3

11 0 0
                                        

Andito ako ngayun sa Computer shop upang mag search para sa aking assignment pero nag Facebook muna ako para lang makapag-status.

'The best reaction is to not react at all." I click the post then scroll down.

"Bunsoy! Matagal paba 'yan!" Tanong ng aking kuya.

"Malapit na." Tugon ko habang nakatingin ako sa computer.

Nabigla ako ng biglang may nag message sa akin. Agad ko naman binuksan 'yun.

Nathan Sanchez: hElloWsZ WhAtZzaP :D

6:13pm

Napataas ako kilay. "Jejemon...hahahaha." Unti-unti akong napahalakhak at bigla akong napatigil ng hinampas ako ni kuya.

"Bunsoy! Tumahimik ka nga! Ang ingay mo!" Pagsasaway sa akin ni kuya. Tinanguan ko na lamang s'ya at tumingin ulit sa computer habang pinipigilan kong matawa.

Nag reply naman ako sa kanya.

Zyriel Manalo: EoW dIn. JejejeXD

Seen 6:15pm

Nathan is typing...

Nathan Sanchez: HahahahahahahahahaXD

6:18pm

Napataas ako ng kilay dahil sa nireply nya? Hindi lang pala ito jeje. Abnormal din.

Zyriel Manalo: anong tinatawa-tawa mo d'yan? Porket jeje ka?

Seen 6:20pm

Nag search na muna ako para sa assignments ko pero nagulat ako ng biglang may nag pop-up. Agad ko naman tiningnan ang kan'yang message.

Nathan Sanchez: UaLa pOeXzS j3j3j3j3

Seen 6:27pm

Sobra na akong natawa sa nireply nya kaso nagulat ako ng bigla akong hinila ni kuya papalabas ng computer shop.

"KUYAAAA! Bakit mo ako hinila? Hindi pa ako tapos sa assignment ko? Tyaka yung facebook ko! Hindi ko pa nalo-log out." Nag pout ako sa kan'ya pero hindi ito tumalab.

"Anong assignments sa pakikipag-chat sa isang jeje ha? Pinagloloko mo ba ako bunsoy?" Galit na sabi sa akin ni kuya.

"Eh kuya kase nakakatawa s'ya kaya nalibang ako." Pagpapaliwanag ko pero hindi ako pinansin ni kuya.

Biglang tumigil si kuya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. "TUMIGIL KANA ZYRIEL AH! NAIINIS NA AKO SA'YO!" Galit na sabi sa akin ni kuya na nagpatahimik sa akin. Agad naman akong yumuko at hinila n'ya ulit ako.

"Haist..." Mahina kong sabi habang nakayuko.

100 PostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon