ABKG: 10

47 1 1
                                    

Ryu's POV

"Gutom na gutom na ako e" sabi na naman ni Timo nakakailang ulit na ito e. Sarap sapakin ng tumigil
"Bat kase antagal niyo mga pare" tanong niya habang kumakain na

"Pinatawag na naman kasi itong si Ryu ni tito gawa don sa nasirang pinto, si Ryu ang pinagbibintangan" si Zid ang sumagot sa tanong

"E? Ay alam naman nilang si Ryu lagi ang sumisipa don ay bat ngayon lang siya pinatawag?" Takhang tanong niya
Ako rin e takang taka sa mga quing ina.

"Hindi naman si Ryu sumipa saka di nagsasalita yung mga estudyante kung sino sumipa. Tas yung pinto pa ay sirang sira, sino naman makakagawa non? At saka hindi naman ganon sumipa ng pinto si Ryu yung tipong mawawasak" mahabang paliwanag ni Zid

"E? Hindi ba talaga siya?" Sabi nito na tumingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at siniringan

"Hindi si Ryu yon dahil sabay kaming pumasok"

"Edi sino?" Biglang singit naman ni Xyri

"Ewan" sabi lang ni zid

"Tss tumahimik na nga kayo, iingay" inis na sabi ko.

Habang kumakain ay nagdadaldal na naman itong si Timo at ako naman ay mayat maya ang lingon sa likod

Bat kasama ni Ayi ang babaeng iyon? Magkakilala ba sila?
Tss bwiset

Sa huling lingon ko nakita kong magkayakap na sila saka hinila ni Ayi yung stupidang babae di ko sila makinig dahil masyadong malayo ang table nila.

Tumingin na ako sa mga kina timo na nag dadaldal pa rin. Kaya tumayo na ako

"Where are you going? Are you finish?" Tanong ni Xyri at napatingin na rin sakin yung dalwa

"Ye una na ako" sabi ko na lang at di na sila inintay. Nakapamulsa ako lumabas ng canteen at nakita ko na lumiko sina Ayi at di ko alam kung bat yung mga paa ko ay sinusundan sila

Dahil sa daang dinaraanan ay alam ko kung san sila papunta.

"Dance club? Anong gagawin ng stupida don tss" nasabi ko na lang at nagmadali ng sundan sula at ng tumigil sila sa tapat nagtago na muna ako dahil salamin yon pede nila akong makita

Ng sumilip ako ay nakapasok na sila pero bukas pa rin ang pinto at ang lahat ay nilapitan sila Ayi

Lumapit ako at tahimik na pumunta sa pintuan. Buti hindi sinaraduhan. Tumabi lang ako sa pintuan at nakita ko ng nasa ginta na yung stupida at kita ko sa salaming nasa likod niya na nakaupo ang lahat sa tapat niya

Nanatili ako don at hinintay ang mangyayari at napaayos ako ng upo ng magsimula siyang sumayaw.

Nagcross arms ako at sumadal sa tabi ng pinto

"Tss" nasabi ko na lang. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya masyado siyang magaling. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pero ang angas niyang sumayaw at ang ... ganda niya tss.

Hindi ko na tinapos ang panonood dahil akoy tss ewan.

Nakapamulsa muli ako maglalakad na sana pabalik.

"Ryu" napatigil ako ng may tumawag ng pangalan ko at pamilyar pa sa pamilyar ang boses na narinig ko
Napatungo muna ako saka siya hinarap.

"What are you doing here?" Walang reaksyobg tanong niya

"I-I was just passing by" nauutal pang sabi ko at di makatingin ng ayos sa kanya

"Really? Okay" sabi niya lang na wala pa ring reaksyon at tinalikuran na ako

Gusto ko sana siyang tawagin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sbaihin kung gaano ko siya kamahal pero pinigilan ko kaagad ang sarili ko.

Naglakad na lang muli ako at di tumungo sa classroom namin kundi sa likod ng school don sa garden. Don tahimik at alam kong aalis ang lahat pag nakita ako Tumigil ako sa puno at doon umupo

Pipikit na sana ako ng mag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at ng tingnan si Kiel ang tumatawag

"Ano" sabi ko

"Ryu masamang balita. Di kami makakuha ng impormasyon tungkol sa Reselloza na yon dahil masyado silang tago at wala talagang makalap na impormasyon kahit na ang iba ano ang gagawin natin?" Mahabang sabi nito sa cellphone

"Puntahan mo ang mansion ng mga Reselloza" sabi ko at pinatay ang tawag.

Alam kong magrereklamo siya pero siya na ang bahala don. Alam kong mapanganib ang mansion pero alam kong kaya nila yon.
Tss dami ko na namang problema.

Azia's POV

Matapos kong sumayaw ay nagsipalakpakan na sila at tumayo pa at ngumiti ng ngumiti sa akin

Omg hindi pa ako magaling don, may standing ovation na. Hahahaha

"Ang galing galing mo pa lang sumayaw" sabi nung isang babae

"Shet maganda na magaling pa sumayaw" sabi ng isang lalaki

"Ang galing shet" sabi nung cute na babae kanina at ayon nag ugong ang puro compliments

Ow thank you thank you. Di pa ako magaling don Hahahaha

"Pasok ka na sa dance club" sabi ni Lore at inabot ang kamay na kinuha ko naman kaagad

"Thanks" nakangiting sabi ko na lang pati na sa iba

Lumapit naman si Ayi sa akin saka ako niyakap

"Sabi na e marunong kang magsayaw at di lang marunong! Magaling kapa" deretsong tagalog na sabi niya kaya napatawa ako dahil para siyang bata

"Hehe salamat" nasabi ko na lang

"So okay na may kapalit na si Ayi" biglang sabi ni Lore. Agad akong napakunot noo saka tumingin ke Ayi

"Anong kapalit?" Tanong ko sa kanila. Agad naman silang nagtunguhan pati na si Ayi

"Uhm actually paalis si Ayi at kailangan namin ng katulad niya at ikaw yon Azia " sabi ni Lore

"Sorry Azia I did not tell you. Kailangan ko na kase makahanap ng papalit sakin. Kase this saturday aalis na ako ng bansa but dont worry I'll be back soon, as soon as I can" sabi niya saka ngumiti sakin

So anong ganap? Option ako?! Ako?! Tss lintebes

"So ang ganap pag bumalik ka na aalis na ako?" Sabi ko pinipilit na wag magtunog naiinis

"No, Azi part ka na ng dance club its just that, habang wala ako ikaw muna ang papalit sa akin and then kapag bumalik ako part ka pa rin ng dance club so dont worry" sabi niya na napapahiya

"Ah talaga sige" yon na lang nasabi ko dahil tutal wala naman na akong magagawa pasok na ako at kailangan kong gawin kung ano ipapagawa sakin.

"So settled na makakaalis ka na ng bans Ayi, a pero sana Ayi makabalik ka kaagad ha" sabi ulit ni Lore na hinawakan ang kamay ni Ayi

"Yea dont worry babalik naman ako, kaya sana alagaan niyo si Azi ha" sabi niya saka nakangiting tumingin sakin. Ngumiti na lang din ako sa kanila

Pagtapos non ay may mga sinagutan ako sa papel tapos ay sinbi nila sakin ang mga schedule ng practice saka mga event na sasayawan. Tapos ay ang mga costume tsk.

Gusto ko ang pag sasayaw pero mas may gusto akong gawin kesa sa pagsasayaw. Pero ayaw ko nang gawin dahil ayaw ko na

Ang Boyfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon