NAHAGIP ng paningin niya mula sa kinauupuan ang ginawang sadyang pagbitiw ni Mino sa dog leash ni Cholie. Nasundan niya ang paglundag nito sa kandungan ni Fe. Kumakawag ang buntot nito, tila siyang-siya na muli nakita ang isang kalaro.
Napatingin siya kila Jeremy at Shin na nakasunod din ang tingin sa aso. They know for a fact that the dog adores Cleofe more that she adores her owner. Isa pa wala ng ibang nakakahawak sa aso bukod sa banda at kay Cleofe. Mailap ito sa mga strangers.
Bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng sari’t saring emosyon na lumukob sa pagkatao niya. Lalo pa ng nakita niya ang tuwa sa mga mata ng babae na nahalinhinan ng pag-aalala.
Kung ito ng si Cleofe, bakit kailangan nitong magpanggap? Bakit bigla itong nawala? Bakit hindi nito sinabi sa kaniyang ito si Cleofe?
Akmang lalapit siya rito subalit naharang siya ng pagpalakpak ng photographer. “Okay, let’s start this shoot people! Guysssssssss, if you may…” pabaklang muwestra nito sa gitna ng mga lente.
Banas na napilitan siyang sumunod.
“WHOAH, nakakapagod iyon, ah!” ani Shin matapos ang huling rolyo ng camera bago pinag-break ang mga ito.
Nataranta siya ng makitang papalapit ang mga ito sa kaniya. Naka-upo pa rin sa kandungan niya si Cholie. Dala ng pagkagulumihanan ay inabot niya ang mineral water sa kaniyang tabi at agad na iniabot kay Martin.
“Cleofe…” anito sa malamyos na tinig. Merde! Patay kang bata ka Vesta… Eh, bakit parang ang bait ng tono nito ngayon? Hala! Alam na ba niya… nila?
“Ahm, po?” mas lalong lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Domoble ang pagsasal noon.
“Kilala mo ba kung sino ‘yang aso na iyan?” tukoy nito ‘kay Cholie.
“Hindi po!” mabilis na kaila niya. Pilit na itinatago ang nerbiyos. Kulang na lang pagpawisan siya ng malapot. Dang!
“Si Cholie iyan. Kilala mo ba kung sino ang nagregalo niyan kay Mino?” she stiffned. Umiling dala ng pagkaumid ng dila.
“Ang girlfriend ko, si Cleofe. Do you know her?” nagtatagis na ang bagang nito’t nangungunot ng noo. Dala marahil ng negative response na nakukuha nito mula sa kaniya.
She gulped. “Hindi rin po, eh. Bakit po ba?” matiim siyang pinagmasdan nito. Inaarok ang kaniyang nasasa-loob. Maging sila Mino, Shin, at Jeremy ay mataman ding nakamasid sa kaniya.
“Never mind!” maya-maya’y anito saka tinungga ang mineral water.
“Tssh…” Jeremy sneered at her. Ano bang magagawa ko? Hindi ko pa pwedeng ilantad ang pagkatao ko.
She faked a face of innocence. Tila ba isang engot na walang alam sa mga nangyayari sa paligid. It must have worked—she guessed. Inagaw sa kaniya ni Mino si Cholie, the little dog whimpered but didn’t resist the claim of its current owner. Bagaman hindi pa rin naalis ang kakaibang kislap sa mga mata ng pianista ay tinaasan siya nito ng kilay.
Minsan iniisip niya may girl radar nga ito.
“Ah, I’m hungry!” reklamo ni Shin na inakbayan si Mino. Ito ang tila cool lang sa mga nangyayari sa paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/595124-288-k966243.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rocker's Slave [Slow Update]
ChickLitDala ng isang pangyayari sa buhay ni Cleofe ay kailangan niyang talikuran ang kaniyang katauhan at ang lalaking minamahal. Sa pagpapanggap niyang si Fe bilang katulong ng dalawa sa malalaking celebrity sa mundo ng showbiz ay kailangan niyang labanan...