ABKG: 9

39 2 3
                                    

Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay pinagtitinginan kami at di ko alam kung bakit kaya binaliwala ko na lang at tinitingnan na labg ang bawat tao

"Ang ganda mo Ayi pinagtitinginan ka tuloy" nasabi ko na lang sa kanya pero ngumiti lang siya sakin

Ng makarating kami sa canteen. Ayan na naman ang tahimik na canteen dinaig pa me patay e

"Stay here." Sabi niya ng makatigil kami sa isang table don sa malapit sa entrance.
"Im gonna get our lunch, wait for me" sabi niya at ngumiti pipigilan ko sana kaso tumakbo na siya papunta sa counter at nanguna pa sa mga nakapila di naman sila nag reklamo kaya okay lang siguro.

Umupo ako sa table at naghalumbaba at tinitingnan na lang si Ayi don sacounter na turo ng turo ng mga pagkain sa taas

"Sino kaya to" tanong ko na lang sa sarili ko. Napaayos na ako ng upo ng maglakad na ulit siya ng nakangiti pabalik dito

"Nag order ka na? Ako naman" sabi ko at aasta akong tatayo ng pigilan niya ako at pinaupo ulit at saka naman siya umupos sa unahan ko

"No need, nag order na rin ako para sayo and its my treat" nakangiting sabi niya

"Nagtatagalog ka pala kaloka" sabi ko na lang at natawa na naman siya " sige salamat next time ako naman manlilibre sayo" nakangiting sabi ko at nagliwanag naman ang mukha niya

"Really? you'll join me again to eat lunch?" Parang batang tanong niya at ang cute talaga.

"Bat naman hindi" nakangiting sabi ko

"Yey" sabi niya Lang at dumating na ang napaka raming order niya nakakaloka

"Dami naman" sabi ko na tinitingnan pa mga inorder niya

"Uhm kasi diba gutom ka na so naisip ko na umorder ng madami" deretsong pagtatagalog niya pero slang pa rin kaloka

"Di naman ako ganon kagutom ano ka ba pero sige na kain na tayo" sabi ko na lang at ngumiti na lang siya at nagsimula kaming kumain pero narinig ko na naman ang ingay. Ang ingay nung lalaking kaibigan ni Ryu

"Dali pare gutom na ako antatagal niyo naman e" sabi nito na nagmamadaling pumasok ng canteen at dumeretso sa counter

Kasunod na pumasok naman yung babaeng maganda saka si Zid at panghuli si sira ulo na tumigil pa sa may pinto ng entrance at di ko alam kung san nakatingin

Nakaharap siya sa table namin ako naman nakaharap ay sa counter basta don tas kaharap ko rin si Ayi na masaya pa ring kumakain

At ng tingnan ko ang loko ay kay Ayi siya nakatingin at biglang tumingin sakin

Tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan. Siniringan niya lang ako saka nakapamulsang dumeretso na sa table nila

"Ayi tiningnan ka nung gwapong sira ulo" sabi ko saka sumubo

"Huh? Who's gwapong sira ulo?" Kunit noong tanong niya

"Ah. Hehe jk. Lang ano I mean si Consul kaklase ko yung Ryu" sabi ko na lang bat ba kase ganon mga pinapangalan ko sa mga abno.

Tiningnan ko siya at umayos siya ng upo saka ngumiti sakin

"Ah. Really" yun lang sabi niya saka kumain ulit

"Tiningnan ka siguro nagandahan din sayo. Kilala mo ba yon?" Tanong ko na ikinangiti ulit niya

"Hehe I know him syempre kilala siya sa buong school e" sabi niya lang at uminom ng juice

"Sabagay" sabi ko na lang

"Uhm Azi can I invite you to join our club?" Tanong niya pagtapos kumain pero ako tuloy lang sa pagkain

"What kind of club?" Balik tanong ko. Jusko napapaenglish pa.

"Uhm it's a dance club and we need dancers with a good faces and I think you can dance right?" Tanong niya agad naman akong napamaang at napakamot sa ulo

"Pano mo naman nasabing marunong ako sumayaw?" Kamot ulong tanong ko

"Sa tayo mo pa lang kase e. Saka bagay ka sa club namin so please? Can you join our club?" Sabi niya na pinagsalop pa ang mga kamay

Ibinaba ko ang nga kubyertos saka nagisip. Tumigil na ako sa pagsasayaw jusko. Saka alam ko na pala ngayon kung bat ako nilapitan neto jusko. Paranoid me

"Uhm sige" sabi ko na labg at agad na nagliwanag ang mukha niya saka tumayo at lumapit sakin saka yumakap

"Thank you Azi" sabi niya. Napangiti na lang ako at ng kumalas siya. Tumayo siya sa harap ko at tiningnan ang mamahaling wrist watch niya

"Uhm today is the audition and if you want samahan na kita ngayon mag audition" sabi niya

"E may pasok pa ako e" kamot ulong sabi ko

"Its ok i'll go talk to your teacher later and excuse you" nakangiting sabi niya

"Sige " sabi ko na lang at hinila na niya ako palabas ng canteen. Lintebes ang hyper naman neto

Liko don likod dito tas deresto jusko.
Narating namin ang dulo ng isang hallway at ang pinto non ay sliding at salamin siya sa labad at surenanes sa loob neto kita ang mga taong dumadaan

"Are you ready?" Tanong niya tumango na lang ako

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa akin ang malaking espasyo at bawat gilid ay salamin. Malamang dance club to e

"Hello guys!" Bati ni Ayi sa mga taong nandon na agad na naglapitan samin

"You got her! Nice Ayi" sabi ng gwapong lalaki na may katangakaran at moreno

"I told you Im the one who can get her. So anyway guys this is Azia Faye Cervantes and mag o-audition siya today " masayang balita niya sa nga kasama niya na ikinangiti naman ng lahat.

"Hi" yun lang nasabi ko at ngumiti sa kanila

"You're so beautiful" sabi ng isang cute na babae pati height cute

"Ow thank you hehe" sabi ko lang

"Ok lets get started make sure Ayi that she's the one we're looking for" sabi ng isang matangkad na babae na sexy pa

"Yes she is, Lore" may pagtaas na kilay pang sabi ni Ayi at di ko alam kung anong pinag sasasabi nila

"Ok lets start" muling sabi nung si lore daw. Wala man lang pakilalahan dine

Pumunta ako sa gitna at sila naman at nagkanya kanyang upo sa tapat ko

Jusko kaya ko itey. Tiwala lang di ko masyado gagalingan. HAHAHA

Ang Boyfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon