya na baka makasama ito sa kalusugan nito at ng anak nila sa sinapupunan nito.

"That's all and I assure you that I will take full responsibility regarding this issue," aniya at saka tumayo na sa kinauupuan, "Meeting adjourned."

Laking pasalamat niya nang wala namang nagtangtakang magprotesta sa lahat ng sinabi niya. Kampante ang mga ito na tulad ng dati ay mareresolbahan niya ang gulong kinakaharap ng kompanya. Isa lamang ang nagkumento at iyon ay ang kanyang ama, "I do really hope you would resolve this on your own, son."

Nasa kalagitnaan siya nang pagmamaneho nang biglang tumunog ang cellphone niya at isang unknown number ang rumehistro dito. Hindi siya nag-abalang sagutin iyon dahil sa isiping baka isa na naman iyon sa mga prank calls na natatanggap niya recently.

Hindi niya rin maiwasan na magduda kay Allyna na siyang kaisa-isang kasama niya nang gabing iyon, ang gabing itinuturing niya na isang malaking pagkakamali. Pagkakasalang hindi niya dapat ginawa. But despite of those thoughts, he can't also help but to feel guilty on what he had done to the lady. Alam niyang siya ang nakauna rito, and yet he still chose to ignore the fact and just continue living happily, and as if he had not done any mistake with his wife. Nagsisisi rin siya kung bakit hindi niya nagawang umamin sa asawa sa pagkakamaling nagawa niya. Ngayon tuloy ay hindi niya malaman kung paanong paliwanag ang sasabihin niya rito.

Mainit na balita, asawa at anak ng isang prominenteng pamilya na si Serena Ford-Voux, nasangkot sa isang aksidenteng malapit sa C5 Avenue kaninang alas-tres ng hapon. Napag-alamang over-speeding ang dahilan ng pagkabunggo nito sa isang trak na siyang ikinamatay ng pobreng driver na kinilalang Ben Reyes, samantalang malubha naman na isinugod sa ospital ang naturang babae.

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon