XVI: Eysik Contreras

12 2 0
                                    

SA TOTOO LANG kinakabahan pa rin ako. Sa tuwing magtatama ang mga tingin namin ni Carlo para bang nawawalan ako ng hininga.

Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay mamamatay na ako.

Hindi ko inaasahan na sasakalin niya ako kanina sa banyo habang pilit na hinahalikan ang aking labi. Halos habulin ko na ang sarili kong hininga.

Nakayuko lamang ako habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Sir Enan. Pinagmamasdan ko ang aking braso na namumula. Bakat na bakat ang daliri ni Carlo at paniguradong magpapasa ito.

"Ayos ka lang?" Narinig ko ang boses ni Sir Enan na mahinahong nagmamaneho sa aking tabi. Tinaas ko ang aking ulo at pilit na ngumiti sa kanya. Nahagip ng aking mga mata mula sa rearview mirror ang mukha ni Carlo. Nakatitig siya sa labas ng sasakyan. Tila malayo ang iniisip.

"Tumawag ka sa HR mamaya. Mag-leave ka muna kahit dalawang araw lang. Ako na ang bahala makipag-usap kay Miss Reyes." Tumango na lamang ako kahit na ang totoo ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pang magtrabaho sa lugar na iyon.

"Sir," pagtawag ko kay sir Enan.

Ngunit tumitig din si Carlo kaya naman napailing na lang ako.

"Wala, wala po." Muling humarap si Enan sa daan hanggang sa matunton na niya ang aking tinitirahan.

Bababa pa sana si Carlo nang magsalita ako, "Gusto ko muna mapag-isa."

"Hayaan mo muna siya, Carlo."

Muling hinatak ni Carlo ang pintuan ng sasakyan. Naupo lamang siya habang pinapanuod akong lumalabas.

"Kumain ka muna at magpahinga, Eysik." Hindi ko magawang makasagot kay Sir Enan. May gusto akong sabihin sa kanya ngunit natatakot akong marinig ni Carlo. Natatakot na ako kay Carlo.

Isinara ko ang pintuan ng sasakyan. Nang tumalikod ako ay mabilis akong naglakad papasok sa aking apartment. Hindi pa man din ako nakakapasok sa aking pintuan. Nagvibrate na ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon. – Lumipat ka muna ng uuwian.

Muling nag-vibrate ang aking cellphone. – Makitulog ka muna sa kung saan. Sa hindi alam ni Carlo.

Kahit na number lamang ang nalabas sa screen ng aking cellphone alam kong si Sir Enan ang nag-text nito.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng unit at hindi na ako nag-atubili pang magpalit ng damit o titigan man lang ang aking mukha sa salamin. Kinuha ko kaagad ang aking bag at pinasok ang mga damit na gagamitin ko para sa mga susunod na araw.

Isusuot ko na ang backpack sa aking likuran nang muling mag-vibrate ang aking cellphone. Galing ito ay Carlo – I'm so sorry, Eysik. I am really sorry. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko ang lahat nang 'yon sayo. Alam kong iniisip mo ngayon na sinungaling ako dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo na hindi na kita sasaktan. Alam kong natatakot ka sa akin ngayon...

Hindi ko pa man tapos basahin ang kabuuan ng kanyang text message ay namuo na ang luha sa aking mata kasabay ng pagkirot ng aking damdamin. Hindi ko malaman ang aking sasabihin o gagawin sa mga oras na ito dahil maging ako ay nalilito. Napa-upo ako sa dulo ng higaan. Nanlambot ang aking katawan at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin ang aking cellphone habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking kwarto.

Ipinikit ko ang aking mga tingin at muling nagbalik sa aking memorya ang mga sinabi ni Carlo, "If love is what I'm doing with you right now, then I love you. "

Paano niya nasabing mahal niya ako kung kaya niya akong saktan?

Halos mapiga ko ang hawak kong cellphone dahil sa panggigil at pag-iyak. Wala manlang akong nagawa kanina. Hinayaan ko din siyang saktan ako. Wala akong nagagawa kapag malapit siya sa akin. Para akong isang aso na sunod-sunuran sa kanya.

You Whispered To Me FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon