Author's Note:
Hinabaan ko po to.. aww ambait ko noh haha.
------------------------
Maggie's POV
"Oi bata, ingat mapaso ka."
Rinig kong paalala ni Othan kay GJ habang umiinom ito ng hot chocolate.
"Aray! Init!" hiyaw ng bata kaya nataranta ako.
"Dyosporsanto naman anak eh, sabi ng ingat diba?" baling ko sabay dukot sa dila nya.
Tinignan ko at nakahinga ako ng maluwag.
"Its good." turing ko kaya napangiti sya.
Inabutan sya ng cake ni Othan samantalang kinuha ko ang hot chocolate nya para hipan.
I was blowing on it to cool down ng mapansin kong nakatingin sakin si Othan.
"What?" sipat ko at umiling iling sya.
"Sabihin mo na, ibubuhos ko sayo to. Gusto magkaroon ng third degree burn?" panakot ko kaya ngumisi sya.
"Haha! Hindi ka pa rin nagbabago. Maton ka pa rin." hirit nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Hindi pa rin nagbabago in a way na nagpapauto pa rin ako kay Gab? Yun ba ang ibig mong sabihin?"
"Kaw? Nagpapauto? Cmon Mags, kung may uto uto dito eh si Gab yun."
"Bakit sya? Ako ang pathetic dito. Ilang beses na kong naglayas pero bumibigay pa rin ako. Nagpapauto ako para lang-"
"Makasama sya kasi mahal mo." dugtong na sabat nya.
"Naks, Papa Jack, ikaw ba yan? Dami mong alam ha. Nakikisama ako kasi may anak sya sa akin. Yun yon."
"Aminin mo na kasi.."
"Fine. You know what? honestly Gab is okay.. he's ideal.. its just that ang hirap nyang mahalin."
"Huh?"
"I mean, pag mahal mo na sya.. may mangyayaring masakit sa puso.. if you know what I mean. Witness ka sa maraming pagtatalo namin kaya malamang gets mo na kung ano yun."
"Ahh.. pero tignan mo." sabay nguso nya kay Gab na usyosong nakasilip habang chinechek up ang anak namin.
"May hihigit pa ba diyan? San ka pa makakakita ng lalaking kung makasilip sa anak nya, parang si Napoles ang binabantayan." dugtong nya kaya napaisip ako.
Come to think of it, Gab is head over heels over his child. Kahit nga kay GJ, kulang na lang ipadlock nya wag lang mawala.
"Kitam? Bihira yan. Kung baga sa Pokemon, Rare Pokemon yan." dagdag nya kaya sarcastic ko syang tinignan.
"Ambait mo ring kaibigan noh? Nun una bantay ni Napoles ngayon naman Rare Pokemon."
"Haha! Mas epic ka! To call him Punyeta, Asshole at Jackass?! ikaw na!"
Nagtawanan na lang kami ng sikuhin nya ko at ngumuso sya sa direksyon ni Gab.
Salubong na salubong kasi ang kilay nito kaya mahina akong sinipa si Othan sa ilalim ng lamesa.
"Nagseselos ata." ngisi niya kaya tinadyakan ko sya.
"Gab! Kape ka muna!" senyas na lang nya dahil ang talim na makatitig nito.
BINABASA MO ANG
When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)
MizahUnang una, di ito SPG!! This is a story in where the union of two reproductive cells produces a zygote thus initiating prenatal development.................. JUST KIDDING!! ito ang pawang storya ng isang lalaking reklamador at isang babaeng mahadera...