8

3 0 0
                                    

"Kuyaaaa!" Tawag ko sa aking kuya habang papasok ako ng aming bahay.

"Oh bakit?" Tugon nito.

Nang nasa harap ko na s'ya ay agad ko s'yang tiningnan ng masama. "Pinakealaman mo ba ang facebook ko?" Tanong ko rito ngunit ginulo lang n'ya ang buhok.

"Oo eh hahahaha!" Humalakhak ito sa tawa na naging dahilan upang magalit ako sa kan'ya.

"Kuyaaa naman eh!" Nag pout ako sabay lumakad na ako papasok ng kwarto.

"Bunsoy may surpresa ako sayo!" Ani kuya. Agad akong napatigil sa paglalakad at lumingon ako sa kan'ya habang nakakunot ang aking noo.

"Ano?" Tugon ko.

"Pasok ka sa kwarto mo." Agad ko namang sinunod ang sinabi sakin ni kuya at nagulantang ako ng may nakita akong computer set sa aking kwarto.

"Hala! Kuya..." Halos mag spark ang aking mata sa aking nakita kasabay nito ay tumingin ako sa aking kuya na nakangiti sa akin ngayun.

"Pinag-ipunan ko 'yan para sayo kaya.. Alagaan mo yan ah." Nag nod naman ako sa kan'ya habang nakangisi at agad akong tumakbo sa aking computer.

"Paano ito..." Sabi ko habang nasa harap ako ng computer.

"Ganito 'yan bunsoy." Napatingin ako kay kuya na ngayun ay nasa tabi ko na. Tinuruan n'ya ako kung paano gamitin ang computer at ngayun n'ya lang sinabi na blinock n'ya si Nathan.

"Blinock mo si Nathan? Paano 'yun?" Tanong ko sa kan'ya habang nakunot ang aking noo.

"Ganito kase 'yun..." Tinuruan n'ya ako kung paano mag block sa mga friends ko sa facebook at kung paano ito i-unblock.

"Ahhh... Eh bakit mo kuya blinock si Nathan?"

"Chat kase nang chat tapos hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi." Natawa na lamang ako sa sinabi ni kuya.

"Alis muna ako bunsoy, May trabaho pa si kuya. May pagkain dun sa lamesa!" Pag papaalam sa akin ni kuya at ningitian ko s'ya.

"Opo. Ingat kuya! I love kuya hahaha."

"Kailangan talaga may kasamang tawa." Lumapit ito sakin. "I love you too bunsoy." Hinalikan n'ya ako sa aking ulo at lumabas na s'ya ng aking kwarto. "Kumain ka ha." Pahabol n'yang sabi.

"OPO!" sigaw ko.

Agad naman akong nag status dahil sobrang saya ko ngayun.

'Yung isang bagay na hinihiling ko ngunit hindi ko natanggap pero mas higit pa doon ang aking natanggap. Thanks kuya <3' I click the post.

Agad akong pumunta ng kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Nang nakakuha na akk ng pagkain ay agad akong may napa-isip. "Ano kayang sinabi ni Nathan ni kuya?" Tanong ko sa aking sarili na naging dahilan upang matawa ako.

100 PostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon