Sa isip isip ko ay sana di matapos ang klase HAHAHAHA dahil syempre may konting takot din naman ako sabi niya di pa kami tapos ay jusko.
Nasaktan niya na nga ako e. Ano pa kaya ang pede niyang magawa sakin diba? Tsk
"Class dismiss" lintek ayan na. Dahandahan akong napatingin sa katabi ko at sinalubong na agad ako ng masamang tingin
"Ano na naman?" Taas kilay kong tanong at tinatago ang takot sa kabila ng matatalas niyang tingin
"Wag kang magpapakita sakin mamayang lunch. Kung ayaw mong masapak naiintindihan mo?!" Galit na namang sabi niya eto daig pa may mens bwiset
Di ko siya sinagot at nag make face lang sa kaniya at sa inis niya aambahan na naman niya ako ng pumasok ang sunod na teacher kaya agad akong napabungisngis.
Dumaan ang mga oras at sa bawat subject e lima lang kaming laging nagpapakilala kasi lima lang kaming transferee.
Last subject na ng morning class ngayon ibig sabihin lunch time na mamaya
"Ok class dismiss" pagsabi non ng teacher ay agad na nag ring ang bell na hudyat na para sa lunch time
Tumayo ako at di nagpapahalatang nagamamadali sa pag aayos ng gamit
"May kasabay ka ba kumain Azia?" Tanong bigla ni Zid kaya napatingin ako sa kanya
"Ha? Ah eh wala nga e transferee ako at ikaw pa lang kilala ko baka mag isa na muna akong mag lunch hehe" sabi ko na sinakbit na ang bag
"Mm. Ganon ba sige so see you after lunch" sabi niya ganern lang yon? Walang akit akit? Hahaha Kaloka.
Bumaling siya sa katabi ko na masama ang tingin sakin habang nag aayos ng gamit
"Lets go Ryu" sabi ni Zid na agad na naglakad palabas
Tumingin ako kay Ryu na masamang masama pa rin ang tingin sakin sarap sapatusin nito kabwiset.
Sinakbit niya ang bag niya saka lumapit sakin"Wag kang mag lunch sa Canteen at baka mawalan pa ako ng gana umayos ka papatusin talaga kita " sabi niya habang nakaduro pa sakin kaya naman tinapik ko ang kamay niya
"Wag mo kong dinuduro duro diyan ha" inis na sabi ko at inambahan naman niya agad ako
"Ryu I said lets go" yaya na naman ni Zid na nasa pintuan. Agad na sinamaan ng tingin naman ni Ryu si Zid at ito namang si Zid ay tuluyan ng lumabas at napatingin naman ako sa paligid potek wala na akong ibang kaklase
"Di ko na papansinin ang presensya mo dahil akoy nababarino lang saiyo kaya umayos ka ha! Palalampasin na kita ngayon pero wag kang paharang harang naiintindihan mo?! Talagang papatusin kita kahit babae ka, na wala namang hinaharap" sabi niya at nakangising inalis ang tingin sakin saka nakapamulsang naglakad palabas
Agad na naginit ang dugo ko sa sinabi niya at napatingin sa dibdib ko
"LINTEK KANG MANYAK KA!" sigaw ko saka tumingin sa pintuan lintek ambilis makalabas!
"Lintek ka ikaw papatusin ko sasapatusin kitang lintek ka bwiset! ako walang hinaharap?! O ay ano di ba pedeng mana lang ako sa tatay ko lintebes. Nako sinasabi ko sayong gwapong sira ulo ka masasampal na talaga kita lintek ka!" Sigaw ko pa rin habang palabas ng room at laking gulat ko ng di pa siya malayo layo sa room namin at halatang tumatawa dahil sa tumataas niyang balikat
Lintek nakinig pa ata
"BWISET" Sigaw ko pa sa kanya pero tuloy ang pagtawa niya. Buti wala ng estudyante dito jusko!Tumalikod ako at nagdesisyong don dumaan sa kasalungat ng dinaraan niya para di makasabay ang manyak na yon pero pagtalikod ko napasapo ako sa noo ko
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Gangster
RomanceKahit gangster siya. Tanggap ko siya. Kahit anong gulo o away ang harapin niya sasamahan ko siya dahil mahal ko siya, pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko titiisin ang ganoong mga pangyayari? Mamahalin at tatanggpin ko pa rin ba siya ng buo kahi...