Prologue
"Ah! I love you, Gerard!" she screams his name when they finally reached their climax.
Hinihingal na nahiga ito sa tabi niya habang nakasuksok ang mukha sa leeg niyang pawisan pa, "I love your scent, Allyna. Lagi kong hinahanap ito 'pag nasa bahay ako."
Hinarap niya ito, cupping his manly yet innocent face. Kahit kabisado niya na ang bawat sulok ng mukha nito,hindi pa rin siya nagsasawang pag-aralan ito sa bawat nakaw na sandaling meron sila. Pinaglandas niya ang daliri sa namumula at medyo namamaga pang mga labi nito, nakagat niya 'ata ito kanina. Sumunod ay sa matangos at tila may perpektong pagkakahulmang ilong nito; ang kulay-abuhin na mga mata nito na sinamahan pa ng mahahabang pilik-mata na mapapansin lalo na kapag nakapikit ito. Gumalaw-galaw ang panga nito na hubog na hubog na katulad ng katawan nitong dala na rin siguro ng regular na pag-eehersisyo. Kaya sawang-sawa palagi ang mga mata ni Allyna sa six-pack abs at sexy ass nito.
"E'di dito ka nalang, para hindi mo na hinahanap-hanap."
Bumakas ang saya sa mukha nito, "Payag ka na?"
She faked a laugh, "Kidding. Never, Gerard. Your wife needs you."
"But I need you. Don't you need me too?"
Hindi siya tumugon, sa halip ay tumayo na at nagsuot ng roba.
"Where are you going?" tanong ng lalaking mahal niya.
Oo, mahal niya ang lalaking ito, pero sa kasamaang palad ay hindi niya pag-aari. Sigurado siyang pag-aari nito ang puso niya, pero siya walang kasiguraduhan. Pero kahit na ganun, patuloy lang siya sa pagsugal. Kahit na mahirap dahil hindi niya magawang ipagsigawan sa buong mundo na pag-aari niya ang isang Gerard Voux. Paano niya nga naman magagawa iyon kung legal itong kasal sa asawa nitong si Serena Ford-Voux. Anong laban niya sa babaeng pagkapanganak palang ay may gintong kutsara na sa bibig.
'Ni hindi niya lantarang mahawakan ang kamay nito in public. Madalas kapag lumalabas sila ay naka-disguise ito para lang makapag-holding hands sila. Kapag tinatanong siya ng mga kakilala niya kung sino ang maswerteng boyfriend niya, wala siyang masabing pangalan. Kaya madalas siyang inaasar ng mga ito na imaginary boyfriend lang daw ang meron siya. Pero balewala kay Allyna ang lahat ng iyon, as long as she's happy with this man. Kahit pa sa tagong apat na sulok na kwarto lang sila nagiging malaya, kahit lalaki ang pangalan niya sa cellphone ni Gerard, kahit naghihintay lang siya palagi na maisingit sa schedule nito...okay lang. Okay lang kasi masaya naman siya, walang humpay na saya ang nararamdaman niya sa piling ni Gerard. Sa lalaking ito na nga umiikot ang mundo niya ngayon. At nararamdaman niya namang mahal na mahal din siya ng huli.
"You need to go, Gerard," she told him.
"Dito na lang ako magpapalipas ng gabi, Lyna."
Ito ang ayaw niya sa lahat, yung moment na kailangan na nitong umalis. Madalas ay ito ang makulit na nagpupumilit na mag-stay, pero alam niyang hindi pwede. Minsan na nilang sinubukan ito pero walang magandang ibinunga. Galit na galit na tumawag nang hatinggabi ang biyenan nito.
"You need to go home, Gerard, unless you want your in-law to pull my hair to death."
Tumayo na rin ito, "No, babe. I don't want you get hurt," niyakap siya nito, "I'm sorry... I'm sorry for our situation. Almost a yearna tayong ganito and still..."
"Sshh...pagtatalunan na naman ba natin 'yan? It's okay. I'm okay," she smiles not letting him see how much pain she's hiding again.
"I promise you, Allyna that one day I can finally shout from the rooftop that you are mine, and I am yours," hinagod nito ang buhok niya.
Ayaw niya ng ganitong gesture ni Gerard, mas lalo lang siyang nahihirapang pakawalan ito. So she pushed him towards the bathroom, "Okay, okay. Drama's enough. You may take your bath now, Sir."
Hinarap siya nito with the usual naughty smile on his face, mukhang hindi niya magugustuhan ang susunod na sasabihin nito.
"Pwede bang sabay nalang tayo? 'Cause you know, we can save water consumption," nagpa-cute pa ito at inilabas ang weakness niya, ang dimples nito.
Sinasabi na nga ba niya. Wala na, nanlambot na ang mga tuhod niya. Kaya naman hindi na siya nakaangal pa nang buhatin siya nito patungo sa loob ng banyo.
"Gerard! Puro ka talaga kalokohan!"
"Saan ka na naman nanggaling, Gerard?" bungad agad ng biyenan niyang babae pagkapasok niya sa VIP Ward ng St. Martin's "Your wife isalone here. Where the hell did you roamed around this time?"
Matanda na ito ngunit kakikitaan pa rin ng awtoridad sa mukha. Sopistikada ang pananamit at tila hindi mo aakalaing nasa 60s na ang edad. Naging acting CEOito ng SkyFord Motors, kumpanya ng pamilya nito, simula nang maparalyzed ang asawa at na-comatosed ang nag-iisang anak dahil sa isang insidente halos isang taon na ang nakalilipas
"Good evening Ma, sorry I just had an important out of town meeting—"
"Meeting?" she cut him. "Are you sure? I just checked your schedule with your secretary and he said that your schedule was clear since one o'clock in the afternoon."
Damn Louie. Mura niya sa isipan sa kanyang secretary. Hindi talaga marunong sumunod ito sa mga pinagbibilin niya.
"Ma, it was an urgent meeting kaya hindi ko na nasabi sa secretary ko."
Tumango-tango ang matanda, then looks at her sleeping daughter, "I need to go home now. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko. And I'm asking you... don't leave her."
Tumango siya, "Yes, Ma."
Samantala, hindi mapakali si Allyna dahil sigurado siyang nasermunan na naman si Gerard ng masungit nitong byenan. Alam niya namang hindi magawang sumagot dito ng lalaking mahal niya dahil kilala niya ito. Mahaba ang pasensya nito at hangga't maaari ay dinadaan nito sa diplomatikong pag-uusap ang lahat ng bagay.
Napangiti siya. Dahil sa mga katangian nito kaya hulog na hulog na siya sa lalaki. Kaya nga hanggang ngayon ay mukha pa rin nito sa kanyang cellphone ang pinagmamasdan niya. Then she thought of texting him.
"How are you?" she typed and sent the message.
Ilang saglit lang ay naka-receive agad siya ng reply mula dito, "Fine. Just done with Mrs. Ford's holy mass."
Natawa siya. Hindi nga siya nagkakamali at pinagalitan na naman ito ng byenan nito, "Are you alright?"
"Of course, I was just kissed by the most beautiful woman I've ever seen an hour ago. Why wouldn't I be alright?"
She giggles, ang lakas talaga magpakilig ng lalaking ito. "Is she awake?"
She breathes heavily. Ayaw man niyang isingit ang babaeng pinagtataksilan nila ngayonsa masayang usapan nila ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-aalala para dito.
"No," tanging tugon nito sa tanong niya.
"Sleep ka na," she texted back.
"Antok ka na?" he asked.
"Yeah."
"Okay, Baby. Let's sleep now. May you have a wonderful night and dream of me, 'kay?" gusto niyang isagot na kahit hindi nito sabihin ay halos gabi-gabi talaga itong laman ng panaginip niya.
"Okay. See you soon. I love you."
Hindi na siya nakatanggap pa ng reply mula sa lalaki. Marahil ay nilamon na ito ng antok. She kissed his photo on her phone kasabay ng pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.
Hindi na naman kasi niya alam kung kelan yung "soon" na yun para sa kanila. Wala na naman siyang kasiguraduhan kung kelan siya paglalaanan muli ng oras nito. But still, it's okay for her kaysa naman habambuhay itong wala sa kanya. Ayos na sa kanya yung mga limos na oras nila, as long as she knows that Gerard is also longing for her. And he needs her as much as she needs him too.
BINABASA MO ANG
Marriage Wrecker #Wattys2017
General FictionAllyna Martinada is not your ordinary girl. She's a girl who has a hobby. A hobby of wrecking anyone's marriage. Gerard Voux is a multi-billionaire with undeniably good looks and oozing sex appeal, and he became one of Allyna's victims. She created...