Azia's POV
Ng tumawag si manong na nasa gate na raw siya ay agad na akong umalis sa garden at naglakad papunta na sa gate, pero ng malapiy na akong makalabas ay hinarang ako ng Guard
"Ma'am bawal pa lumabas mag kacutting ho ba kayo?" Tanong nito na agad kong tinaasan ng kilay. Grabe naman to makatanong cutting agad?! Bwiset
"Masama pakiramdam ko di ako nagkacutting andiyan yung sundo ko sa labas" pagsisinungaling ko
"Pero ma'am bawal ho kasi dapat po nagsabi muna kayo sa teacher niyo para nasabi sakin na pede kayong palabasin"
Paliwanag pa nito. Napabuntong hininga naman ako"Alam mo kuyang kaibigan ni Princess sarah palabasin mo na ako at baka ikaw pa mapalabas ko" mataray na sabi ko. Like na lang sa mga nakagets nung sinabi ko.
"Ma'am hindi---"
"Kuya palabasin mo na si Ma'am Azia ako ang driver niya ako ng bahala sa kanya" biglang sabat ni manong para naman kabute to si manong bigla bigla sumusulpot kaloka
"Oh diba sabi ko sayo andiyan sundo ko" sabi ko pa
"Pero bawal ho talaga kase oras pa po ng klase" pagpipilit ng guard. Pag ito nasapak ko pigilan niyo ko
"Ako ng bahalang magsabi sa mga guro niya pero ngayon ay palabasin niyo ho muna siya at baka kayo pa masama lalo nat pinapatawag siya ng kanyang lolo alam niyo namang lahat ng nag aaral dito ay anak mayaman na kaya kayong paalisn dito saka masama magalit ang lolo niya kaya kung ayaw niyo pang matanggal sa trabaho ay palabasin niyo na siya" mahabang sbai ng driver ko
"Ah g-ganon ho ba s-sige sorry po ma'am labas na kayo" sabi nito na binuksan ng tuluyan ang gate
"Kaloka daming paliwanagan bago makaalis tara na nga manong cesar akoy nababarino kanina pa" sabi ko at naglakad na papuntang kotse at pinagbuksan naman agad ako ng pinto ni manong
Pumasok si manong at inistart na ang kotse
"Manong Ces ano sinasabi mo don? Alibi lang yon diba para mapalabas ako?" Sabi ko patungkol don sa sinabi niya kanina
"Ha hindi ho ma'am talagang pinapatawag ho kayo ni Don Cecilio"
Agad na nanlaki ang mata ko at di makapaniwalang tumingin kay manong"Hala manong bakit daw? Anong kailangan ni lolo. Hala lagot manong anong sinumbong mo don!" Bilis bilis kong sabi na kinatawa ni manong
"Wala naman ho akong sinumbong ma'am sa totoo lang ho kanina pa ho tumawag si Don na papuntahin kayo sa mansion pagtapos ng klase pero dahil nga ho ngayon ay sabi niyo ay masama ang pakiramdam niyo e ngayon ko na ho kayo dadalhin kay Don. " paliwanag nito
"Talaga manong ano daw kelangan ni lolo?" Tanong ko pa
"Hindi ko ho alam ma'am basta papuntahin daw kayo sa mansion"
Agad naman akong napaisipAno naman kaya kelangan ni lolo? Diba't bawal ako magpunta ng mansion? Kaya magkaiba kami ng bahay e minsan lang ako pumunta ng mansion sa tuwing pinapapunta ako ni lolo. Pero sabagay matagal tagal na rin ng huli akong bumisita roon.
"Manong me idea ka ba kung ano ang pedeng sabihin sakin ni lolo? Baka kasi sermonan ako hehehehe" sabi ko pa baka kasi nakarating agad yung nangyare sa canteen at nakabangga kong sira ulo
"Siguro ho kakamustahin lang kayo sa unang pasok niyo sa Miller High."
"Sana nga yun lang pero tsk, teka nga, bat kaya nilipat pa ako ng school? Kainis lang tsk. Alam mo ba manong may gwapong sira ulo akong nakaaway sa school na yon!"
Naiinis kong sabi. Tiningnan niya naman ako sa salamin
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Gangster
RomanceKahit gangster siya. Tanggap ko siya. Kahit anong gulo o away ang harapin niya sasamahan ko siya dahil mahal ko siya, pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko titiisin ang ganoong mga pangyayari? Mamahalin at tatanggpin ko pa rin ba siya ng buo kahi...