First Place

39 3 0
                                    

"Hindi ba yan yung kapatid ni Clarine?" Narinig kong bulong sa katabi nung babaeng dalawang upuan ang layo sakin.

"Oo, bakit?" Pabulong rin na sagot nung kasama niya tila ingat na ingat na marinig ko. Well, dapat lang.

"Ibang iba talaga siya sa kapatid niya. Ang layo nilang dalawa. I mean, look at her..." Sa tono niya ay parang napaka sagwa kong tao.

"Agree, girl! Si Clarine, maganda, matalino. Bubbly, mabait and all cute. Dean lister pa nga at rank one sa buong Alfredo Singh University."

"Pero siya, 'di na ka gandahan, palabas labas pa ng guidance tapos bobo pa. Balita ko may ini-summer siya na major subject last year. Ang sama pa daw ng ugali, napaka maldita pa daw niyan." She whispered back.

Gamit na gamit talaga sa mga gaya nila ang salitang 'daw'. Bakit? Dahil wala silang alam. Pinaniniwalaan lang nila kung ano ang naririnig nila.

Umirap nalang ako at inilagay sa tenga ko ang headsets ko. Naiinis ako but I shrugged the feeling off. Gusto ko silang sugurin but it wont do me any good. To stoop down in their level is the last thing that I will ever do.

Sanay na ako sa mga chismosang gaya nila. Hindi nauubusan niyan rito sa ASU. Maski sa bahay. Sa lahat ng lugar na kilala ako.

"Chloe!" Kahit naka headset ako at metal music ang pinakikingan ko ay rinig na rinig ko ang nakaiiritang boses ni Agatha.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad at hinayaan siyang tawagin niya ako ng tawagin. Mapagod siya, pero 'di ko siya lilingunin. Bahala siya diyan.

"What the fu-" Halos matumba ako ng dambahin niya ako sa likod. Ano na naman ba kasi ang kailangan niya?

"Chloe, I missed you," Niyakap niya ako. "Ako? 'Di mo ba ako namiss?"

"Why would I miss you? Ang tahimik ng mundo ko nung wala ka," Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "And now you're back, as annoying as ever..."

Hinampas niya ang balikat ko at pilit na ngumiti. "Sus, as if I know namiss mo ko!"

I rolled my eyes. "Whatever helps you sleep at night."

Napagpasyahan naming dumaan muna sa Caffeinity para bumili ng strawberry frappe at mud pie, ang usual naming order.

And as expected, daldal siya ng daldal along the way. Halos every detail ata ng vacation niya ay ikinuwento niya sakin, lahat ng boys na nakausap niya at kung ano ano pa. Plus, the annoying shrieking tone.

"Gusto nga sana kitang isama, but you'd rather sit around and read a book whole day eh,"

"Its fun you know, rather than raging around all day." I rolled my eyes at her.

"Okay, you say so. But really, Chloe. Let the world see you. Show the world who you really are. What you want to be. Wag kang magtago."

I chuckled. "Ang lalim ha..."

Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad. "Seryoso ako, Chloe. I'm sure hindi lahat ng tao titignan ka bilang anino ni Clarine Aubrey Zapanta! Stop blaming your self to her-"

"Tama na, wag na natin siyang pag usapan." I cut her.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Okay. I'm sorry."

Ayoko ng pag usapan pa siya. Everybody is talking about her. Sa school o maging sa bahay. Agatha is a breathe of fresh air. Madaldal man siya, kahit kailan hindi niya nag open up ng topic tungkol kay Clari.

Nung umiiyak ako, all she do was comfort me. Hindi siya nagsalita. Niyakap niya lang ako at hinagod ang likod ko.

Lahat ng tao ay pinag uusapan kung gaano ka perpekto ang kapatid ko. Kahit hindi literal, parang lahat sila ay sinasabi na sana ako nalang.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon