Paalala: Ang mga susunod na eksena ay naglalaman ng di angkop sa kabataan. SPG kumbaga. Ang mga kabataang konserbatibo ay maaring wag ng basahin ito. Ang mga kabataang matitigas ang ulo, sige lang. Ginusto nyo yan eh, MTRCB nga di nyo pinapakinggan ako pa kaya? :)
--------------------------------------
Maggie's POV
Taas na taas ang kilay ko at halos umabot na sa three yards ang nguso ko.
Eh paano ba naman, naiirita ako kay Gab! Tingin sya ng tingin! Sige! Isa pa talaga! Isa pa!
I caught him glancing at me through the rearview mirror so I exploded.
"Hoy! Ano ba?! Isa pa talagang tingin mo, dudukutin ko na talaga yang mga mata mo!!" hiyaw ko kaya umiwas agad sya ng tingin.
Alam kong matagal kami nun huling nagkita pero bakit sobra sya makatingin?! Bakit?! He's freaking me out!!
Umiwas na lang ako ng mata ng dumukwang si GJ mula sa back seat para yumakap sa leeg ni Gab.
"Tatay bakit mainit sa Philippines?" usyosong tanong ng bata kaya kumunot ang noo ni Gab.
"Uhh.. Eh kasi Philippines is a tropical country." sagot naman nito.
"What is a tropical country?" tanong pa nito kaya ako na ang sumagot.
"Hey Anak, it means that were near the Equator."
"Ahhh.. ano po yung Equator?"
Natigilan ako at si Gab naman ang sumagot.
"Equator is the intersection of the Earth's surface with the plane perpendicular to the Earth's axis of rotation. Thus it contains the Earth's center of mass kaya mas mainit."
"Po?"
"Ah GJ, mag-antay ka ng Grade 2 ha, wag mong papangunahan ang science teacher mo. Sige ka, baka mabansagan ka pang papanchin sa classroom. O sya, upo na diyan at baka mabangga pa tayo, birthday mo pa naman."
Umayos sya ng upo and I saw him mouthing words kaya sinita ko sya.
"Hey GJ, ano yang binubulong bulong mo? if i caught you cursing, humanda--"
"Nanay naman eh! Im not cursing! Ang OA mo po kasi eh, bangga agad? Di ba pwedeng bundol muna?" banat nya kaya napahilamos ako sa mukha ko. San ba nakuha ng batang to ang pilosopo nyang ugali?!
Naaninag kong ngumisi si Gab and it seems like his face says: "Hah! Barado! In your face!" kaya umikot na lang mga mata ko.
Anyways, narating na namin ang mansyon at halos magflashback sa akin lahat ng nakaraan ko dito. Nalungkot ako bigla ng maalala kong iniwan ko ang lugar na to para piliin si Lance.
May matandang nabukas ng gate kaya napatingin ako sa kanya.
"Oy si Yaya!" banat ko kaya ngumiti si Gab.
"Kala ko nalimot mo na eh."
Pumasok na ang kotse at pumarada sya. Bumaba kami at excited na bumungad si Othan para magpaputok ng party popper.
"Happy Birthday GJ!!" sigaw nya kaya napokerface si Gab. Eh paano ba naman? Sumabog ang confetti sa mukha niya.
Hinablot ni Gab ang party popper at inihampas sa ulunan ni Othan.
"Sinabi ko bang pasabugin mo sa mukha ko?!!" banat nito kaya nagtatawa si GJ.
Napatingin si Othan kay GJ at lumuhod ito para kausapin ito.
BINABASA MO ANG
When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)
MizahUnang una, di ito SPG!! This is a story in where the union of two reproductive cells produces a zygote thus initiating prenatal development.................. JUST KIDDING!! ito ang pawang storya ng isang lalaking reklamador at isang babaeng mahadera...