Vesta's bomb

355 6 0
                                    

SAMANTALA si Cynthia ng mga sandaling iyon ay ini-interrogate ng ever bait na asawa niya at siya ring nag-iisang bestfriend ng pinsang si Cleofe.

                Si Steven Mondejar ay nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang Celeste at Zandro Mondejar. Sa Mondejar clan ay ito ang nag-iisang tagapagmana ng halos lahat ng ari-ariang nakapangalan sa kaniyang ama kung ito man ay papanaw.

                They met in an engagement party. Karay-karay ito ng kanyang pinsan na walang ibang mahanap na ka-date bukod sa bestfriend nito. Nang malaman niya ang familial background nito ay hindi na niya ito nilubayan buong gabi kahit pa magmukhang tanga si Cleofe sa isang tabi.

                Three years na silang kasal subalit wala naman siyang mahitang asenso dito dahil wala itong balak na itake over ang kompanyang pinapatakbo ng ama bilang CEO. Kaya naman hindi siya nito masisi kung kumapit man siya sa amoy lupang ama-amahan ng kaniyang oblivious at tangang pinsan. Hindi na baling Dirty Old Man, madatung naman. Lalo na kapag natupad ang mga plano nila in the future. Isa pa ay enjoy naman siya sa tuwing paliligayahin siya nito sa kama.

                “Saan ka na naman nanggaling, ha? Don’t give me that crap that one of your amiga has a birthday party. I’m fed up with those alibis.” Singhal sa kaniya ng esposo na simula ng nawala si Cleofe under their noses ay saka naman natutong maghinala na bawat lakad niya’y kailang ibackground check.

                Aba’y daig pa nito ang isang nagger wife. Tsk, what a waste of biceps and abs!

                Napaikot ang eyeballs ng sosyal na esposa.

                “Darling, hindi ako galling sa aking mga amiga. I went to spa to pamper myself naman once in a while. I want to relax,” at ease na aniya. Kailangan niya itong idaan sa pa-sweet at pa-inosente effect niya para hindi makaamoy na siya’y may kinakalantaring ibang lalaki ng lamang na lamang ito ng ilang paligo kung tutuusin.

                Ang totoo ay galling siya sa Tagaytay. Sa isang resort doon pansamantalang nanunuluyan ang kaniyang kalaguyo. Halos tatlong buwan na nilang lihim na ipinapahanap ng bruha niyang pinsan. Kung bakit ba naman kasi bigla nalang itong naglahong parang bula matapos ang gabi na tangkain nila itong patayin.

                “I don’t believe you!” Halos umusok ang ilong na anito.

                “Hey, kailan ka ba naniwala? Aba, ‘di ‘wag mo na akong pinagtatanong kung di ka naniniwala!” Inismiran niya ito na hindi naman nito ininda.

                “Because you are not acting like a married woman, look at your dress,” he gave her a disgusted look from head to toe. “Is that how a descent woman dresses? I think not!”

                Lalong umarko ang tattooed eyebrow niya sa pagpapamukha nito. Eh, sa anong magagawa niya? That’s how the old man wants her to dress. Alangan naming suwayin niya, eh di naputol ang sustento niya ng wala sa oras.

                Oo, aminado siyang makasarili siya. Subalit, iniisip lang naman niya ang kaniyang kapakanan. Minahal din naman niya ang asawa. Hindi lamang dahil sa yaman ng mga ito kaya siya nagpakasal dito, may kalakip iyong damdamin. Subalit ng sabihin nitong wala itong planong itake over ang Mondejar Group of Companies ay bigla siyang nawalan ng amor dito. Wala itong ambisyon sa buhay. Siya’y mapaghangad at hindi na mangyayaring aasa siyang may ligaya kapag naghirap siya.

                Ah, we badly need to find Cleofe, ASAP!

KINONTAK man niya ang detective ay hindi pa rin niya lubos na ipapaubaya rito ang lahat. Kaya naman ng gabing iyon na sa hinuha niya’y tulog na ang lahat ay patingkayad siyang lumabas ng kaniyang kwarto.

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon