MALAKAS niyang naihampas ang kamao sa ibabaw ng desk ng Director ng Hospital. Kasama niya ang inupahang Detective halos Tatlong buwan na rin ang nakakaraan upang alamin kung nasaan ang babaeng bigla nalamang naglaho sa buhay niya.
But finding her proved to be hard. It’s like finding a single needle in haystack. Sa kabila noon ay hindi siya sumusuko.
His spirits were lifted up ng tumawag sa kaniya si Juancho—the detective from a well-known agency, Monteclaro Detective Agency—detailing some news about Cleofe’s disappearance, probably a missing link as to why.
Kaya nga agad silang sumugod sa Hospital na ibinulong dito ng isang impormante. Pero heto’t halos manggalaiti na siya sa galit. Paanong walang ideya ang Ospital na ito na nanakawan na pala sila ng dukumento? Right under their noses… To think na iisang file lang iyon, ang data record ng pagkaka-hospital ni Cleofe.
“This is bullshit!” makas niyang bulyaw. Sa kabila noon ay mahinahon pa rin siyang hinarap ng may katandaan na ring Direktor, Dr. Salvador.
“Mr. Stroem, I understand you're desperate to look over that record, but even if it’s still here and not stolen, we cannot afford to show you those documents due to patients confidentialit—“ naitikom nito ang bibig ng tapunan niya ng mabalasik na tingin.
“That is another shit. I don’t care what’s the protocol here, all I care about is finding my Star!” pag-didiin niya.
“Again, we cannot do that, sir, unless you had legal order from court!” biglang napatid ang pisi niya, tila wala sa sariling nahaltak niya ito sa kwelyo.
“Hindi criminal ang Star ko!” he sneered. Napalunok ang Director pero nagpakita pa rin ng katatagan.
“Hindi ko sinasabing Kriminal siya. Sumusunod lamang kami sa patakaran ng Hospital. Lahat ng transaction regarding sharing of Patient’s documents ay dumadaan sa legal na paraan.”
Ilang sandali rin siyang nakipagtitigan dito. Si Juancho ay hawak ang magkabila niyang balikat as if he could control his raging anger.
“Fine!” he huffed, sa wakas ay nagawa ring bitiwan ang kaawa-awang Doctor. “S-sorry!” maya-maya’y bulong niya, half-heartedly.
“I understand, Mr. Stroem. If we could just do anything for you to compensate…”
“You’re willing to?” bumalik ang kakarampot na pag-asa sa mga mata niya. “Please let your hospital investigate about this disappearance, sagot ko lahat ng gastos!” walang makakatinag na pahayag niya.
Kahit anong mangyari mahanap at mahahanap niya rin ang kaniyang Star. Mareresolba rin ang misteryosong pagawala nito at ng hospital records nito.
Napipilitang napatango ang Direktor. Wala na itong magagawa gawa ng nabitawang salita. They just have to put up with the temper of the Rocker Boy, and he, the Director had some explaining to do with the President and owner of the Hospital for allowing such incidence to occur.
HINDI namalayan ni Fe ang walang kilatis na pagpasok ni Martin ng Penthouse. Abala siya noon sa pagbabasa ng Women’s magazine na iniwan ni Vesta sa kandungan niya—to distract her troubled mind—habang prente ang pagkaka-upo niya sa vintage styled sofa.
BINABASA MO ANG
The Rocker's Slave [Slow Update]
أدب نسائيDala ng isang pangyayari sa buhay ni Cleofe ay kailangan niyang talikuran ang kaniyang katauhan at ang lalaking minamahal. Sa pagpapanggap niyang si Fe bilang katulong ng dalawa sa malalaking celebrity sa mundo ng showbiz ay kailangan niyang labanan...