Andito ako ngayun sa computer shop para mag facebook. Weekend naman kaya pinayagan ako ni kuya.
'Just smile and let them wonder why.' Pinindot ko na ang post at agad naman ako nag tungo sa message.
Hinanap ko ang kan'yang message pero hindi ko mahanap. "Bakit wala?" Takang-taka kong tanong sa aking sarili habang iniiscroll-down ko ang mouse.
Nagtungo naman ako sa mga post ko na kinomentan n'ya pero wala na rin? "Bakit kaya?" Npakunot ang aking noo at napatigil ako sandali ng may naalala ako,
'Hindi pala ako naka log-out sa cellphone ni kuya! Baka pinakailaman n'ya ang facebook ko?' Tanong ko sa aking isip.
"Haist! Kuya.. Nakakainis ka?!" Naiinis kong sabi habang napahilamos na lamang ako sa harap ng computer.