“Of all pains, the greatest pain, Is to love, and to love in vain…” ~ George Granville
MALAKAS niyang ibinagsak ang pinto ng makalabas. He breathed out a sigh of exhaustion. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala sa narinig. Bukod sa nagulat siyang marunong ng salitang banyaga ang mang-mang na katulong ay mukhang kuhang-kuha na nito ang loob ng pinsan.
Hindi niya mawari ang sarili, subalit kakaiba ang damdaming lumukob sa kaniya ng masilayan si Fe.
Hindi ito maganda, subalit ang una niyang napuna rito ay ang ganda ng mestisahing kutis nito na halos kulay sutla na. Minsan pa’y namasdan niya ang kamay nitong hugis kandila. Mga kamay ng isang babae na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Sadyang kakatwa, naroong naisip niyang hindi naman talaga ito totoo mahirap at pinagmamaltratuhan ng mga tiyahin at tiyuhin nito to the point na pinapakain ito ng kanin baboy kuna—ani Vesta.
Isa pang kakatwa ay ang pagkakahawig ng pigura nito, lalo na kapag nakatalikod, sa kaniyang nawawalang kasintahan.
Ang isiping ito ang kaniyang sinisinta ay matagal na niyang iwinaksi sa isip. Ngunit ng una niyang marinig ang tinig nito’y lalong lumakas ang pintig ng kaniyang puso. Lumukob sa kaniya ang lungkot, pagmamahal at pananabik. Dalawang buwan na naging miserable ang mundo niya at ang marinig ang tinig nito mula sa isang stranghera ay isang downright torture.
Pinili niyang isantabi iyon at upang tuluyang makalimutan ay naging indifferent ang pakikitungo niya rito. He’s often harsh when talking to her.
That morning when he found her changing his sheets ay naroon na naman ang kakaibang damdamin. Tila sa balintataw niya’y minsan na niyang nakasama ang katulong sa iisang kwarto—in an intimate scenario… in a passionate scene.
Hell, he should not feel those things towards her. It’s the feeling he has for his star and feeling it towards others especially just their maid is like direct betrayal. He can feel the blow of guilt. Despite of his star dumping him like trash, he cannot forget that feeling easily, over night. Kaya naman nasinghalan niya ang katulong.
Lulan ang kaniyang 2011 Ford Shelby GT350 ay tinungo niya ang kaniyang sanktwaryo—sa libingan ng kaniyang mga magulang.
Itinago niya ang asulin na mata sa likod ng itim na sun glasses. Suot ang white cap na pinatungan pa ng green na hoodie na suot ay tiyak niyang wala ng makakakilala sa kaniya.
Kampanteng bumaba siya sa sports car. Noong panandalian siyang nawala sa sirkulasyon ng industriya ay hindi na niya kailangan magkubli sa isang balat-kayo sapagkat noon ay balbas sarado’t napabayaan dumungis ang may kaalunan at mahabang itim na buhok, dala ng kapabayaan sa sarili. Ang clean look na nakagawian ay saglit na naglaho’t nahalinhinan ng marungit na Martin.
Hindi pa man nakakaupo sa ilalim ng lilim ng puno ay binulabog na siya ng tunog ng iPhone 4G sa kaniyang bulsa.
“Yes?” aburido niyang usal. Simula noong maglaho na parang bula si Cleofe ay naging irritable na siya. Bihira na ang naging pag-ngiti-ngiti niya na ni hindi man lang umaabot sa kaniyang mga mata.
“Sir, may nakuha po akong information tungkol sa pagkaka-ospital ni Miss Cleofe almost three months simula ng mawala siya…”
“Nasaan ka?” nagmamadaling tinalunton niya ang daan pabalik sa nakahimpil na sasakyan.
TINAPIK siya ni Vesta sa balikat. “Oh, bakit tatawa-tawa ka diyan pero lumuluha ka naman? Para ka ng nababaliw. Si Mart ba? Asus, don’t mind him, wala naman alam yun tungkol sa secret natin, eh!”
“Yun nga yun, Vesta, eh! He doesn’t know the real Fe is living under the same roof with him…” muli siyang nagpakawala ng pagak na tawa.
“What do you mean?”
She looks desperately at her, finally admitting that she needs to confide before she went crazy from all the mess she gotten herself into. “I am the reason behind his disappearance from stage for almost 2 months… I am that Star he’s been talking about…”
Nanlaki sa gulat ang mata ng peke niyang amo. “Whoah! Seryoso ka ba? You’re just kidding right?” but the trickle of tears down her cheeks proved the truth in what she just declared. “Oh. My. God!”
“Y-yeah, oh my God!” she sniffled. Dabbing her eyes with the tissue Vesta had managed to hand her.
“Why don’t you tell him?” she urged. Yeah, as if I can…
“Noong una ko siyang makita dito sa bahay mo in his miserable state ay gustong-gusto ko na siyang sugurin ng yakap pero nag-alangan ako, and do you know why?” alanganin siyang natawa, “Because I thought you two were lovers… Tapos noong nalaman kong hindi naman pala ay natakot na akong aminin iyon sa kaniya kasi… kasi natatakot akong kamuhian niya. After what I had done to him, I drop him like a trash, ni hindi niya alam na may nangyayari ng masama sa akin. Hindi niya alam na namatay ang mommy ko. Hindi niya alam na miss na miss ko na rin siya. Hindi niya alam kung gaano ko siya kamahal… hindi… hindi niya alam,” ibinuhos na niya lahat ng nararamdaman.
TIla nakakaunawang niyakap na lamang siya ni Vesta, hagod-hagod ang likod niya habang ina-alo siya.
“Kailan mo naman balak sabihin sa kaniya?” pag-daka’y ani Vesta? Hupa na ang emosyon niya ng mga sandaling iyon. Tuyong-tuyo na ang lacrimal ducts niya at pakiramdam niya’y wala na siyang mailuluha pa.
Napailing siya sa tanong ng dalaga. “Hindi pa sa ngayon, Vesta. Darating ang tamang panahon para doon. Sa ngayon ay titiisin ko muna ang ill-treatment niya sa akin…” hilaw ang ngiting sumilay sa makipot niyang labi.
“Whenever you’re ready then. Basta I am always here for you, darling…” she purred the words.
“Aw! Thank you so much, V. I owe a lot to you. First, you saved my ass from death. Then you gave me shelter, take note free lodging. And lastly, you’re always at my side as a listener and friend.”
Bumalik ang buhay sa mukha nito. “I’m glad to be an Angel in disguise!” she beamed. And that is why I call you Angel…
BINABASA MO ANG
The Rocker's Slave [Slow Update]
ChickLitDala ng isang pangyayari sa buhay ni Cleofe ay kailangan niyang talikuran ang kaniyang katauhan at ang lalaking minamahal. Sa pagpapanggap niyang si Fe bilang katulong ng dalawa sa malalaking celebrity sa mundo ng showbiz ay kailangan niyang labanan...