Looking for the maid

171 6 0
                                    

ANG hapdi ng sinag ng araw na tumatama sa balat niya ang nagpabangon kay Martin mula sa himbing niyang tulog. Gabi na siya nakauwi matapos maglabas ng sama ng loob sa apartment ng tatlong kabanda.

        Subalit kahit lango sa alak ay hindi pa rin siya agad dinalaw ng antok. Nililimi niya sa isip ang naging rebelasyon niya sa mga kaibigan tungkol sa nararamdaman para sa katulong.

        Maging siya’y nagulat sa sarili nang ibulalas na lamang niya ang mga katagang iyon. Pero hindi siya nagsising inamin niya iyon. Nakapagtataka lang na tila siguradong-sigurado ang puso niyang mahal niya ang dating katulong.

        Kung ganoon ay paano na si Cleofe? Naguluhan tuloy siya bigla. Kaya naman halos madaling araw na nang igupo siya ng antok.

        Pagbangon na pagbangon niya’y agad niyang tinignan ang cellphone. Mayroong dalawang missed calls doon. Ang isa ay mula sa kaniyang mommy, inignora niya lamang iyon. Ang pangalawa ay mula kay Juancho, ang detective. Bigla siyang kinabahan. Mukhang importante ang tawag nito sapagkat nag-iwan pa ito ng mensahe.

        ‘Sir, urgent!

        Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad niyang tinawagan ang upahang detective.

        “Good noon, sir!” ang bungad nito sa kaniya.

        He groaned. Kung ganoon ay tanghali na pala no wonder kumakalam ang sikmura niya. But before he put something in his stomach he needs to hear Juancho first. “What’s the call about?”

        “Natatandaan niyo iyong binanggit ko tungkol sa father ni Miss Cleofe na biglang nawala matapos mawala ni Miss?”

        “What about him?”

        “Yung contact kong nagpapahanap kay Don Arnulfo, sir, may bagong instruction na binigay. Kung gusto ko raw mapadali ang paghanap sa Don, sundan ko raw ang pinsan ni Miss Cleofe. Mukhang may koneksyon ang lahat, sir!”

        “You mean to say, hindi naman talaga nagtatago si Cleo? Na nawawala ito dahil may gustong mawala ito? Ganoon ba Juancho?”     

        “Mismo, sir!”

        “But who? Her father? Her cousin? Kamag-anak niya ang mga iyon. Bakit nila gagawan ng masama si Cleo?”

        “Hindi niyo pala nabalitaan, sir? Five months ago, namatay mula sa isang car accident ang presidente ng Concepcion Construction and Designs, ang mother ni Miss Cleofe. At ang balita ko, malaki ang mamanahin ng girlfriend niyo. Siya nga ang nakatakdang mag-preside sa kompanya kung hindi siya nawala. Ang nakakapagtaka pa riyan, sir, hindi siya pinapahanap ng relatives niya. Tanging ikaw lang ang nagpapahanap sa kaniya.”

        Biglang na-rattle ang sistema niya. Kung ganoon nga, kung tama ang teorya ni Juancho ay nasa panganib pala ang kaniyang star. “I-iyang nagpapahanap sa father niya, tingin mo may alam siya kung nasaan si Cleo?”

        Matagal bago nakasagot ang kausap. “Sir, sa totoo lang, hindi ko dapat sinasabi sa inyo ang mga bagay na natuklasan ko. Hindi kasi iyon parte ng trabahong ibinigay niyo sa akin.”

        “I understand, daragdagan ko ang bayad mo.”

        “No, sir! Walang kaso sa laki ng payment ito. Sa confidentiality lang ng mga kliyente ko.”

        “Anong ibig mong sabihin Mendoza?” bahagyang may angil na tanong niya.

        “Ayaw ko lang na gumawa na naman kayo ng drastic na bagay. Pwede niyong ikapahamak iyon, ng kliyente ko, o ni Miss Cleo mismo.”

        Napabuntong-hininga siya. May punto ito. Kamakailan lang ay nagwala na siya sa isang ospital kung saan huling namataan si Cleofe. Baka nga nararapat na manahimik na muna siya… pansamantala.

        “S-sige. I understand. Basta, kung anuman ang malaman mo, ipaalam mo kaagad sa akin.”

        “Areglado, bossing!”

        “Anong balita kay Fe?” muntik na niyang makalimutan ang tungkol dito.

        “Sorry to disappoint you, sir but Fe Castillo doesn’t exist. Pinuntahan ko ang sinasabi niyong tirahan ng tiyahin at tiyuhin nito pero walang nakatirang Nickanor at Rosa Castillo sa lugar na iyon. Wala ring naka-register sa NSO tungkol kay Fe Castillo. Walang tumutugmang katauhan para sa taong iyon, sir. Mukhang gawang Recto lang ang binigay sa inyong birth certificate ng katulong niyo.”

        Darn! Nagmamadaling tinapos na niya ang tawag. Agad niyang tinungo ang kwarto ng pinsan. There’s only one way to find out kung sa wakas ay may saysay ang mga hinala niya.

        Pinihit niya ang seradura, naka-lock. Ibig sabihin ay naroon ang pinsan niya. “Vesta, open up!” sunod-sunod na katok ang ipinaulan niya sa pinto nito.

        “Ano bang problema mo, hah, cousin?” nakabusangot na pinagbuksan siya nito ng pinto. Halatang kagigising lang din nito tulad niya. Naulilangan niya pa ito nang umuwi ito ng nagdaang gabi, puyat din itong katulad niya.

        “Sino ba talaga si Fe?”

        “Ano bang pinagsasabi mo?” nag-iwas itong ng tingin at tuluyang lumabas ng kwarto nito patungo sa kusina.

        Hinatak niya ang siko nito. “You’re hiding something from me!” he sneered.

        “Wala akong tinatago sa iyo. May pera ka naman, bakit kita tataguan? Alam kong hindi mo ako pagnanakawan,” kay tamis-tamis pa ng ngiting turan nito.

        Nakuha pa nitong magbiro. Lalong humigpit ng pagkakakapit niya sa braso nito. “Darn, V! Sabihin mo sa akin ang totoo, sino si Fe?”

        Napapiksi ito. “You are hurting me. Magkakapasa ako, may shooting pa ako mamaya.”

        “I do not care! Tell me the truth and I’ll release you.”

        “Bakit hindi na lang si Fe ang tanungin mo?”

        “But she isn’t here anymore. Paano ko pa ‘yun tatanungin?”

        “She’s in Bulacan,” muli’y kay lapad na naman ng ngiti nito.

        “What?” sa gulat ay lumuwang ang pagkakahawak niya rito. Nagawa nitong makawala mula sa kaniya.

        “Yes, my dear cousin, she’s under the custody of your parents.” Taas-kilay na pahayag nito ng kaniyang kinatatakutan. “You know, you should face your fears,” pagkasabi noo’y tinalikuran na siya nito’t tinuloy ang pagtungo sa kusina.

        Naguguluhang bumalik siya sa kaniyang kwarto. He’s torn between knowing the truth and facing his father. 

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon