"KUYAAAAA!" sigaw ko. "Bakit kase hindi mo ako binibilihan ng cellphone!" Nag pout ako sa kanya pero binigyan nya lang ako ng isang tingin na tumigil-ka-look! At tumingin ulit ito sa kan'yang binabasang libro.
Lumapit ako sa kan'ya. "Kuya naman kase! Bakit ayaw mo akong magka cellphone! Nag-aaral naman ako ah! Top 1 pa nga ako." Nag pout ako. Napatigil ang aking kuya sa pagbabasa at tumingin sakin.
"Talaga? Top 1 ka bunsoy?" Sabi ni kuya na halos kumikinang-kinang ang mata nito at binigyan ko na lamang s'ya ng isang malapad na ngiti.
"Opo. Kaya kuya bilhan mo na akong cellphone!" Ngiting-ngiti kong sabi sa kan'ya pero sumimangot ang mukha n'ya at tumingin ulit ito sa kan'yang libro.
"Bawal!" Galit na tugon nito kaya napasimangot ako.
"Kj mo naman kuya. Pahiram nalang ng cellphone?" Inilahad ko ang aking kamay sa ibabaw ng kan'yang libro at tiningnan ako ni kuya ng masama.
"Nasa lamesa!" Tipid na tugon nito sabay hinawi ang aking kamay at bumalik ulit s'ya sa pagbabasa.
Agad naman akong tumungo sa lamesa habang ngiting-ngiti ako at agad kong kinuha ang cellphone. Nag log-in ako sa facebook at diretsyo status agad.
'Ang hirap talagang umasa sa wala. Akala ko magkaka-cellphone na ako, yun pala AKALA ko lang talaga :(' I click the post.
Biglang may nag pop-up sa notification kaya agad ko itong pinindot. Napataas ako ng kilay ng nakita kong si Nathan nanaman ang nag comment.
Nathan Sanchez: OkiE LaNg YaN :)
Bigla akong napahalakhak dahil sa kanyang kinoment at nag reply naman ako.
Zyriel Manalo: Baliw! Hahahahaha :D
Nathan Sanchez: sAyOooO...
Natawa ako lalo sa kanyang ni-reply. "Hahahahaha!" Halakhak ko at bigla akong sinita ni kuya.
"Tumahimik ka nga!" Galit nitong sabi kaya tumahimik nalang ako.
Tumingin nalang ulit ako sa cellphone at ngiting-ngiti ako habang nag ta-type ng irereply ko sa Nathan na 'yun.
Zyriel Manalo: Ano daw?
Nathan is typing...
Nathan Sanchez: IkAw LaNgSXz SuApAt nUaH.,,.
Inuulit-ulit kong basahin ang kan'yang comment pero hindi ko ma gets. At nung naintindihan ko na unti-unti akong natawa. "Hahahaha!" Halalhak ko habang kapit ko ang aking tyan.
Tawang-tawa parin ako habang nagta-type ako ng irereply sa kan'ya ng biglang na lowbat ang cellphone. Napasimangot ako.
"Ay nakakainis naman!" Tumingin ako kay kuya. "Kuyaaaa! Bakit hindi mo chinarge ang cellphone mo?" Galit kong tanong sa kan'yaq
"Nalimutan ko!" Tugon nito habang nakatingin parin ito sa kan'yang libro
Agad naman akong tumayo at padabog akong lumakad patungo sa aking kwarto. "Sana magka cellphone na ako. haist!" Mahina kong sabi nang nakarating na ako sa aking kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/75051999-288-k850602.jpg)