IX: Carlo Evanghelista

194 5 0
                                    

NAKATAYO LANG si Eysik sa harap ng pintuan. Masama ang pagkakatitig sa akin. Mahigit isang minuto na yata kaming nagtititigan habang nakirot ang mga daliri kong naipit. Sa totoo lang ay nagpipigil ako, pero sobrang sakit na ng aking mga daliri. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang aking hintuturo. Ang balat na naipit ay naging kulay violet at tila patay na ang ugat sa aking kamay.

"Anong kailangan mo sa akin, Carlo? Tapos na ang working hours, you can't boss me around." Ang kaninang Eysik na nag-aalala. Ang Eysik na gusto akong yakapin ay naging bossy at masungit na demonyo. Note to self, huwag gagalitin si Eysik. Magaling siya mag-english kapag galit.

"Oh come on, you know why I'm here." Nanginginig ang aking boses habang nagsasalita.

"Bakit nga ba?" Tumango ako. Humakbang ng isa papunta sa kanyang kinatatayuan. Iniwasang hawakan ang pintuan.

"I'm so sorry." Hindi umimik si Eysik sa aking sinabi. Nakatitig lamang siya sa akin. Muli akong humakbang. Isang dangkal na lamang ang aming pagitan, ngunit wala pa din siyang reaksyon.

"Tapos?" Itinaas ko ang aking kamay at hinawakan ang kanyang pisngi.

"I'm sorry for hurting you. I was not in my right state of mind that night." Kinagat ni Eysik ang kanyang ibabang labi at pinagmasdan ang naipit kong daliri.

"I'm sorry kung nasaktan din kita." Tumango ako.

"Well, I deserved that." Umiling si Eysik.

"Hindi dapat kita sinampal." Dahan-dahang ngumiti ang aking labi. Ang titig ni Eysik ay dahan-dahang nanlambot at hinatak niya ako papasok bago niya sinara ang pinto sa aking likuran.

"Akin na, kailangan natin gamutin 'to." Umiling ako.

"Sugat lang 'yan." Hinawakan ko ang kanyang dibdib. Nasasalat ko ang korte ng kanyang dibdib.

"Ito ang kailangan natin gamutin." Hinatak ko ang kanyang kamay. Kumirot ang daliri ko sa pagkakahatak ko sa kanya, ngunit hindi ako huminto. Inabot ko ang kanyang labi at pinagmasdan ang kanyang mga mata.

Muli na naman akong minulto ng ala-ala ng nakaraan kaya't napaatras ako at biglaan kong ipinikit ang aking mata.

"Carlo?" Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapikit dahil sa hilo. Muli kong nakita ang mukha ni Migel sa aking isipan. Para akong nakakita ng multo at biglaang kumabog ang aking dibdib.

"Ah—I—I'm okay." Kumapit ako ng mahigpit kay Eysik dahil para akong maduduwal. Nang nararamdaman ko na tila nasa lalamunan ko na ito, patakbo akong tumungo sa banyo ni Eysik at inilabas ang lahat sa inidoro. Pakiramdam ko ay lalabas ang kaluluwa ko sa bawat pagduwal ko.

"Carlo..." Ang boses ni Eysik ay umi-echo sa loob ng bahay kahit na nakasubsob ang mukha ko inidoro.

"Anong nangyaya— shit!" Naramdaman ko ang kanyang palad sa aking likuran. Nang matapos ako ay tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking magkabilang kamay.

"I'm having episodes, Eysik. Natatakot ako. Please get my medicine for me." Pumulupot ang bisig ni Eysik sa aking katawan. Ang init ng kanyang balat ay yumayakap sa itaas kong katawan. Ramdam ng aking likuran ang palad niyang humahagod na umaabot sa aking kalamnan.

"Anong gagawin ko? Sabihin mo lang."

"Please get my medicine. I have it in my car. Nasa bulsa ko ang susi ng sasakyan." Naramdaman ko ang paggapang ng daliri ni Eysik sa aking bulsa. Nang nakuha niya ang susi ng aking kotse, narinig ko ang yabag ng kanyang mga paa na patakbong lumabas ng banyo. Nang ibinaba ko ang aking kamay, muli na naman akong nasuka.

Parang inilalabas ko ang lahat ng memorya ko sa nakaraan. Ang aking mga mata ay naluluha sa sakit ng aking pagduwal. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit si Migel lang ang nakikita ko sa aking memorya.

I flushed the toilet. Pinilit kong tumayo para hilamusan ang aking mukha ngunit ang luha ko ay patuloy pa rin sa pag-agos. Ang luha sa aking mga mata ay para bang tubig sa talon na patuloy lamang sa pagbagsak. Hindi ko matagalan ang pagtayo dahil nanlalambot ang aking mga hita at buo kong katawan. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay nakakaramdam ng pagod ang kaluluwa at katawan ko. Pagod na pagod na ako.

"Carlo." Tumingala ako upang makita si Eysik. Hingal na hingal siya. Hawak-hawak niya ang ilang tableta ng gamot.

"Nandito na ako, Carlo." Kumuha siya ng isang pill at inilapat ito sa aking labi. Muli siyang tumakbo, pagbalik niya ay mayroon na siyang dala na baso ng tubig at towel.

Inilalayan niya ako sa pag-inom. Itinabi niya ang baso at inilapat sa aking mukha ang puting towel na nasa kanyang kamay.

"Nandito lang ako." Lumuhod siya upang hagurin ang aking likod. Inabot ko ang kanyang dibdib. Idinantay ko ang aking ulo sa kanya habang tahimik na lumuluha. Hindi ko malaman kung bakit nasa aking tabi si Eysik, gayong nakita niya ang pinaka-nakahihiyang ginawa ko. Ang mga ginawa ko. Ang ugali ko kapag lasing, ang pagiging marupok ko, ang pagiging iyakin ko at ngayon ang episode na madalas kong maranasan.

"I'm sorry," bulong ko kay Eysik. Alam kong mahina ang aking pagkakasabi dahil nakasubsob ako sa kanyang mabangong katawan. Nakasuot pa din siya ng longsleeves at hindi pa nakapagpalit ng damit.

"Okay lang. 'Wag mo 'kong alalahanin. Nandito lang ako."

Nandito lang ako. Salitang lagi kong nadidinig kay Migel noon.

Nandito lang ako. Hindi ako aalis — Sa tuwing madidinig ko sa labi ni Carlito iyon, ang aking tunay na ama, pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo, kaya naglayas ako. Pero sa mga labi ni Migel... at ni Eysik, ang mga salitang 'Nandito lang ako' ay parang bulong ng anghel sa aking tenga. Ang mainit niyang yakap at ang mga palad ay kaya akong pakalmahin.

Nanatili kaming magkayakap. Sa pagkakabilang ko sa aking utak ay maglilimang minuto na ang lumipas bago ako kumilos at inikot ang aking kamay sa kanyang bewang.

"I'm like this most of the time." Naramdaman ko ang baba ni Eysik sa aking ulo. Ang kanyang magkabilang kamay ay hinahagod ang aking likod.

"Wala 'yon. Most people are like you, most of the time." Umiling ako.

"You won't like me, most of the time." Hinawakan niya ang aking mukha at itinaas.

"Bakit naman? Matapang ka, ako hindi." Hindi ko alam ang aking sasabihin ngunit gumaan ang pakiramdam ko.

"You're brave! Hindi ka natatakot sa akin."

"Bakit ako matatakot sayo?" Pinagdikit ko ang aking daliri habang nakayakap sa bewang ni Eysik.

"You should be." Maikling sagot ko sa kanya.

"Hindi ka matatakot sa taong gusto mo." Dahil sa kanyang sinabi nabuo ang mundo ko. Tila nakakita ako ng mga bituin. Ang buto ko na kanina pa nanlalambot ay tila nanigas. Gusto kong tumayo para mayakap si Eysik ng mas maayos ngunit mas pinili kong huwag kumilos dahil ang posisyon na ito ang magbibigay sa aking ng karagdagang minuto upang mayakap si Eysik at makita ang kanyang mga mata.

"Thank you," bulong ko. Ngingiti sana ako ngunit ibinuro ko ang aking mukha sa kanyang dibdib dahil sa hiya. Hiya sa mga ginawa ko simula nang makilala ko si Eysik.

"...And I'm sorry." Naramdaman ko ang pag-iling ng kanyang ulo kahit na nakasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Inalis ko ang pagkakasubsob ng aking ulo sa kanya at tinitigan ko ang kanyang mga mata. Pinilit kong may lumabas na ngiti sa aking mga labi.

"Okay lang. May tiwala naman ako sayo." Biglaan akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap. Pinunasan ko ang gilid ng aking mga mata gamit ang likod ng aking mga palad.

"I'm..." Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy, "That's what I want to talk to you about." Tinitigan ako ni Eysik na wala man lang reaksyon ang kanyang mukha. Ang kanyang mga daliri ay nakapatong sa kanyang hita habang pinipilit na i-balanse ang magkabilang tuhod na nakaluhod sa malamig na tiles ng kanyang banyo.

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap kay Eysik at tumayo sa pagkaka-upo sa malamig na tiles. Kahit papaano ay bumalik na aking lakas. Kumapit ako sa lababo at pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Tinitigan ko ang aking sarili bago ako umamin sa kanya.

You Whispered To Me FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon