Gab's POV
Its now Morning and Im standing in front of my room door. Nasa likod ko ang isang maid na may bitbit na gatas samantalang ako naman ay may hawak na isang tangkay ng rosas.
Well, if I really want her to fall for me then I should make an effort right? In any case I've been knocking and calling to her for 5 minutes already.
"Maggie! Maggggiiieee!!"
Nak ng pating yan. Kasalukuyan ng tumitirik ang mga mata ko sa kunsumisyon.
Grrr! Pakingshet!! nauubos na ang pasensya ko! shes not opening up!
"HOY MAHADERA TIMES TWO TIMES TWO TIMES TWO!!!" bulyaw ko na sa inis! halos mabitawan nun maid ang tray ng gatas sa gulat.
"Thats it witch! Forget being nice!!" binali ko ang hawak kong rosas at pinagtatapakan hanggang sa mapulbo!
"Im going in! di ko kailangang magpaalam sayo! kwarto ko to!!"
Pumasok ako ngunit wala sya.
Bullshet talaga! paano ako magpapakabait sa kanya gayong napakabalahura ng ugali nya! nasisira ang mga plano ko!
"Oi Cons! ano ba! nasaan ka ba ha!" sigaw ko pa habang nagkakalkal ng necktie.
"Shit, ano ba tong si Yaya, sabi ko wag nang kalasin tong kurbata para susuotin ko na lang eh.." bumubulong ako sa sarili ko and still, di pa rin sumasagot si mahadera.
"MAAAAGGGIIEEE!!!!" sigaw ko.
"WWHHHHAAATT???!!" sagot nya sa wakas. "GRABE HA! MAS MALALA KA PA SA NAGGER NAMING KAPITBAHAY!!" sigaw nya mula sa banyo.
Sobra sya! Ang aga nya mambwiset!!
"Nasa banyo ka ba ha?!" sigaw ko habang namimili ng kurbata.
"Ay wala, nasa ilalim ng kama, trip ko kasi maging si bogeyman eh o baka nakasabit sa bintana, trip ko rin kasi maging si spiderman eh!!"
"Ano ba??!! di ka ba talaga sasagot ng maayos?! Tinatanong ko lang eh!!!" Asar talaga! buset!!
Nagtatali ako ng kurbata ng lumabas na si Maggie sa banyo at kausapin sya sa may salamin.
"Tumae ka? di ka naman nahirapan?" pang asar ko.
Kitang kita ko sa repleksyon nya sa salamin na tinaasan nya ko ng kilay.
"Pag banyo, tae agad? di ba pede maghugas ng kamay, maghilamos, magsipilyo?!"
"Onga pala, and speaking of sipilyo, ginamit ko yun nakadisplay dun ah, grabe, importante ba yun sayo? nakaistante pa eh, akalain mong galing pa pala yun ng Dolder Grand Hotel sa Zurich, Switzerland?! Wow grabe ha! Mahal dun!"
"Aaanooo?!" bayolente kong lingon sa kanya. "Ginamit mo yun?!"
"Darling, toothbrushes are meant to be used, not to be displayed, and besides maniniwala na sana ako na mayaman ka eh, kaya lang bakit may Perla soap ka sa banyo, ha?"
"Perla?! Thats not even mine! baka kay Yaya yan!"
"Yaya your face!! jan ba naglalaba si Yaya ah?!! Dont tell me Body Soap mo yon?!"
"Ano ba?! tigilan mo na nga ako!! kung galit ka sa mundo dahil sa apelyido mo, wag ka ngang mandamay!!"
Tumingin ako sa salamin at hinilot ang noo ko, shet, mula nun nakilala ko tong babaeng to, dumami na ang wrinkles ko!
BINABASA MO ANG
When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)
HumorUnang una, di ito SPG!! This is a story in where the union of two reproductive cells produces a zygote thus initiating prenatal development.................. JUST KIDDING!! ito ang pawang storya ng isang lalaking reklamador at isang babaeng mahadera...