Crazy identity

534 10 6
                                    

“ANO sa tingin mo ang ginagawa mo?” dumagundong ang boses ni Martin sa loob ng kwarto nito. Napatuwid siya ng tayo mula sa pagkakayuko sa kama nito.

                “Ah, sir a-ano pinapalitan k-ko po yung bedsheet!” kanda-utal na aniya. Bakit niya nga ba ginagawa iyon? Dahil nakakahiya man aminin, the sheets stinks. It has the mixed smell of sweat, cigar, Brandy, her perfume, and their cum.

                She blushed at that thought.

                “Lumabas ka na!” singhal nito. Napaurong siya sa kinatatayuan. Ano bang masamang palitan niya ang bed sheet? Wala naman hindi ba? Trabaho niya ‘yun bilang isang maid, fake maid!

                “May masama po bang palitan itong sheets niyo?” hindi nakatiis na usisa niya. Hell hath no fury, ‘wag naman sana nitong ibato ang hawak na Lacoste cologne sa kaniya.

                “Ako lang ang mag-dedesisyon kung kailan mo papalitan iyang sheets ko.”

                Irrational talaga nitong lalaki na ito. Pig!

                “P-pe-pero…”

                “Shut up! Leave me at once!” wala na siyang nagawa kung hindi lisanin ang kwarto na iyon na mabigat ang dib-dib, dala ng sama ng loob at irita.

                Ano ba naman kasi iyon? Type niya lang amuyin ang scent ko?

                Napailing na lamang siya sa sarili. Kung hindi nga lamang alanganin ang sitwasyon niya ng mga panahon na ‘yun ay kinompronta na niya iyon.

                Sa lalim ng iniisip niya’y hindi na niya napansin si Vesta na nasa harap na pala niya. Kung hindi pa ito tumikhim ay baka tuluyan na niya itong nabangga kung nagpatuloy pa siya paghakbang.

                “Vesta! I mean Ma’am Vesta… ang ibig kung sabihin, ikaw pala Ma’am Vesta!” Nilingon nito ang pinanggalingan niya.

                “Andyan?” bulong nito na tinanguan lamang niya. “Ay sayang naman!”

                “Oh, bakit po?”

                “Magpapatulong sana ako sa iyong mag-ayos. May date kasi ako mamaya!” she suddenly squealed like a teenager.

                “Ow? Sino?” bigla siyang na-excite para rito. Maging ang sama ng loob ay panandaliang nawaglit sa kaniyang isipan.

                Lumapit ito’t binulong sa tenga niya ang sagot. Mulagat siya matapos nitong sabihin ang pangalan. “Really?”

                “Yup!” Vesta beamed. At mas lalo niyang nadama ang kasiyahan nito.

                “Oh my Gosh, I am so happy for you. Piolo Pascual? As in for real! That’s the biggest news ever!” magkahawak kamay na sabay silang napatalon sa tuwa na parang musmos na mga bata. Sa loob ng mga panahong nanatili siya sa tahanan ng mga ito’ Sa loob ng mga panahong nanatili siya sa tahanan ng mga ito’y itinuring na niya itong matalik na kaibigan.

                “Did I hear it, right? Fe knows how to speak English?” sabay silang napalingon sa nakakunot noong pigura ni Martin. Prente ang pagkakasandal nito sa pintuan ng kwarto, bagaman hindi maalis sa mukha nito ang bakas ng pinaghalo-halong emosyon.

                “Ah… ahm… a-ano…” she stuttered. Sa sobrang excited niya ay nawala sa isip niya na naroon lamang si Martin sa kwarto nito’t maaaring maulinangan nito ang kanilang mga pinag-uusapan at galaw.

                Abot-abot ang kaba niya ng mga sandaling iyon. Sana nawa’y hindi niya muna matuklasan na siya ang star nito.

                “Ah, kasi gusto niya raw matoto na mag-Ingles kaya ayun, tinuturuan ko siya…” ani Vesta. As usual ay ito na naman ang sumalo’t sumagip sa kaniya. Nang mga sandali tuloy na iyon, pakiramdam niya’y siya si Cinderella or si Snow White, a damsel in distress that always needs saving.

                Kung madali nga lamang na ipakulong ng basta-basta ang mga taong may kagagawan ng lahat ng gulo na iyon disin sana’y din a niya kailangan magtago, magpanggap.

                “Is that true, Fe?” nang-aarok na naman ang mga titig nito.

                “Opo!” mabilis niyang sagot. Noong una palang ay tutol na itong gawin siya made doon. Mabuti na nga lang at nakulit ito ni Vesta. Kung anu-ano ang inembento nitong dahilan mapapayag lamang ang binata. Kesyo, malupit ang mga tiyahin niya. Kesyo, ang pinapakain siya ng kanin baboy ng mga ito. At kung anu-ano pang degrading things sa isang katulad niyang high class socialite.

                Napatango na lamang ito bago bumaling sa pinsan nito. “And this Piolo Pascual? Totoong may date kayo?”

                Bumalik ang sigla sa mukha ng dalaga, “Yes, cousin. Aren’t you happy for me?”

                “I thought he’s gay!” he commented in a matter of fact tone.

                “Hindi kaya!” panabay nilang turan ni Vesta na ikinailing ng lalaki.

                “Fine! Sige, aalis muna ako, baka madaling araw na ako maka-uwi. Bye!” bago pa nito mapihit ang seradura ay muli itong lumingon. “Huwag mo ng pakikialaman ang kwarto ko, hah!” he coldly spat.

                Hayun na naman ang salakay ng sakit sa kaniyang dibdib. “Opo!”

                “Good!”

                Nang mawala ito sa paningin nila ni Vesta ay saka niya pinakawalan ang malungkot na halakhak. Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon…

_____________________

A/N: Pasensya na natagalan ang update nito. :)

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon