Gumising ako ng maaga dahil maghahanda para ako mamaya. Nagpatulong na rin ako kina yaya sa pag aayos pati nung mga damit na gagamitin sa pagsasayaw. Tsk tsk
Ng malapit ng humapon ay nag paayos na ako at dumating na rin naman na yung damit. Kulay black nga sira ulong Riella para akong sa patay pupunta pero ok rin naman, maganda yung design saka fit sa aken kaya ayos na ren.
Matapos mag ayos ay pagtingin ko sa salamin. Napangiti na lang ako
"Ganda ko talaga" sabi ko pa at saka flip ng hair hahaha
Nag bun na lang ako then silver accesories and white heels tas fit off shoulder. Ganda ko diba
Ha! Mamangha sa ganda ni Cervantes hahahaha.
"Lentebes kailangan pa kaya ng date don? sana wag na A'a" Tanong ko sa sarili ko saka kinuha ang white pouch ko
Napailing na lang ako saka lumabas na ng kwarto at lumabas na rin ng bahay at nagpahatid sa school
Emeged sana ok lang kahit walang date pag kailangan. Manghihila ako buwahhahaha.
Ryu's POV
Today is her flight. Gusto ko siyang pigilan pero alam ko namang di ko magagawa yon.
Alam ko kung ano ang oras ang flight niya kaya mas minabuti ko na lang na manmanan siya at sundan sa airport hanggang sa makapasok siya
Nakita ko pa siyang wala pa ring reaksyon kahit sa pagpasok niya. Hindi na lang ako sumunod sa loob at umalis na lang hindi ko kasi mataim na tingnan siyang papalayo sa akin.
Hapon na at may grand ball pa kung dati siya yung lagi kong date at kasama. Ngayon mag isa akong pupunta.
"Pare tapos ka na ba?" Rinig kong tanong ni Timo galing sa labas ng kwarto ko kaya binuksan ko ito
"Oo mauna na kayo kung gusto niyo" sabi ko at tinalikudan siyang muli at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Black and white ang suit ko at Gucci ito. Si dad ang bumili ng suit na ito para sigurado siyang aattend ako ng Grand ball. Tss kung wala lang mawawala sa akin matagal ko na siyang sinaway sa lahat ng gusto niya. Pero ano ba ginagawa ko sinusuway ko na nga pala siya ngayon pero alam kong di niya alam lahat ng pinag gagawa ko. Tss"Ge pare intayin ka na namin sa baba ni Zid para sabay sabay na" si Timo na nasa harap ko na pala. Sira ulo talaga to
Siniringan ko na lang siya saka kinuha ang phone ko sa table at lumabas ng room at sinundan naman ako ni Timo
"Gwapo ni Boss" sabi ni Kiel. Kaya ngumisi na lang ako at maangas na bumaba ng hagdan
"Tss ano pa ba" mayabang na sabi ko kaya nagkantyawan na lang sila
"Sinong date mo Zid at Ryu?" Biglang tanong ni Timo na nauna na sa pagbaba ko
"Si Xyri date ko e gawa ni tito nakakabwiset ayaw ipa date sa iba ang anak niya aba!" Inis na sabi nito
Walang sumagot sa kanya at ang lahat ay tahimik na napatingin sa akin. Siniringan ko silang lahat at nakapamulsang lumabas ng CLF
Pinaandar ko na ang kotse at nauna na don sa dalwa
Pagdating ko sa venue ng Grand ball na bwiset ay dumating na rin sina Zid at Timo na tahimik na. Ang iba naman naming kasamahan ay next week pa daw Aquiantance party nila. Tss
Nakasunod na sakin yung dalwa at sabay sabay kaming pumunta sa mismong venue. Sa hotel ng mga consul
Pagdating namin sa floor ng venue ay ngalay ngalay kong manapak ng harangan kami.
"Nasan ho ang mga date niyo sir? Pinagbilin ho kasi na bawal pumasok ang walang date" sabi ng lalaki na humarang samin
"Anong date gusto mong bigwasan kita?" Inis na tanong ko kaya agad na humarang si Zid
"Pare sige mamaya na lang kami papasok intayin muna namin yung date namin" sabi nito kaya tumango na lang yung lalaki
"Anong date sinong date mo?" Takang tanong ko
"Si Lore wala kasi ibang mahanap alam ko kasing hindi papapasukin ang walang date" kamot ulong sabi nito
"Quing ina bat di mo sinabi?! Pag akoy di nakapasok diyan at nalaman to ni dad ikaw mayayari sa akin Zid" inis na sabi ko
"Pare hahanap ka na lang namin" biglang singit ni Timo
"At sino naman?!" Inis pa ring tanong ko. Agad na napakamot si Timo at tumingin sa dinaanan namin kanina
"Ayon!" Sigaw nito na may pagturo pa
Kaya napalingon kaming dalwa ni Zid"Si ano si... Si" si Timo na may pagpitik pa ng kamay at hawak sa baba saka tinaas ang nkaturo niyang daliri
"Si Azia! Diba Zid? Yan yung magandang babae na si Azia" sabi pa nito na lumapit kay Zid ay si Zid naman ay nakatulala na sa stupudang babae.Kahit naman ako ay di ko rin maalis ang paningin sa babaeng yon. Tss masyado siyang maganda ngayon. Sigurado na akong siya ang mapipiling queen of the night sa ball na to Tss. Pahanga
"Ayan pare yan ang idate mo" si Timo na kumapit pa sa balikat ko kaya inis kong inalis kamay niya
"Are you stupid? I hate that stupid Girl!" Inis na sabi ko na nakaturo pa sa babaeng nakakunot noo ng papalapit samin. Agad siyang pinatinginan pati na rin ng mga nasa loob dahil bukas ang dalwang pinto
"Pare no choice yan lang panlaban e" sabi ni Timo na nagkibit balikat pa
Siniringan ko si Timo at tiningnan muli ang babaeng yon pero laking gulat ko ng nasa harapan ko na siya. Lintek
"Hoy bat may pagturo ha?! Ano na namang problema mo at nagsisigaw ka?!" Inis na tanong nito at nagpameywang pa sa harao ko at ayan na naman ang mga nakakainis na bulungan eskandalosa talaga tong babaeng to.
"Tss" yon lang nasabi ko saka siya hinila papasok sa loob at naghiyawan agad ang lahat pagpasok namin pero agad ko silang sinamaan ng tingin kaya nagsitahimik naman agad.
"Hoy lintebes ka! May paghila! Hoy!" Ingay talaga ng babaeng to
Hindi ko siya binibitawan at patuloy ang pagsigaw niya na parang tanga at arteng arte na para bang siya pa yung lugi. TssNahanap ko na ang table na naka reserve saming tatlo at don ko pinaupo ang stupida at agad siyang humawak sa dibdib niya na hingal na hingal at pinatong sa lamesa ang dala niyang maliit na bag
"King ina ka, sino ka para hilahin ako ha?! Makahila nahaggard tuloy ako haynako" sabi niya saka umayos ng upo at nagayos ng buhok niya
"Ano? Nagpapatangakad lang di ka uupo? Kung sinabi mo agad na gusto mo kong makadate sana niyaya mo ako ng maayos hindi yung hihilahin mo ako, jusko" daldal na naman niya siniringan ko siya at saka ako naupo malayo sa kanya at nakatalikod sa kanya. She's so loud
"Napaka arte may paglayo tss" sabi na naman niya. Narinig ko ang pagingay ng bangko niya kaya nilingon ko siya at kunot noo siyang tiningnan at inirapan naman niya ako ng tingnan ako
"Where are you going?" Tanong ko agad siyang napangisi na kinainis ko
"Diyan lang ako, eto naman konting oras lang mawawala" biro niya saka tumawa pero di naman nakakatawa. Umirap ulit siya saka nagpameywang na naman
"Akoy pupunta sa backstage! At akoy may dance number doon" sabi niya"If you have a dance number you should go first to the backstage before going here you're really stupid" sabi ko at umirap na naman siya
"Duh if I go there first edi wala kang nahilang magandang date na tulad ko? Stupid" sabi niya saka pasiring na tumalikod saka naglakad na papalayo.
Tss. Pahanga. I really hate her
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Gangster
Любовные романыKahit gangster siya. Tanggap ko siya. Kahit anong gulo o away ang harapin niya sasamahan ko siya dahil mahal ko siya, pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko titiisin ang ganoong mga pangyayari? Mamahalin at tatanggpin ko pa rin ba siya ng buo kahi...