XIII: Carlo Evanghelista

26 2 0
                                    

ANG AKING LABI ay naiwang nakabukas tulad ng pinto ng aking opisina. Lumabas si Eysik na para bang nasa loob lamang kami ng kanyang unit at iniwan akong hindi manlang pinapakinggan ang gusto kong sabihin.

Tama na din marahil na lumabas siya dahil baka mauwi kami sa pagtatalo. Pero tama ba na sa akin niya lang ituro ang kanyang daliri? Ako lang ba ang may kasalanan?

"Carlito," Napalingon ako kay Enan na kumakatok sa aking pintuan kahit na nakabukas ito. Sinenyasan ko siyang pumasok. Sa kanyang paghakbang sa loob, sinara niya ang pintuan at binuksan ang blinds.

"Mag-ja-jakol ka ba? Bakit nakasara ang blinds mo?" Hindi ko pinansin si Enan. Huminga lamang ako ng malalim at pinagmasdan ang bawat kilos ni Enan hanggang sa makaupo siya sa aking harapan.

"Ano na, akala ko kakain tayo ng lunch?"

Umiling ako. Hindi ko magawang maibuka ang aking bibig dahil baka may maikwento ako kay Enan at sabihin na naman niyang mali ang desisyon ko.

"Tara na. Nagugutom na ako eh."

"Wala akong gana." Kumunot ang kanyang noo.

"Nag-away kayo ng boyfriend mo?" Itiniklop ko ang aking laptop. Hindi ko talaga alam kung bakit ko binuksan ito gayong wala naman akong gagawin.

"Hindi ko siya boyfriend." Tumango-tango lang si Enan.

"Nakabusangot ang mukha niya nang lumabas dito eh. Anong pinag-awayan ninyo?" Umiling ako. Ngunit mas matigas pa sa bato ang ulo ni Enan at kinulit ako.

"Wala nga." Hinugot niya mula sa kanyang bulsa ang cellphone niya at pinagmasdan ang screen nito.

"Hindi ako naniniwala sa 'wala nga' mo na yan," pagdidiin niya. Ipinatong niya ang kanyang cellphone sa dulo ng aking mesa at tinitigan ako sa mata.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na umamin ka na sa kanya? O gusto mo ako ang magsabi." Biglaan akong nakaramdam ng matinding inis sa sinabi Enan. Kumulo ang aking dugo kaya naman hinatak ko sa pagkaka-charge ang aking cellphone at mabilis na tumayo.

"Enan, sinabihan na kita na 'wag kang nakikielam sa desisyon ko." Umiling si Enan.

"Baka nakakalimutan mo, Carlo. Ako ang nagpasok sayo dito. Hindi ka magiging tao ulit kung hindi dahil sa akin." Halos makagat ko ang aking dila dahil sa kanyang sinabi.

"If you don't want Mom to get involve in this, tell Eysik everything. Or else..."

Madalas akong tawagin na Carlito ni Enan. Ngunit kapag tinawag na niya akong Carlo, isa lamang ang ibig sabihin noon. Binabalaan na niya ako. Naiinis na siya at gusto niyang masunod ang kanyang mga sasabihin.

"Kumain na tayo. Bago pa ako malipasan ng gutom. I'll wait for you in front of the elevator." Tumango lamang ako.

Ang aking kamay ay biglaan namawis. Ang aking dibdib ay malibis na kumabog na para bang nakagawa ako ng isang masamang bagay.

Sa bawat hakbang palabas ng opisina ay para akong nakakakita ng mga memorya na dapat ay matagal ko ng kinalimutan. Ngunit dahil sa mga sinabi ni Enan, ang lahat ay isa-isang nagbalik. Parang mga larawan ng nakaraan na isa-isang nagpapakilala muli sa aking harapan.

"Come on." Nang bumukas ang elevator ay pinauna ako ni Enan na pumasok. Ang kanyang kamay ay nasa kanyang bewang at tila iritableng pinindot ang close button.

"Fuck, I left my phone on your desk." Bulong ni Enan kaya naman pinindot niya ang open button at sinenyasan ako na intayin siya.

HINDI KAMI NAG-USAP ni Enan habang kumakain. Nakatitig lamang siya sa kanyang cellphone at tila may inaantay na tawag. Habang ako ay nalipad sa maliit kong katotohanan. Pinag-iisipan ang mga sinabi ni Enan kahit na alam ko naman sa aking sarili na hindi naman dapat malaman ni Eysik. Hindi na dapat siya madamay pa sa gulo na mayroon sa akin ngayon.

Pinipigilan ko ang aking sarili. Kinokontrol ko ang aking utak dahil ayokong sumpungin ng episodes sa gitna ng restaurant kung saan ang lahat ng tao ay kumakain. Baka mawalan sila ng gana kapag nangyari iyon.

"It's Migel's death anniversary this Friday." Ibinaba ko ang aking hawak na kutsara. This has to stop.

"Enan, what is your problem?" Ibinaba din ni Enan ang kanyang hawak na tinidor at kutsilyo. May ngisi na lumabas sa kanyang labi at tinitigan ako tulad ng pagtitig niya noon sa akin.

"Migel is dead, Carlo. Stop this nonsense."

"I know Enan." Mahinahon kong sagot sa nakakatanda kong kapatid.

"You know? Fuck you, Carlo. Simula nang nagkaganyan ka, nagkagulo-gulo na kami. Even Mom. Hindi ka ba naawa sa kanya? She's old and fragile." Pinikit ko ang aking mata. Kinapa ko sa aking bulsa ang gamot.

"Hindi ko nalang dapat tinanggap sa trabaho si Eysik eh," naiinis na sagot ni Enan. Sa aking pagdilat, hinawakan ko ang baso ng tubig, hinanda ko ang isang tableta at ininom. Ngunit walang pakielam si Enan. Patuloy pa din siya sa pagtitig ng masama sa akin.

" 'Wag mong idamay yo'ng bata dito. Gusto niya lang magtrabaho." Natawa si Enan sa aking sinabi. Ang kanyang mga mata ay naningkit dahil sa pilit na tawang ginagawa. Naiinis ako sa kanyang itsura. Bakit ba kailangan niyang makialam?

"Gusto niya magtrabaho. Ikaw anong gusto mo? Landiin siya?" That's it. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Pinuno ko ng tubig ang baso na nasa aking harapan at muling uminom.

Tumayo ako at iniwan si Enan na kumakain. Hindi pa man din ako nakakatatlong hakbang ay naramdaman ko na ang kamay ni Enan sa aking braso.

"Eysik is not Migel. He will never be." Ang galit niyang tono ay nanatili sa aking isipan. Humawak ako sa aking noo dahil nakadama ako ng hilo. 'Wag dito. 'Wag ngayon. Naunang naglakad si Enan palabas ng restaurant. Hinarang naman ako ng waiter ng restaurant dahil nakalimutan daw namin na magbayad sa aming kinain kaya naman hindi ko na siya nasundan.

May kalayuan ang restaurant na aming kinainan at nakisabay lamang ako sa sasakyan ni Enan. Papara na sana ako ng taxi nang mapansin ko ang flower shop sa tabi ng restaurant. Naalala ko ang mga bulaklak na binili ni Eysik para sa akin. Muli din nagbalik sa aking ala-ala ang libing ni Migel. Ang mga puting bulaklak kasabay ng pagbaba sa kanyang kabaong.

"Please tell me, its not your fault..." Paulit-ulit akong tinatanong ni Enan sa isang bagay na hindi ko alam ang aking isasagot. Namamaga ang mata ni Mama nang tanghaling iyon. Habang binababa ang kabaong ni Migel ay ang sabay na pagbagsak ng mga luha ni Mama.

"Please tell me... Carlo. I don't have a murderer brother." Hindi ako makagalaw. Natuod na ang aking katawan habang pinagmamasdan ang itim na kabaong ni Migel. Halos mapaupo na si Mama sa aking harapan dahil sa panlalambot. Si Enan ay nakaalalay sa likuran ni Mama at hindi malaman ang gagawin. Ang mga pinsan at tiyahin namin ay nasa likuran lamang. Nakatayo at nagbubulungan. Ang mga tao na aaakalain kong makakatulong sa mga oras na ito ay sila pa ang naging dahilan ng pag-iyak ni Mama.

"Carlito, please, just go. I'll talk to Mama first." Iyon na ang huling sandali na nakita ko si Mama. Ang huling sandali na natatandaan ko sa memorya ng aking ina.

Wala na akong memorya sa kung ano ang kanyang mukha. Wala na akong memorya sa kung ano ang aming pinagdaanan habang pinapalaki niya ako. Lahat ng iyon ay natakpan na ng galit, poot, lungkot, at awa. Ang lahat ng masasayang memorya namin ng aking ina ay napalitan na ng mga memoryang hindi maganda.

Si Migel. Si Migel na naging puno't-dulo ng pag-aaway naming lahat. Si Migel na naging dahilan kung bakit ako napalayo sa aking pamilya. Si Migel na naging dahilan ng hindi ko pagsasalita ng katotohanan.

"Sir, sasakay po ba kayo?"

Napahinto ako ng biglaan sa sigaw ng taxi driver. Hindi ko napansin na may taxi na palang huminto sa aking harapan. Tumango lang ako at mabilis na sumakay.

"Calle Dyis, Quezon Building." Bulalas ko habang sinusuot ang seatbelt sa passenger seat ng taxi.

Mabilis namang nagpatakbo ang driver. Kasing bilis ng mga memorya sa aking isipan na isa-isang dumadaan na para bang kahapon lamang nangyari ang lahat.

You Whispered To Me FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon