"Zyriel. Top 1 ka ulit? Ang galing!" Sabi sa akin ni Mariel na halatang masayang masaya s'ya para sa akin.
"Ano kaba naman Mariel! First grading palang naman yan. Baka nga pag 2nd grading, hindi na ako ang maging top 1." Sabi ko sa kanya at bigla itong nainis sa aking sinabi.
"Ang nega mo naman! Ang talino mo kaya. Imposibleng hindi ka mag ta-top 1 sa 2nd grading." Inirapan ako nito peto ningitian ko na lamang s'ya.
"Salamat Mariel."
"Oo na haha." Ningitian rin ako nito at nabigla ako ng bigla n'yang inabot sa akin ang kan'yang cellphone. "Alam kong gusto mong mag facebook.. Kaya ito, hiramin mo muna. Alam kong mag iistatus ka nanaman." Bigla akong napangiti ng sobra sa kan'yang sinabi at agad ko naman kinuha ang kanyang cellphone.
Umupo muna ako sa aking upuan at nag log-in na rin sa facebook. May nakita akong kulay pula na may number na 999 sa friend request at sa message ay isa lang at sa notification ko ay dalawa. Hindi ko muna ito pinansin kase mag iistatus muna ako.
'Ang sarap isipin na top 1 ako sa aking klase. Sana tuloy-tuloy na ito." I click the post at napangiti ako ng may biglang naglike at nag comment.
Bigla akong napatingin kay Mariel dahil nagsalita ito sa aking harap. "Zyriel.. Sorry kase kailangan ko mynang tawagan si mama para makapag meeting mamaya." Sabi nito na halata sa kan'yang mukha ang lungkot dahil kailangan talaga.
Ningitian ko s'ya at inabot sa kan'ya ang phone. "Okey lang naman. Ikaw talaga."
"Sorry ha!" Nag nod na lamang ako sa kanya.
Nang kinuha n'ya ang kanyang cellphone tumingin kaagad ako sa bintana sabay nag pout. "Ang hirap pag walang cellphone..haist!"