ABKG: 11

43 1 1
                                    

Ryu's POV

Nagtuloy ang klase at tinanong ako ni Zid kung san ako nang galing dahil di niya ako naabutan sa room di ko na lang sinabi at nanahimik na lang.

Buong afternoon class ay wala yung stupidang babae buti naman Tss. Hinahanap nga sakin ni Zid yung stupidang yun. Ngalay ngalay kong masapak si Zid.

Pagtapos ng klase ay dumeretso ako sa Conlefuerte. Nadatnan ko na naman silang nag lalaro yung iba naman nag iinom na naman

"Boss Ryu!" Si Samuel

"O anong balita" tanong ko lang at naupo sa sofa

"Ano ba gusto mo bad o good?" Tanong niya na may pagtaas pa ng dalwang kilay

"Tss yung maganda muna at baka masapak kita pag yung masama ang iuna mo" sabi ko

"Ano ba yan bad mood ka na naman boss. Sige good muna ang Good ay may konti kaming nakalap nung pinapunta mo kami sa mansion kaso sobrang konti lang Boss" sabi nito na umiling iling

"O ay ano nga" nawawalang pasensyang tanong ko umayos siya ng upo at humarap ng todo sakin

"May pumupuntang lalaki sa mansion Boss at sa tingin ko iyon na ang apo ni Don Cecilio Reselloza" sabi nito. Agad naman akong napaupo ng ayos

"Kilala niyo na ba?"

"Yun na nga boss ang bad news ni hindi namin malaman kung sino yon masyado talaga silang maingat. Yun nga lang nakalap namin e dahil mahirap makapasok sa mansion. Gustuhin man namin ay mahirap talaga"

"Alam ko yan. Sige ganto papuntahin mo silang lahat sa CO" sabi ko at nanguna na sa pagtaas papuntang office

Nang makarating silang lahat sa Co pinaupo ka na silang lahat at ako naman ay naupo na rin sa aking upuan

"Sino pa ang ibang may nakalap na impornasyon bukod sa ibinalita sa akin ni Samuel" tanong ko sa kanila

"Boss wala talaga e mahirap masyadong kumuha ng impormasyon" sabi ni Ivan

"Onga boss basta ngayon alam na nating lalaki siya pangalan na lang para mabilis na" sabi nman ni Leo

"Wala na bukod doon samga iyon Pareng Ryu wala na talaga kaming malaman" sabi ni Kiel

Bumuntong hininga ako saka umayos ng upo

"Pero alam ko namang hindi kayo titigil kaya mag iba na tayo ng plano. Araw araw may magbabantay sa mansion. At kailangan sa buwan na to malaman niyo ang hitsura nito kahit pangalan lang basta kailangan araw arawin ang pagpunta sa Mansion" sabi ko sa kanila at lahat naman silay nag isip

"Pero Ryu nung may matanungan ako don sobrang dalas daw pumunta ng lalaki doon at di nila alam kung sino iyon basta lalaki na laging nakasakay sa magarang kotse" sabi ni Ken

"Yun na nga kaya nga gusto kong araw arawin niyo ang pagpunta sa mansion kahit maghalinhinan kayo. At gusto kong kuhanan niyo ng picture para mas madali ang paghahanap" sabi ko

Tumango tango na lang sila at nakinig pa sa ibang gusto kong ipagawa sa kanila

Natapos ang diskusyon at nagtulugan na kami. Pero bago ako matulog ay may kumatok. Kaya tamad na tamad akong bumangon

"What?" Tanong ko pagbukas ng pinto
Si Zid iyon.

"Ryu tawagan mo si Ayi ngayon. Kausapin mo siya bago siya umalis ng bansa at kung magkakaayos kayo bago siya umalis ay mas maganda" sabi niya agad na kumunot ang noo ko

"Sabihin mo sa akin ang bagong bahay nila pupuntahan ko siya ngayon" seryosong sagot ko

May ibinigay siya sa akin na papel at agad ko yung kinuha saka ako patakbong pumunta sa closet ko at nagbihis

"Sorry Ryu ngayon ko lang din nalaman. Buti at nalaman ko kaagad bago siya umalis ng bansa" si Zid na di pa rin pala umaalis

Tumango lang ako sa kanya at nagmadaling pumunta sa kotse at agad na pinaandar ito

"Bat ka aalis ayi?!" Inis na tanong ko at pinalo ang manibela

Mabilis akong nakarating sa address na binigay ni Zid at patay na ang mga ilaw
Gusto kong mag doorbell pero ayaw kong may magising pang iba kaya nanatili na lang muna akong nakasandal sa kotse saka diniall ang numero niya

Patapos na ang pag riring ng sagutin niya ito

"What do you want?" Agad na bungad nito. Napabuntong hininga ako saka tumingala sa kwartong bumukas ang ilaw

"Nasa labas ako ng bahay niyo" sabi ko lang. Natahimik ang kabilang linya at nakita kong sumilip siya. Inis niyang sinarhan ulit ang kurtina

"Bababa ako" sabi niya at pinatay ang linya. Tiningala ko ang kwarto niya at patay na ang ilaw don. Maya maya lang ay lumabas na siya sa gate at lumapit sa akin

"What are you doing here?" Wala na namang reaksyong tanong niya

"Bat ka aalis ng bansa?" Tanong ko,
agad siyang napairap at mas niyakap ang sarili at alam kong nilalamig siya kaya binuksan ko muna ang kotse at kinuha ang ekstra kong jacket saka inabot sa kanya

"No need madali lang ako yun lang naman tanong mo diba? " tanong niya saka bumuntong hininga
"I'll stay there for good because I dont want to be here anymore. Im tired" sabi niya saka naging malamlam ang reaksyon pero pinipilit niya na wag ilabas ang emosyong nasa loob niya

Niyakap niyang muli ang sarili niya kaya naman ako na ang naglagay ng jacket sa kanya nagpumiglas siya pero nilalagay ko pa rin hanggang siya na ang sumuko

"I'll wait for you alam kong babalik ka" sabi ko. Tumungo siya saka bumuntong hininga ulit na para bang naiinis na

"Hindi ka nakakasigurong babalik ako at di ka nakakasigurong sayo ako babalik" sabi niya na nakapagpasakit sa puso ko. Tumungo ako saka tiningnan siyang muli

"I love you so much" nasambit ko na lang at akmang lalapit sa kanya ng umatras siya at yon rin ang mas kinasakit ng puso ko. Lalapit pa lang ako lumalayo na siya

"I dont want to be with you anymore Ryu because I hate you " sabi niya na nangilid na ang luha. Pero bago pa tumulo ang luha niya agad na siyang tumakbo papasok sa bahay nila hindi ko na siya sinundan at tumungo na lamang at nalaman ko lang na umiiyaak ako ng may tumulong luha galing sa mata ko. Pinahid ko kaagad ito at tiningala muli ang kwarto niya.

"You dont how much I love you, You dont know how much I want to be with you. Im sorry Ayi"

Ang Boyfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon