“I can’t believe na nagawa kong itanong iyon sa kanya!” inis na sinabunutan ng binata ang sarili. Naroon siya’t nagmamarukulyo sa kaniyang kwarto habang matiyagang nakikini ang tatlo sa kaniyang sintemyento.
“Brother, you can’t just handle the truth that Cleofe left you. Maybe for good…” ani Shin. Hinampas ito ng pagkalakas-lakas ni Mino in his defense.
“Shin-o babe, ‘wag mo nga gatungan. Gago talaga itong lalaki na ito,” nakadurong anito. “Marty, ‘wag mong pinapansin itong si Shin-o. Mukhang may sapak na naman, eh!” baling nito sa kaniya.
“Hey hey, you! ‘Wag mo akong balitarin, ah. Ikaw yata itong may sapak, eh. Ikaw hah, kanina mo pa ako inaaway, hindi naman kita inaano. Bading na nagmemenopause!” pakli ni Shin na tila insensitive sa kung anong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Malamang ay may pinagdadaanan din at ipupusta niya ang identity ni Cleofe na si Mino ang problema nito. Base na rin sa early bickering ng dalawa.
“Tado, sinong bading? Ako? Uupakan na talaga kita dyan, eh. Ikaw itong kanina pa…” si Mino
Napailing na lamang siya.
“Hey guys, will you both shut up! Namomroblema na nga itong utol natin e nag-aaway pa kayo,” ani Jeremy na hindi nakatiis sa bangayan ng pianist at bass guitaristna minsan kung umakto ay parang mga gay lovers.
“Tsk, baka naman kasi in love ka dyan sa katulong nay an kay iniisip mo na siya si Cleofe to justify your feelings. Unconditional love yan, bro!” muling hirit ni Shin na muli pang nakatanggap ng batok kay Mino dala ng inis na tinuran nito.
Siya ay hindi nakahuma sa komento ng kaibigan at kabanda. Na-in love na nga ba siya kay fe kaya niya ibinibintang dito ang identity ng nawawalang nobya?
Nah, Impossible… siya na rin ang kumontra sa sarili kahit pa maging siya ay naguguluhan na.
Di bale… may iba pang way para malaman ko kung siya nga si Cleofe ko. Hindi pa rin ako susuko.
“Tol, are you listening?” agaw pansin ni Jeremy na sa malas ay kanina pa nagsasalita. Noon niya lang napansin sa kung saan-saan na nakarating ang paglipad ng kaniyang isip.
“Y-yeah?”
“Tsk, you’re not with us the past few minutes… but, anyway, never mind that… Jeremy here has a new plan,” Mino interrupted what Jeremy’s about to say.
Nagkibit-balikat si Shin ng ituon niya ang tingin dito.
“Yeah, meron nga… So, I was thinking… bakit hindi natin ipa-background check si Fe?” nakataas ang kilay na ani Jeremy.
He sighed in resignation.
“Okay, I’ll call up my contact para ipahalungkat ang whereabouts niya.”
“SIR, I will do my best para magawa ito ng madalian dahil utos ninyo. Kahit ito man lang ay magkaroon ng resulta,” ani ng detective na siya ring inutusan niyang maghanap sa nawawalang nobya.
“Salamat! Just contact me when you had news…”
“Ah, sir, about the case of Miss Cleofe…”
“Ano yun?”
“Meron pong isang anonymous client ang nagpapahanap sa father ni Miss Cleofe. Accordingly, kasabay ng pagkawala ni Miss Cleofe ay nagbakasyon ang Don somewhere na walang ibang nakaka-alam.”
“Ganoon ba? Hmmm…”
Matagal na nag-isip ang binata. Wala naman siyang paki sa father ng nobya na hindi pa naman niya nakikilala. Ang tanging concern niya ay si Cleofe. Subalit ano kaya kung may kinalaman sa pagkawala ni Cleofe ang pagbabakasyon ng Don? Hindi kaya ito ay may pakana ng pagkawala ng anak?
Ah… that’s impossible. Sinong ama ang gagawa noon sa anak?
But, just to make sure…
For his sanity’s sake…
“Sige, gusto kong alamin mo rin ang tungkol diyang sa anonymous client at kung nasaan ang father ni Cleofe. Baka sakaling alam niya kung nasaan ang aking Star.”
“Roger, sir!”
“Sige, thank you!”
Agad na niyang tinapos ang pakikipag-usap sa detective.
“Ano? Okay nab a?” excited na tanong ni Mino.
“Okay na hihintayin ko nalang ang pagkontak niya sa akin once nakalap na niya ang mga necessary information na kailangan natin para magbigay liwanag sa kataohan ni Fe.”
“Ang tagal naman!” angal nitong napakamot sa kulutan nitong buhok.
“Chill, babe!” ani Shin.
“Tse!” si Mino.
Napailing sila ni Jeremy. “Ano ba kayong dalawa, may lovers’ quarrel?”
“Lover’s quarrel ka dyan!” duet ng dalawa. Nandliat ang mga matang nagtitigan ang dalawa. Hanggang napuno ng tawanan ang loob ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
The Rocker's Slave [Slow Update]
ChickLitDala ng isang pangyayari sa buhay ni Cleofe ay kailangan niyang talikuran ang kaniyang katauhan at ang lalaking minamahal. Sa pagpapanggap niyang si Fe bilang katulong ng dalawa sa malalaking celebrity sa mundo ng showbiz ay kailangan niyang labanan...