The Meeting

159 3 0
                                    

MARAHAN niyang sinimsim ang inorder na orange juice. Kasalukuyan silang nasa fine dinning restaurant ni Vesta. Doon nila katatagpuin si Attorney Santiago at si Steven. Past nine na siya nasundo ni Vesta mula sa Bulacan. Atrasado sa oras ng usapan nilang apat. Kaya katakatakang wala pa roon ang dalawang taong katatagpuin nila.

        “Are you sure you said the right place?” untag ni Vesta sa kaniyang pananahimik.

        Ibinababa niya ang tangang juice. “Affirmative.” Luminga-linga siya sa paliid. Baka naman naligaw lamang ng mesa ang mga ito. Subalit, wala talaga ni isa sa anino ng dalawa.

        “Ugh, let’s just wait!” panglimang beses na iyon sinabi ng dalagang aktres. Halata ang disgust sa boses. Hindi kasi nito type ang pinasuot niya ritong damit. Pinabili niya pa ito ng wig at pinagsuot ng big sunglasses. She doesn’t want her to be seen with someone as ugly as her. Baka magka-apekto iyon sa reputation nito.

        “Anyway,” bumalik ang kislap sa mga mata nito. “Alam mo ba, hinanap ka ni Martin sa akin. Halatang nag-aabang siya sa pag-uwi ko kanina. E, bihira naman yun gumising ng maaga. Muntik ko na tuloy sabihing nakila Tita Salve ka.”

        “Are you nuts?”

        “Eh baka lang naman na-realize na niyang mahal ka na niya kaya ganun,” ngiting-ngiting anito, halatang kinikilig.

        “You really are nuts. Can’t you see my face? Naku, V pinasok na yata ng virus yang utak mo from all those telenovelas you’re being cast.”

        Tumabingi ang ngiti nito. “Darling, ang O.A. mo! Hindi naman nalalayo sa katotohanan yung pinapangarap kong love team ano. You are in fact his girlfriend. Your disguise can’t change that fact. So, move on with the ugly issue, okay?”

        Napabuntong hininga na lamang siya. Dalangin niyang dumating na ang dalawang katagpo para tumigil na ito sa kakaungkat kay Martin.

        Tila naman dininig ng Diyos ang panalangin niya. Ilang sandali nga’y sabay na dumating ang dalawa. Luminga-linga ang mga ito sa paligid. Hindi informed ang mga ito sa kasalukuyan niyang hitsura kaya hindi kataka-taka ang ginawi ng mga ito.

        “Oh, bless! They’re here!” bulalas ni Vesta, ito na rin ang kumaway sa mga ito.

        Halata ang pagkagulat sa mukha ng mga ito paglapit sa table nila.

        “Hija? Ikaw ba iyan?” tanong nito kay Vesta. Maikling natawa ang aktres.

        “Ah, attorney, I’m here!” agaw-pansin niya rito. Kitang-kita niya ang sabay na pagngiwe ng dalawang lalaki. Vesta thriumphtly smiled, proud sa creation nito.

        “What had you done to yourself, Clay?” umupo sa tabi niya si Steven habang sa kabilang panig pumwesto ang abogado. Ginagap ng bestfriend ang kaniyang dalawang kamay. Kay lamlam ng mga mata nitong titig na titig sa kaniya.

        “I had to do this. It’s the only way to stay safe while we are sneaking under the noses of the culprits.” Humihingi ng paunawang nginitian niya ito. Napabuntong hininga na lamang ang lalaki.

        “Bakit nga pala ang tagal niyo?” pukaw ni Vesta sa sandaling katahimikang pumalaot sa kanilang mesa.

        “Parang may sumusunod sa akin, eh. Iniligaw ko pa muna saka ako dumiretso sa office ni attorney. Kotse na niya ang ginamit namin papunta rito.”

        “What? Sigurado ba kayong hindi kayo nasundan hanggang dito?” nagpapanic na sinuyod ni Vesta ng tingin ang paligid.

        “Of course, we made sure of that!” kaagad na may tensyong namagitan sa pagitan nila Steven at Vesta.

        “Hey, guys relax. There seems no danger ahead. Let’s just focus about what this meeting is for.” Agad niyang sawata sa tiim na titigan ng dalawa.

        “Right, hija. May ibabalita nga pala muna ako sa iyo,” nakisang-ayon ang abogado. Mula sa folder na tangan nito’y kinuha nito ang isang litrato’t inabot sa kaniya. “Kilala mo ba kung sino iyan?”

        Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Nagtatakang napatitig sa kaniya si Vesta. Nang hindi makatiis ay hinablot nito ang larawan dala ng kuryosidad.

        “Martin…”

        “Si Martin!” ang panabay nilang wika, ang sa kaniya’y halos pa-anas.

        “So, kilala mo pala siya?” si Steven. Walang nakaaalam ng relasyon niya tungkol sa Rockstar, maski ang kaniyang bestfriend. Ayaw niya nga kasing makarating iyon sa kaniyang ina. High school pa lamang siya’y pinagbawalan na siya nitong makipag-relasyon sa iba. Nagrebelde ang kalooban niya. Labag man sa utos nito’y nakipagrelasyon siya sa kung sino mang tangkaing ligawan siya, bagaman ingat siyang hindi iyon makaabot sa kaalaman ng ina na busy naman parati sa negosyo nito.

        “Anong relasyon mo sa kaniya, hija?” pukaw ng abogado sa naglalakbay niyang diwa.

        “Boyfriend niya ang pinsan ko,” si Vesta ang sumagot para sa kaniya. Lalong sumama ang tingin dito ni Steven. Nagkibit lamang ng balikat ang dalaga.

        Muling bumaling sa kaniya ang kaibigan. “Is that true?”

        Imbes na sagutin ang tanong nito’y binalingan niya ang abogado. “Bakit niyo po natanong?”

        “Iyong private investigator na may hawak sa paghahanap kay Don Arnulfo, siya rin ang may hawak sa kasong pinapatrabaho ni Martin sa kaniya. Ipinahahanap ka ni Martin Stroem, Cleofe.”

        Tila may kabayong sumipa ng pagkalakas-lakas sa kaniyang dibdib. Ganoon ba talaga siya kamahal ng lalaki? Muntik ng masira ang career nito ng dahil sa kaniya. Ngayon nama’y malalaman niyang pinapahanap siya nito. Nang mga sandaling iyon gustong-gusto niyang sugurin ang lalaki sa penthouse ng mga ito ng isang mahigpit na yakap.

        However, she immediately ditched the idea. Baka kung lumatad siya rito’y madamay ito sa gusot na kinasasangkutan. Iyon ang kinatatakutan niyang mangyari, ang mapahamak ito.

        “Talaga? Ang pinsan ko talaga napaka-romantic!” kinikilig na bulalas ni Vesta. Natahimik ito ng sulyapan ng matalim ni Steven.

        “Ma-makaka-apekto ba iyon sa mga plano natin, attorney?” sa wakas ay nagawa niyang mahanap ang tinig upang magtanong.

        “Not really, hija. As long as mananatiling lihim mula sa kaniya ang pagkatao mo.”

        “Makakaasa ka, attorney.” Matipid niya itong nginitian. “Salamat po.” Then, it’s the lawyer’s turn to smile.

        “Walang anuman, hija.”

        “Sino nga pala ang hinala mong sumusunod sa iyo, Steve?” baling niya sa kaibigan ng maalala ang paliwanag nito. Karakang umasim ang mukha nito.

        “Palagay ko si Cynthia. Nakahahalata na yatang palagi ko siyang pinag-iinitan.”

        “Bakit kasi hindi ka nag-iingat?” sighal ni Vesta rito.

        “Hey, am I talking to you?” balik singal ng kaibigan.

        “Guys, please!” sabay na tumikom ang dalawa bagaman kay talim pa rin ng tingin sa isa’t isa. “Mag-iingat ka na lang sa susunod, Steve.” Tumango ang lalaki.

        “Nagkaroon ako ng ideya,” singit ni attorney Santiago. Lahat sila’y napako ang tingin dito. “Dapat matagal na natin itong ginawa. How foolish of us!”

        “Ano ba kasi iyon, attorney?” pakli ni Vesta.

        “Pasusubaybayan ko kay detective Juancho si Cynthia.”

        “Brilliant!” bulalas ni Vesta. 

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon