VI: Eysik Contreras

348 7 0
                                    

MASARAP SA PAKIRAMDAM na kayakap ko si Carlo ngayong gabi. Ngunit nasasaktan akong makita siyang malungkot at parang hindi malaman ang gagawin. Ganito ang pakiramdam ko noong unang beses ko siyang makilala. Kailangan niya ng taong mag-aaruga sa kanya. Malambot na tao si Carlo kahit na may pagkamasungit siya.

Nang silipin ko ang kanyang mukha, wala akong ibang nakita kung hindi ang kanyang maamong mukha na tila ba batang natutulog. Masarap panuorin ngunit nagugutom na ako. Kumuha ako ng unan at sinandal ang kanyang ulo. Nagluto ako ng Ramen Noodles at hinanda ang pamalit na damit ni Carlo bago ko siya ginising.

Inilapat ko ang aking labi sa kanyang pisngi at dahan-dahan na inihipan ang kanyang balat hanggang sa idilat niya ang kanyang mga mata. Ngumiti ako habang pinapanuod siya na nakatitig lamang sa akin.

"Let's eat." Nilahad ko ang aking kamay ngunit mag-isa siyang tumayo at pinagmasdan muli ang aking bintana na natatanaw ang madilim na kalangitan.

Lalapitan ko sana siya ngunit pakiramdam ko ay bumalik na naman siya sa ugali niyang masungit at parang papatay ng tao. Bipolar yata ang taong ito.

Lumingon si Carlo sa akin at bigla na lamang hinila ang aking kamay at hinawakan.

"I'm sorry." Bulong niya sa aking habang kinikiskis ang kanyang pisngi sa likod ng aking palad at muling itinuon ang tingin sa kawalan.

"Okay lang. Wala naman sa akin 'yon." Pinagmasdan ko ang pilit na ngiti na lumabas sa kanyang labi ngunit hindi ko mabasa ang gusto niyang mangyari.

Nalilito ako sa bawat kilos niya. Natatakot ako sa maari niyang gawin. Hindi ko alam kung bakit biglaan na lamang siyang nag-aya na pumunta sa aking unit. Tumitig siya sa aking kamay bago niya ito hinawakan.

"Give me more time. I just need some adjustment." Ang atensyon niya ay muling nagbalik sa bintana.

Tumango ako kahit na hindi naman siya nakaharap sa akin. Kahit na hindi niya nakita ang aking sagot.

"I don't know how much time I need but I like it here. I feel safe here." Humarap siya sa akin at pinagmasdan ang aking ekspresyon. Mukhang hinihintay niya ang aking magiging sagot sa kanyang mga sinabi.

"Ah—" Wala akong masabi. Hindi ko malaman kung dapat ko bang ikatuwa ang kanyang sinabi pero sinisigurado ko at alam ko na hindi niya ako gusto.

"I dated few women, before I reached my thirties..." panimula ni Carlo. "But look at me, I was left alone." Muli na namang tumulo ang kanyang luha kaya naman lumapit ako at bumulong sa kanyang tenga.

"Hindi mo kailangan ipaliwanag ang lahat sa akin. Hindi naman ako nagmamadali." At hinawakan niya ang aking bewang. Inilapat ang kanyang labi sa aking leeg at nanatili kaming nakatayo sa harap ng bintana ng aking apartment.

Nang matapos ang halik ay tumalikod siya sa akin. Pinagmasdan ang poste ng ilaw na kitang-kita mula sa bintana ng aking sala.

"You only dated women ah?" Natatawa kong tanong sa kanya habang hinahagod ang likuran ni Carlo. Ginaya ko ang tono at conyo na paraan ng kanyang pananalita.

"Did I say women only?" Muli niya akong nilingon at pinagmasdan ako na may ngiti sa labi. Maging ang mga mata ni Carlo ay ngumiti habang pinagmamasdan ang aking mata.

"Ohh... Men and women." Ngumiti lang siya at hindi nagkumento sa aking sinabi.

Hindi ko malaman kung dapat ko ba itong maramdaman. Hindi ko alam kung may karapatan akong kiligin kay Carlo gayong wala naman kaming relasyon. Hindi matatawag na one night stand ang nangyari sa amin. Hindi din matatawag na fling. Kung tutuusin nga ay isang hindi inaasahan na pangyayari.

You Whispered To Me FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon