Year Started: 2013
--------------------------------"Hey Asshole!!! Babalikan kita!!!!!" malakas na bulyaw ko.
Dont worry guys! Wala akong kaaway. I just shouted at that damn taxi driver who rejected a pregnant lady in need. And yes. Im that pregnant lady.
Napahawak na lang ako ng mahigpit sa katabing poste. Palms sweating and knees trembling.
Shemay naman oh! Ansakit ng tiyan ko! Lintik na.. Manganganak na ba ko? Dalawang buwan pa ah.. Bat ang sakit?! dirediretsong tanong ko sa utak ko.
Anak ng kabute naman talaga!! Kailangan ko ng makapara ng taxi!! As in ngayon na!
"Kuya! Kuya!!" sigaw ko.
Walanjong drayber yun ah! Di man lang ako pinansin!! Di ba dapat priority ang mga buntis?!
"Hoy Kuya! humanda ka! namemorize ko yang plate number mo!! Isusumbong kita sa LTFRB!!" hiyaw ko pagkalagpas nya.
Ayun! Isa pang taxi!!
"Kuya! Kuya!"
Shit! Dinedma nanaman ako!! Mga walang hiya! Mga hayop!! Ansakit sakit na ng tiyan ko!
"Shet kayo! kung di kayo titigil ng kusa, patitigilin ko kayo ng sapilitan!!" sigaw ko sa utak ko.
At sa dahil sobrang sakit na ng tiyan ko, napilitan akong magdive sa harapan ng isang kotse! Humarang ako sa harap nito with my both arms outstretched, wala na kong paki kahit di to taxi basta masakit na talaga ang tiyan ko!!
"Kuya! Miss! Kung sino ka man diyan sa loob, please tulong!!!" pagmamakaawa ko habang hawak hawak ang tiyan ko.
Di sya lumalabas, di ko rin sya maaninag, sobrang tinted ng salamin ng sasakyan nya kaya inulit ko na lang ang pakiusap ko.
"Please.. kung sino ka man.. help me.. my tummy hurts like freakin hell!!!" pagwawala ko na.
Lumipas ang ilang segundo at ibinaba na nya ang bintana nya para sumilip.
"Hoy Misis! Alam ko na yan!" bungad nya. "Modus yan! paparahin mo ko, pasasakayin kita, tapos hoholdapin mo ko! Duh! I'm not stupid to fall for that!!"
What the fuck?! Muntik na malalag ang panga ko! Buti na lang nasalo ko!!
"Oi kuya! Ang kapal mo! Ako? Holdaper??!! Baka gusto mong maghubad pa ko dito para mapatunayan kong buntis ako!!"
"Aba! At sumasagot ka pa ha! Oi! Kung ako sayo umal--"
Di na nya natuloy ang sinisigaw nya dahil nagsimula ng magbusina ang mga sasakyan sa likod nya!
"Ano ba naman kayong magasawa kayo! At sa highway nyo pa natripang magaway! You're causing a commotion here!!" sigaw ng isang lalaking nasa edad singkwenta.
Di rin nagtagal ay may lumapit na traffic enforcer.
"Oo nga! Mam, Ser! umuwi na kayo sa bahay nyo. Dun kayo magtalo! Ayusin nyo yang mga buhay nyo oh, magkakaanak na kayo!"
"Ano?! Hey youve mistaken! I dont kno----"
Aapela pa sana yung lalaki ngunit hinigit na ko ng traffic enforcer palapit.
"Sige na Misis sumakay ka na!" tulak sa akin ng traffic enforcer sa kotse ng lalaking kontrabida at isinakay ako.
"Sige na Ser! umandar na kayo ng matapos na tong eksenang to!"
"Fck!" galit na galit na hinampas ng lalaki ang manibela nya at nagmaneho.
"You better not do anything funny kundi papaliparin kita sa presinto!" duro nya.
"Hey Jackass! Wala na kong energy makipagtalo sayo! Nakita mong namamatay na ko sa sakit ng tiyan oh!" apela ko.
"Just shut up!!" bulyaw nya at natahimik kami pareho.
Napatingin ako sa kanya and in fairness, he's one hot dude, okay na sana eh. Talakero lang. Nakatulala pa rin ako sa kanya ng-
"WAAAAAAHHHHH!! AMPUTA!!! AMPUTTTTAA!! ANSAAAKKIITT!!!"
Napasigaw ako sa sakit!!!! Di ako makapaniwala sa sarili ko. Nakuha ko pang magdaydream gayong pitong buwan na kong buntis!
"Ano nanaman???!!!" sigaw nya.
"M-Masakit... P-Pramis...."
"Huh? San mo ba gustong pumunta kasi?! Where to?! " tanong nya kaya pokerface akong tumingin sa kanya.
"Ay tanga, gwapo na sana kaso shonga." mahinang bulong ko.
"Ano?! Bopols ka ba?! Where to?! Nakita mo na ngang buntis, where to?! Baka sa club, trip ko magclubbing eh!!! Obvious ba edi sa ospital!!! Dalian mo!!!!" sigaw ko sa pagka-irita.
BINABASA MO ANG
When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)
HumorUnang una, di ito SPG!! This is a story in where the union of two reproductive cells produces a zygote thus initiating prenatal development.................. JUST KIDDING!! ito ang pawang storya ng isang lalaking reklamador at isang babaeng mahadera...