Again, this is two chaps combined. Im making it fastpaced, marami pa kasing kailangan mangyari haha XD
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Gab's POV
" I--"
" I---"
Hmm? kunot noo akong napatingin kay Maggie. She's trying to say something kaso hindi nya mabuo buo. Humigop na lang ako ng kape at bumalik sa pagbubuklat ng dyaryo.
" I-- I-- "
Ulit ni Maggie sa gusto nyang sabihin. Inhale exhale na sya ngayon. Whats happening to her? manganganak na ba sya? Its possible, I mean apat na linggo na syang nakatira sa amin.
" I--- I-- " dugtong pa nya.
Shit! naiirita na ko!! Kumukulubot na ang noo ko! "HEY MAGGIE! JUST GET TO THE POINT!!" napasigaw na tuloy ako.
"I LIKE YOU GAB! NO, I LOVE YOU GAB!! MAHAL NA YATA KITA!!"
"ACK! GACK!!" nasamid ako habang umiinom ng kape.
"SHET!!!!" nabilaukan naman si Othan dahil muntik na nyang malunok ang kutsarita na nakasubo sa bibig nya! Hinawakan nya ang leeg nya at natabig ang mainit na kape na bumuhos sa kandungan ko!
"A-ARAY!!!! PUTRAGIS!!! ANG INIIITTT!!!" hiyaw ko pagkatapon ng kape sa akin!
"Shoot! Ano ka ba naman Othan!!" sigaw ko sa kanya sabay hatak papunta sa kusina. Nilock ko ito at sinilip si Maggie na kasalukuyang napahilot sa noo nya.
"Susginoo Othan! anong nangyari dun?!?!" sigaw ko pagkaharap sa kanya. Pumunta na rin ako sa lababo para hugasan ang pantalon ko.
"Panginoon ko bespren! kinilabutan ako dun! para akong nakakita ng white lady!"
"Sira! lalo na ko! anyare ba sa babaeng yon?!?!"
"Adik ka Gab! kasalanan mo to eh!!"
"Bakit?!"
"Masyado kang mabait kay Maggie! akala ko nga nililigawan mo na talaga sya eh!"
"Nililigawan??!" gulat kong tanong sa kanya. Nalilito na ko!
"Ano ka ba naman Gab! balikan mo lahat ng nangyari sa inyo nitong nakaraang tatlong linggo. Kung di mo napapansin, makinig ka!"
"Una, dinadalhan mo ng agahan si Maggie sa kwarto nya tuwing umaga."
"Pangalawa, pag breaktime sa trabaho lagi mo syang tinatawagan para kamustahin."
"Pangatlo, dati hindi ka palatext pero ngayon, ang taas na ng bill mo sa postpaid plan!"
"Pangapat, dati lagi kang overtime pero ngayon, lagi kang undertime."
"Panglima, palagi mo kong inuutusang bumili ng cheesecake, strawberry cake, redvelvet cake at kung ano ano pang cake para dalhin kay Maggie."
"Pang anim--"
"Shit!!!!" Napahampas ako sa noo ko!
"Marami pa Gab, marami pa! hindi ko pa nababanggit yung mga bulaklak, tsokolate, laruan ng bata----"
"Shut up! shut up! wala akong ganyang intensyon!" napasabunot na ko sa buhok ko! nagulo na ang pagkakagel ng buhok ko!
"Ano ba kasing dahilan mo?! bakit ka ganun kay Maggie?"
BINABASA MO ANG
When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)
HumorUnang una, di ito SPG!! This is a story in where the union of two reproductive cells produces a zygote thus initiating prenatal development.................. JUST KIDDING!! ito ang pawang storya ng isang lalaking reklamador at isang babaeng mahadera...