Chapter Four
A month ago after they have successfully accomplished the project that they have been working on, she and Brent became closer. They became friends and Allyna was glad that her boss has finally become more professional when it comes to work. Hindi na ito masyadong touchy sa kanya, though hindi pa rin maiwasan ang mga pabirong palipad-hangin sa kanya. Hindi rin naman siya sumusuko sa pagsasabi rito na hanggang friends lang talaga ang kaya niyang ioffer dito at wala siyang balak na patulan ang mga kalokohan ng huli.
"Magsasayang ka lang ng pagod mo, Sir." Palagi niyang pinapaalala rito.
"Allyna, we have a party to attend to. Wear this, I bought it earlier," ika ni Brent pagkapasok sa opisina habang may hawak na kulay pink na paper bag.
Inabot niya iyon at kinuha ang nasa loob. It is red long mermaid gown na may nanginginang na diamond beads sa neckline nito.
"What kind of party?" she asked hoping it was just his usual party they have been attending to.
"It is a birthday party," simpleng pahayag nito.
"Birthday? Sinong may birthday?" she can't help but frowned. Kadalasan naman kasi sa mga birthday parties na pinupuntahan nila noon ay mga simpleng party lang at casual dresses lang din ang ipinapasuot nito sa kanya.
But this time, she thinks it's different. Sa tingin niya ay hindi lang simpleng tao ang magdadaos ng kaarawan ngayon.
"It's that Voux's birthday party."
Hindi malaman ni Allyna kung tama ba siya ng pagkakarinig sa sinabi ng kanyang boss, "Who?"
"Gerard Voux, Lyna. It's his birthday today at gaganapin iyon mamayang gabi. So better get yourself dolled up dahil ikaw ulit ang napili kong partner for tonight."
Tila nag-echo ang sinabi ni Brent sa tenga ng dalaga, hindi dahil sa sinabi nitong siya ang napili nitong maging partner, kundi dahil sa kaalamang muli silang magkikita ni Gerard Voux. Ito na nga kaya ang tamang pagkakataon upang maisagawa niya na nang tuluyan ang pinaplano?
Kakaunti at piling mga prominenteng tao lang ang bisita sa birthday ni Gerard. Karaniwan ay mga kilalang businessmen at na-meet niya na sa bawat conference na pinupuntahan nila ni Brent. Siniguro ni Allyna na maganda ang kanyang pagkakaayos dahil ayaw niyang mabulilyaso ang plano ngayong gabi.
"Happy birthday, Voux!" bati ng kasama niya kay Gerard na ang kisig tignan sa suot nitong three-piece grey suit. Ngunit hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang tila stressed na itsura nito at puno ng maliliit na stubbles ang mukha nito na tila isang linggo nang hindi naisipang ahitin.
"Thanks Gomez," matamlay rin ang boses nito at sa kabila ng pagngiti nito sa kanila ay kitang-kita niya ang lungkot na pilit itinatago nito sa mga mata. Nadisappoint pa siya dahil hindi tulad dati na titig na titig ito sa kabuuan niya, ngayon ay 'ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
"Happy birthday, Mr. Voux."
"Don't be too formal, Miss Allyna. Kaibigan ko itong boss mo na siyang nagdedeklarang baby ka daw niya. So you can just call me Gerard."
Ginantihan ng dalaga ang ngiti nito. She can't help but to stare at his lonely eyes, tila may kung anong kirot tuloy siyang nararamdaman sa sarili.
"Ano ba 'to? Hindi ako dapat makaramdam ng ganito. You should never feel anything towards your victim, Allyna!"
Kaya naman pilit niya na lamang iwinaksi ang nararamdamang awa sa binata. Hinanap ng paningin niya si Kean. Nakapag-usap na sila nito kagabi na ngayon na nga nila gagawin ang plano. Nagkita pa sila at doon ay pinagplanuhang mabuti ang bawat hakbang na gagawin niya. Mabuti na nga lamang at sa tulong ni Brent ay nakagawa siya ng paraan upang makapasok si Kean sa party. Hindi naman na nagtanong pa si Brent nang sabihin niyang pinsan niya ang lalaki at gusto lang nitong makita si Serena na matagal na nitong iniidolo sa tuwing nakikita sa mga magazines.
BINABASA MO ANG
Marriage Wrecker #Wattys2017
Ficción GeneralAllyna Martinada is not your ordinary girl. She's a girl who has a hobby. A hobby of wrecking anyone's marriage. Gerard Voux is a multi-billionaire with undeniably good looks and oozing sex appeal, and he became one of Allyna's victims. She created...