"Kuya! Pahiram naman ng phone?" Sabi ko sa aking kuya at ako'y nag pout."Nag pa-cute nanaman! Haist! Ito oh!" Inabot n'ya sa akin ang kan'yang phone at agad ko naman itong kinuha. "Mag fe-facebook ka nanaman ba bunsoy?" Nakakunot ang noo nito habang tinatanong iyon.
"Oo!" Tipid kong tugon.
"Ikaw talagang bata ka." Naiinis na sabi nito at nagbasa ulit s'ya ng kanyang libro.
Hindi ko na lamang ito pinansin bagkus ay nag status na lamang ako.
'Ayaw ko magtanung
Kase ayaw kong malaman
Ayaw kong malaman kase ayaw kong masaktan.' I click the post.Nagulat ako ng biglang hinablot ni kuya ang kapit kong cellphone. "KUYAAAA!" sigaw ko dito pero hindi n'ya ako ininda.
"Nag status ka nanaman eh wala naman nagla-like? Bakit kapa nag fe-facebook kung wala ka rin naman alam tungkol doon!" Naiirita nitong sabi. Agad naman akong nag pout.
"Eh kaya nga kinukulikot ko ang facebook ko para malaman ko lahat, kahit na status palang ang alam ko." Napayuko ako at naramdaman kong niyakap ako ng aking kuya.
"Tuturuan kita." Biglang nag spark ang aking mata sa sinabi n'ya at bigla itong nag salita. "Pero tatapusin ko muna itong binabasa ko okey!"
Nag nod na lamang ako at ningitian s'ya