ABKG: 1

169 4 6
                                    

Sa lahat ng napasukan kong school Ito yung school na masasabi kong halatang paaralan ng mayayaman gate pa lang. Hahaha

School uniforms pa lang talong talo na ang old school ko. Navy blue ang kulay ng uniform nila na maikli ang palda naka vest at may coat pa. Lamig na lamig lang

Pumasok na ako ng tuluyan sa school ng makita kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante at sa hiya ko ay patungo akong naglakad papasok

"Kaya ko kaya dito tsk may paglipat pa kasing nalalaman bwiset" sabi ko habang naglalakad ng nakatungo buti walang nakakabangga---

"ARAY!" Sigaw ko Oa kung Oa pero ansakit nung noo ko muntik pa akong matumba para akong nabunggo sa  pader hanep

Nag angat ako ng tingin habang hawak pa ang noo at ganon na lang ang nilaki ng mata ko ng makita ang lalaking nasa harap ko at isa lang ang masasabi ko.
GWAPO pero may band aid siya sa mukha pero litaw pa rin ang kagwapuhan niya.

Nakatingin siya sakin at parang ang sama ng tingin niya. Aba talaga namang

"Anong tinitingin tingin mo diyan? Di mo ba alam yung salitang sorry? Pasalamat ka gwapo ka kundi nako" nasabi ko na lang pailing iling pa. Agad namang kumunot ang noo niya at mas lalo pang sumama ang tingin

"Abat ikaw pa galit ikaw tong nakabangga ah?!" Inis ko ng sabi pero tinitigan niya lang ako ng masama

"Dont block my way stupid"
Sabi niya at binangga pa ang balikat ko pagdaan niya sa gilid ko.

"Lintek na to" nasabi ko na lang at pairap na humarap sa nakatalikod nang gwapong naglalakad

"Hoy!" Sigaw ko pero di siya tumigil aba
"Hoy Gwapong sira ulo!" Sigaw ko ulit at ayan saka siya tumigil at pati mga estudyanteng naglalakad e napatigil.
Agad siyang humarap ng may nakakatakot ng aura pero di ako nagpatalo at inirapan pa siya

"Wag na wag ka ng magpapakita sakin ha baka sa susunod masampal na kita" sabi ko na lang at agad na tumalikod dahil natatakot talaga ako don sa tingin niya parang anong oras mamatay ako sa kinatatayuan ko e

Mabilis akong naglakad na hawak pa ang dibdib ko potek. Sobra akong kinabahan don hahahah lentek ka Azia nagmamatapang ka na naman.

"Pero infairness ampogi talaga non wala lang modo tsk" sabi ko ng pailing iling pa
"Teka san nga first class ko" sabi ko saka kinuha ang schedule sa bag ko

"Ah. Math class sa room E1 ang room ko" basa ko sa schedule at saka nilagay ang schedule sa bag ko at napatigil "WAAAA MATH CLASS?! AGANG AGA MATH?! ABA LINTEK" sigaw ko pa na may hand gestures pa. Agad naman akong napatingin sa paligid kong nagbubungisngisan at ang ibang babae naman ay iniirapan ako

"Ew bago siya no?" Tanong ng babaeng mayaman sa katabi niya. Anong ew sa bago?

"Siguro yak astang mahirap pano nakapasok yan dito?"

"Tss di bagay ang mga katulad niya dito yak" sabi pa ng isang isa pa saka sila umirap sakin at naglakad palayo sakin

"Lentebes yanong aarte" nasabi ko na lang at di na pinansin ang paligid
At agad na hinanap ang room. Buti maaga ako pumasok edi may oras pa para maghanap ng room

"Room E5 room E4 lentek nasa dulo ang room ko " sabi ko at agad na naglakad papunta sa dulo ng mapansing magkakasunod lang ang room

Senior Highschool na ako at section 1 pa hehe saya. Ok ako sa ibang subjects pero worst subject ko ang Math lentek

Ng makarating ako sa room dahan dahan kong binuksan ang pinto at bumanglad and nagkikinangang estudyante dahil sa mga gamit nila at mga itsura
Di man lang ako napansin dahil may kanya kanya ring mundo

Ang Boyfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon