Chapter 13: Poñeta and Elzingre

20.2K 399 83
                                    

Gab's POV


"Youre so stupid, Dumbass!!"

"At ako pa talaga ha?! Ako pa?!"

"Aba malamang! Alangan namang ako!"

Great. Thank God for once hindi ako ang nasisigawan ni Maggie. Gusto nyo bang malaman kung sino yon?

Edi si Garet.

Yes si Garet.. mukhang mas bumingo si Garet kay Maggie kaysa sa akin. Grabe, ang saya saya, mas masaya siguro kung pareho silang tatamaan ng kidlat ngayon at mawala.

Garet and Maggie had been fighting non-stop. Its quite an advantage for me dahil nabawasan ang stress ko sa buhay.

"Hey!" sigaw ni Garet ng hampasin sya ng ruler ni Maggie sa Hard Hat nya. "Sumusobra ka na ha!"

"Wag ka na kasing kumontra para matapos na natin to!!"

"Theres no way in Hell!!!" sigaw ni Garet at lumapit sya sa akin na naghihiyaw.

"GAAABBB!!!"

Tsk. Nak ng tokwa.. ito ang ayoko eh, pag nagkapikunan na, tatakbo sya sa akin.

"SAKALIN MO YANG BABAENG YAN NGAYON NA!!!"

"Pede ba Garet, wag mo kong idamay. Tatay ba ko nyan? Sumbong ka ng sumbong eh!"

"I cant take her! Why does she have to be the Engineer in charge!! Inaalter nya lahat ng designs ko!"

Hinayaan ko na lang si Garet sa kakareklamo nya... Oo, si Maggie ang Engineer in charge.. actually she's the Head Engineer of Dad's businesses.

Ni hindi ko alam mung anong gayuma ang ginawa niya kay Dad at gustong gusto sya nito. Honestly si Maggie pa ang naging alas ko para mapalapit kay Dad.

He recognized her and promoted her as the Overall Head Engineer. Ni hindi pa tapos si Garet sa kakadada ng biglang dumating si Maggie.

"Oi Machete, this---"


"Shut up!" sabat niya dito. "Hoy bruha! Sinong nagsabing baguhin mo yan ah?! Pumayag ba ko?! ako ang Architect kaya ako nag masusunod!"

"Hoy ka din Machete ang Istatwang buhay, para sa kaalaman mo, if the Engineer will not agree, then your design's going down the drain!!"


"Grrr!!" sigaw ni Garet sabay tanggal ng Hard Hat nya sa ulo at pinaghahampas sa semento.

Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa ng biglang dumating ang kotse ni Dad. Lumabas sya at sinenyasan nya kaming sumunod sa kanya.

"Lets eat first." panimula nya at dinala nya kami sa isang long table kung saan nakalatag ang napakaraming pagkain.

We started to eat when he started asking questions.

"Gab, how was the construction?"

Pagkatanong nya nito, napatingin ako kela Garet at Maggie. Sila ang assigned sa constuction, she being the Engineer while he being the Architect.

Ang construction na tinutukoy ni Dad ay ang bagong venture sa business namin. Ang telecommunications. Pinahawak nya ito sa akin tutal linya ko naman.

Di ako makasagot dahil disaster ang trabaho nila. Wala silang ginawa kundi ang magsigawan.

I was about to answer na mukhang matatagalan pa ng biglang sumingit si Maggie.

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon