J and L

33 3 0
                                    

"Tumigil ka na nga diyan, Francine." patahan ko sa kaibigan ko na nagddrama sa harapan ko ngayon. Parang iyon lang? So lame.

Iniiyakan niya ngayon yung lalaking nakilala niya kahapon. Kung alam ko lang na ito lang pala ang dahilan kaya niya ako pinapunta rito, sana di nalang ako tumuloy. Sayang sa pamasahe, no. But then treat niya naman so, okay na rin.

Tumawag siya ng waiter para manghingi ng tissue tsaka tubig. At nung dumating na ay wala siyang tigil sa kakasinghot. Namumula na nga ang ilong niya eh.

Nang sa wakas ay medyo kumalma na siya, inayos niya na ang sarili niya at itinabi ang tissue tapos uminom na ng tubig. Hay, sa wakas.

Naiinis akong tumingin sakanya. "Kung nagkaroon ka lang sana ng courage na iapproach siya, he should've stayed, France."

Halos mapamura at halos tampalin ko ang sarili ko ng humagulgol na naman siya. Harder, this time.

Tumayo at umupo sa bakanteng seat sa tabi niya. Niyakap ko siya at hinaplos haplos ang likod niya para kahit papaano ay macomfort siya at makalma.

Niyakap niya naman ako pabalik. "I know you're thinking that this is absurd, Shane. But really, I think I fell for the man, hard."

Ngayon ko lang narealize na napakahirap pala talaga nito para sakanya. Ipinagsasawalang bahala ko lang siya kanina eh.

"Whatever's meant to be will work out perfectly. Malay mo, in the future, unexpectedly, magkita uli kayo. Never waste that chance. Don't let it slip away." advice ko. Kanina, I thought she was just fangirling too hard, but then, this is a serious matter. She's hurting. For the first time.

Kinalas niya ang yakap at humarap sakin. "Never." Aniya at umiling.

"Hindi ko na sasayangin uli ang pagkakataon. I may look crazy but I won't care." Hindi pa siya completely na natitigil sa pagiyak pero namanage niya na tumawa ng bahagya.

"Kung kinakailangang tumambay ako sa lugar na iyon araw araw, same time, gagawin ko. Makita ko lang siya. Because really, i'm thinking that he was my last chance to a better reality." Dagdag niya na may hint of determination na ikinatawa ko naman.

"Ay, grabihan. The girl who can't be moved lang?" Biro ko.

Sa wakas ay napatawa ko siya. "Baliw."

"Kung hihilingin mo saking picture-an ka candidly habang naghihintay tapos ipost sa facebook, I won't mind." Sabi ko kunyare. I think my mission here is to make her happy.

Sinamaan niya ako ng tingin. Nagkibit balikat lang ako. "What?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayaw pa mo? Marami kaya akong likers, baka mag trending, makita niya pa. Napadali pa, hindi ba?"

She smiled then shook her head. "Wag na,"

Natawa naman ako sakanya. Kanina halos yugyugin niya ang braso ko sa sobrang frustration, ngayon pa humble naman.

"Okay, okay. Malay mo, someday you'll thank me. Nahanap mo na ang forever mo, instant celebrity ka pa." Humalagpag ako ng tawa na dahilan ng pag pulot niya ng plato at inambang ihahampas sakin.

Napatigil kami ng natahimik ang buong food court ay nakatingin na samin. Nagkatinginan kaming dalawa at tumawa ng sabay.

***

"Dadating kase mamaya yung anak ko, galing abroad. Kasama yung asawa niya at apo ko tapos iyong kaibigan nito." Sabi ni Aling Portia, kapitbahay namin. May handaan kase sakanila, kaya pala.

"Ah, ganun ba." Sagot naman ni Mama.

"Oo, kaya kung pwede, magsara kayo ng maaga ha? Punta kayo samin, may salo salo. Tayo tayo lang naman. Gusto rin kase kayong makilala ng anak ko. In two years time kase, dito narin siya titira." Ani ni Aling Portia

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon