Ryu's Pov
Pagtakbo ng stupidang babaeng yon ay naupo na ako at di mawala ang ngisi sa mukha ko. Yung ganong bagay talaga ang kahinaan ng mga babae tss.
"Ryu sino yon? " tanong ni Timothy
"Stupid girl" sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain istorbo talaga ang babaeng yon kahit kelan nakakabarino pa.
"Stupid girl bagang anong pangalan oy Zid siya ba yon? Yung sinasabi mong pinapatos ng ating magaling na master?" Ingay talaga ng lalaking to bagay sila ng babaeng yon parehas mabunganga
"Oo si Azia" sagot naman ni Zid na ramdam ko ang mga titig niya alam kong sesermonan na naman ako neto pero wag dito baka masapak ko siya
"Pucha ang ganda non pre!" Biglang sigaw ni Timothy
"Pwede bang itahimik mo yang bunganga mo" sabi ko pa kay timothy habang nakaturo ang tinidor ko sa kanya
"Sorry naman hahahaha pero pre lakad niyo naman ako don" sabi nito sakin na lumapit pa
"Kaladkarin pa kita kung gusto mo eh" inis na sabi ko sa kanya "alis nga" pagpapaalis ko sa kanya sa tabi ko
"Sungit talaga neto oy Zid pakilala mo naman ako don sa Azia ang ganda e" imik na naman nito at si Zid naman ang kinulit
"Ano namang kinaganda non" biglang sabi ni Xyri na katabi ko na kanina pa nakasimangot
"Maganda kaya siya Xyri ano ka ba alam naming maganda ka pero mas maganda siya" sabi pa ni Timo na ngingiti ngiti pa at may pagtaas taas pa ng kilay
"Tss"
"Oh bat nagrereact ka pareng Ryu hindi ka ba nagagandahan sa kanya?" Tanong na naman nito na bumaling na naman sakin
"Tatahimik ka o sasapakin kita ang ingay mo ah" sabi ko na aambahan pa siya ng tinidor
"Sabi ko nga tatahimik na ako e" sabi niya na nag zip pa ng bibig saka bumaling ulit kay Zid at kinulit kulit ito si Zid naman ay di na lang pinapansin ang kakulitan ni Timo
"Hoy Ryu" tawag ni Xyri na may pagsundot pa sa braso ko nilingon ko naman siya at tiningnan ng bagot na bagot
"Ano?" Masungit na tanong ko agad naman siyang ngumuso
"Nagagandahan ka don?" Tanong niya
"Flatchested" nasabi ko na lang at kumain ulit
"Oo alam kong wala siya ng meron ako pero ang tinatanong ko kung nagagandahan ka sa kanya" nagmamakatol ng sabi niya
"Pwede ba isa ka pa tumahimik ka naririndi na ako kanina pa" inis ng sabi ko na lalong kinanguso niya di ko na lang siya pinansin
Oo kung ako tinatanong niyo oo.
Maganda ang stupidang babaeng yon kung sa katawan talong talo siya kay Xyri pero kung pagandahan tss. Aaminin kong mas maganda siya kesa kay Xyri at wala na akong pakeNapaka ingay ng babaeng iyon. Sarap busalan ng basahan sa bibig akala mo baril kung rumatrat e. Nakakainis ang babaeng yon kung kaya ko lang siyang palayasin sa school na to ay kaninang umagang umaga ko pa siya napatalsik. Ang tapang pa tss.
"Hoy pareng Ryu!" Natigil ako sa pagiisip at inis na binalingan si Timo
"Ano?!" Sigaw ko
"Woa. Easy kanina ka pa kasi tinatawag eh. Nako" sabi nito na pasipil sipol pa na agad ko naman siyang inambahan
"Gusto mong masapak? Ano na naman ba yang ibinubunganga mo?!"
"Eh kase pareng Ryu may lakad tayo mamayang uwian" sabi niya saka ngumisi at hininaan pa ang boses
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Gangster
RomanceKahit gangster siya. Tanggap ko siya. Kahit anong gulo o away ang harapin niya sasamahan ko siya dahil mahal ko siya, pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko titiisin ang ganoong mga pangyayari? Mamahalin at tatanggpin ko pa rin ba siya ng buo kahi...