"Eto na talaga, bro. Promise pag nakita ko ngayon si Bebang, aamin na ko sakaniya." Mayabang kong sabi sa tropa ko.
Sa totoo lang, kaya ko na. Kagabi, I made up my mind. Napag desisyunan kong itigil na ang kahibangan na to. Ilang taon na ba ang sinayang ko?
Edi sana matagal na. Matagal ko ng nahawakan ang mga kamay niya, nahalikan at nayakap siya. Pero ngayon, sisiguraduhin kong magkakaron na ko ng karapatan.
"Sus, weak ka naman eh." Dagdag ni Joshua habang ngumunguya ng muncher. Aba, gago to ah! Imbis na iboost up ako, dino-down
Ngumisi naman si Buboy. "Sus, ewan ko ba diyan kay Kevin, ilang taon ng nagbabalak umamin, hanggang ngayon wala parin. May yokai atang pumipigil diyan eh." Tumawa pa to.
"Hindi, pre. Eto na talaga." Sabi ko. Binigyan naman nila ko ng nakakalokong ngiti.
Tumigil si Prince sa pag sstrum ng gitara niya. "Okay, okay, dahil aamin na si Kevs ngayon, painumin ng Kobra yan." Naghiyawan sila. Perstaym kasing manlibre nito.
"Naks naman, ngongo." Asar ni Buboy rito. Dati kase, may bingot yang si Prince, ipina opera na kaya medyo wala na ngayon.
Pero may konting accent parin kaya inis na inis siya tuwing tinatawag siyang ngo ngo. Kahit sinong bingot naman siguro.
Ang epic lang eh, magkaiba naman ang bingot at ngo ngo. Pero mas trip namin siyang tawaging ganun para malutong tas malakas ang impact. Laugh trip eh, pikon pa naman 'to. Pero pag ibang tao na ang gaganun sakanya, ibang usapan na iyan.
Inaambaan niya ng suntok si Buboy. "Joke lang, to naman."
Napa iling nalang ako.
"Oh, Kobra. Pampalakas ng loob." Binigay ni Aleng Mameng sakin yung bote, ininom ko naman agad. Kailangan ko ng adrenaline rush ngayon.
Napatingin ako sa relo kong tag wo-one fifty sa divisoria. Isang oras nalang ay uwian na ni Bebang. Okay lang yan, may oras pa ko para makagpag ipon ng lakas ng loob.
"Uy, si Bebang oh!" Sigaw sakin ni Joshua kahit katabi ko naman siya dahilan para maibuga ko yung iniinom ko. Alam niya naman kung ano ang effect sakin ng pangalan na iyan eh.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tangina, Joshua. Wag mo nga akong biruin, nag iipon pa ako ng lakas ng loob oh,"
"Oo nga! Ayan na siya oh!" Sabay turo sa likod ko. Mukhang nandyan na nga, patay. Sana naman wala pa, bumubwelo pa ko eh. Lumingon ako sa likod ko.
Nakita ko naman si Bernardina Angela Asuncion na naglalakad. Naka uniform siya at may bitbit na mga libro humahangin ang buhok niya at halatang inis na inis.
Parang nag slow motion ang lahat, siya lang ang nakikita ko. Yung parang sa mga movies na naka blur yung paligid?
Parang bali wala lahat ng kantiyaw ng mga tropa ko at mga ibang dumadaan, siya lang nakikita ko.
Ewan ko ba kung bakit patay na patay ako sa babaeng to. Ordinaryo lang naman siya, may nunal pa nga malapit sa bibig. Ewan ko ba, ginayuma ata ako ng babaeng to eh.
"Huy, Kevin." Tawag niya sakin, nasa harapan ko na. Di ko napansin dahil nakatulala ako sakaniya, tulo pa ata laway ko. Baka isipin, masyado akong nagagandahan sakaniya, paasahin pa ko pag umamin ako.
"U-uy, bebang. Andyan ka pala." Ang tanga lang nung sagot ko, parang gusto kong magpakutos isa isa sa mga kumag kong tropa.
"Sabi nila Buboy, may sasabihin ka raw sakin, kaya ako tumigil." Nagtatakang tanong niya sakin pero nakatulala parin ako.
"Kevin," Tawag niya ulit dahil nag space out na naman ako.
"B-bebang."
"May sasabihin ka daw sakin." Iritadong ulit niya. Umirap pa siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/58164225-288-k529099.jpg)