Nagring na naman ang cellphone ko. Isa lang ang ibig sabihin nun, 11:11 na naman, my favorite time of the day.
Other than morning, afternoon, evening, its my favorite. Call me weird, i dont care.
Masaya akong tumayo ako sa sofa at aakyat na sana ako ng hagdan ng pigilan ako ni Mommy sa braso.
"Anak, saan ka pupunta? Di pa tayo tapos sa pag papack ng regalo oh..." Malambing na sabi ni Mommy.
Kasalukuyan kasi kaming nagpapack ng regalo ngayon para sa mga inaanak ni Mommy at mga relatives ko, magpapasko na kasi.
"Opo mommy. Give me a minute." Inalis ko na ang kamay niya at nagmadali na umakyat sa taas.
Isang minuto lang to, dapat kong bilisan dahil after 60 seconds, 11:12 na. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Pagkatapos ay dali dali akong pumunta sa balcony ng kwarto ko at pumikit.
"Jace Briones." I whispered softly.
Pumikit pa ako ng ilang segundo tapos minulat ko na ang mata ko at tumingala sa langit. Napakaraming stars. They're shining like diamonds...
Dinaan ako ng malamig na hangin. Its so cold. Just like him.
Rain or shine man ay malamig ang pakikitungo sakin ni Jace. Pero kahit kailan ay di ako nagka frost bite.
Hindi ako sumuko. At hindi talaga ako susuko. I will always find myself wishing for him, only him. I've been wishing for this guy for almost 2 years already. Kada 11:11.
Syempre di lang puro wish ang ginawa ko. May kasama ring gawa syempre. Pinaparamdam ko naman sakanya na gusto ko siya.
Paborito niya ang chocolate chip cookies kaya pinilit kong matuto magbake nun para sakanya though cooking is not really my thing.
Kada ibibigay ko yung cookies sakanya, he'll just say thank you tapos aalis na. He wont even bother to smile or look at me.
Pumasok ako ng cheerleading team para maicheer siya sa mga laro niya. Isa kase siyang basketball player.
Lahat na ata ng obvious na pagpapansin ay nagawa ko na. Dagdag pa ang pang aasar na ginagawa ng bestfriend kong si Shaina.
Hindi ako nagkulang. Lahat ginawa ko. Pwera lang pala sa isang bagay, ang umamin sakanya. Iyon lang ang pag kukulang ko...
Everytime i try to confess, my knees jellies and i always get tounge tied like I've got nothing to say.
Hanggang sa wala akong masabi at nakanganga ako ng matagal tapos titingin na siya sa relo niya at tatanungin ako kung...
"May sasabihin ka ba? Kailangan ko na kasing umalis eh."
Tapos ako naman tong si Tanga eh, umoo tapos aalis na siya ng 'di ko man lang nasasabi ang magic words 3 words, 8 letters...
If i say it, its whether he will be mine or he'll just turn his back then tell me im stupid and then hindi na siya magpapakita sakin.
Hinding hindi ko yun makakaya. Pinangungunahan ako ng takot. I let out a deep sigh. Then smiled bitterly. I'm so damn miserable.
"Anak... bumaba kana muna rito. Tulog ka na ba?" Tawag ni Mommy sakin mula sa baba.
"Nandyan na mommy!"
I smiled as i saw my reflexion at the mirror. Bumagay sakin ang fishtail braid, simple make up at blue green floral dress na suot ko ngayon.
Guess what?
Magbibigay kase kami ni Mommy ng regalo sa mga inaanak niya ngayon. Isa kase si Jace sa mga inaanak ni Mommy. Kaya dadaan kami sa kanila para magbigay ng regalo.
![](https://img.wattpad.com/cover/58164225-288-k529099.jpg)