CHAPTER 8
Kasama ko na naman ang katukayo kong pinsan na si James at nasa campsite kami. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi kasiyahan ang nadarama ko. Ang lugar na aming kinabibilangan ay hindi na ang lugar na kinasasabikan ko taon-taon. Nahihirapan akong huminga dahil sa takot na aking nadarama.
Kinakalaban namin ang mga aswang na nagpasikot-sikot sa buong lugar. Kasama namingmagpinsan na lumalaban si Joshua na isa rin sa mga kaibigan ko. Lumipad ako sa kalangitan samantalang ang dalawa ay naiwan sa ibaba habang ginagamit nila ang kani-kanilang espada para paslangin ang mga aswang.
May kakaiba sa aking pakiramdam ng iwan ko silang dalawa- nakaramdam ako ng takot dahil na rin siguro wala akong hawak na sandata upang mapangalagaan ang aking sarili. Habang lumilipad ay may papalapit sa’king isang aswang na may pakpak. Wala akong hawak na anumang sandata kaya naman lumipad ako papalayo, sa di kalayuan ay nakakita ako sa ere ng kampilan- isang uri ng espada. Ito rin ang kanina ko pang hinahangad. Agad ko itong hinablot at huminto upang salubungin ang papalapit na aswang. Mas naaninagan ko ang kaniyang itsura. Namumula at nanlilisik ang kaniyang mga mata at napakalaki ng kaniyang bibig na may matutulis na ngipin. Tumutulo din ang kanylang laway na nahaluan ng kulay pulang dugo. Umabante ako at inihawi ang hawak kong kampilan sa papalapit na aswang, nang dumampi ito sa kanyang katawan- naglaho siya at umusok ng kulay itim. Bumaba ako sa ere at sinamahan sina James at Joshua na may hawak na katana.
Biglang gumulo ang sitwasyon, unti-unting naglalaho sina James at Joshua samantalang patuloy na dumadami ang aswang sa paligid namin- marami na ding lumilipad sa kalangitan. Dahil sa sobrang takot tumakbo kami papalayo at naghanap ng mapagtataguan. Sa di kalayuan, nakakita kami ng isang kwarto at pumasok dito. Nakita namin sina Timothy at ang ibang campers na himbing na himbing sa pagkakatulog.
Hindi ko na namalayan ang biglaang paglaho ng tuluyan ni James. Nakikita ko na rin ang dahan-dahang paglaho ni Joshua. Sa kabila nito’y lumabas siya at hinagis ang kanyang dala-dalang cellphone. Tinangka ko siyang sundan ngunit ng tumunog ang inihagis niyang gamit, napapikit ako at tinakpan ang aking mga tenga. Nagsialisan ang mga aswang kasabay ng paglaho ni Joshua. Lumiwanag ang paligid at nanumbalik sa magandang anyo ang buong lugar.
Napahandusay ako sa sahig. Bago pa man tuluyang maglaho ang aking paningin nakita ko ang paglapit ng kaibigan kong si Timothy na nagising na mula sa kanyang pagkakahimbing.
Minsan weird talaga ang panaginip, kasi wala naman talagang cellphone si Joshua sa totoong buhay. . . hindi naman talaga tumutunog nang malakas ang cellphone na makakapagpabingi sa’yong mga tenga . . . wala pa naman akong nakikitang aswang at higit sa lahat hindi naman talaga ako lumilipad.
CHAPTER 9
Nagising ako sa pagkakatulog. Buti na lang at walang tao sa bahay kasi sabi nila nagsasalita daw ako kapag tulog. Nakakahiya siguro kapag narinig ako ng parents ko na sumisigaw ng aswang. Mas malala kung nakita nila akong nagpupumiglas sa aking kama habang natutulog.
Umaga na naman at wala naman kaming pasok ngayong araw na to kaya naman pinatawag ko ang mga kaibigan ko para ikwento ang kakaiba kong panaginip sa kanila. Pumunta kami sa isang mall at dun ko kinuwento ang lahat.
Madalas kaming magkita tuwing walang pasok sa school. Madalas naming ginagawa ay magkamustahan, kumain at maglaro sa isang game store. Kasama ko na ang pinsan kong si James bago pa man dumating si Joshua.
“Nasaan na si Timothy?” Tanong ko ng dumating si Joshua mag-isa.
Madalas dalhin ni Joshua ang kanyang gitara, kung hindi man, dadalhin niya ang kanyang arnis. Hindi makukumpleto ang outfit niya nang walang nakabitbit sa kanyang likuran. Madalas siyang magsuot ng kulay itim na damit dahilan upang mangibabaw ang maputi niyang balat. Sa katunayan nga lahat ng pinupuntahan namin ay madalas siyang pagkaguluhan. Madami ang nagkakagusto sa kanya lalo na sa unang tingin. Siya yung tipo ng kabataan na madalas mong makita sa telebisyon. Ang tanging wala lang sa kanya ay ang tinatawag na confidence. Hindi siya sana’y at hindi rin niya gusto na pinagkakaguluhan ng mga tao.
“Naka-chat ko siya kanina bago umalis, hindi daw siya papayagan umalis ng nanay niya kasi ginabi siya ng uwi kahapon.”
“Ganun ba?” Sagot ng pinsan kong si James. “Ano ba kasi ang gagawin natin dito Kelvin?”
“Ililibre ko kayo, wala namang nagbago dun eh tsaka may sasabihin ako sa inyo tungkol sa panaginip ko kagabi pati na rin siguro about sa project namin sa school.” Naglakad kami papalayo at nagtungo sa isang fast-food chain.
Pagkatapos naming umorder ng aming kakainin ay kinuwento ko ang lahat sa kanila. Madalas silang natatawa sa tuwing nakakatawang parte na ang ikukukwento ko sa kanila.
“Nakakatuwa naman yun. Kailan pa ko nahilig sa espada tulad ni Joshua?” Tanong ni James na natatawa sa kinuwento ko.
Iba naman ang hilig ng pinsan kong si James. Madalas siyang naglilibang sa paglalaro ng basketball kasama ang kuya niyang si Nick. Naaayon naman sa kanya ang kinahihiligan niya dahil sa matangkad niyang anyo. Mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon pero mas matangkad pa siya kaysa sa’kin. Medyo magaslaw siyang kumilos kasi parehas kami na may ADHD. Hindi kami napipirmi sa isang lugar at madalas kaming ma-boring sa tuwing hindi namin nagugustuhan ang ginagawa namin.
“Usually kapag espada talaga ang gamit mo marami ka talagang pag-aaralan, halimbawa yung accuracy at balance . . .,” kwento ni Joshua na kanina pa nagsasabi ng tungkol sa pag-e-espada, “kaya karamihan sa mga swordsman pino-focus din yung speed kasi ‘pag mabigat yung sword nila medyo bumabagal ang kilos nila.”
Isa pala sa mga dahilan kung bakit nagdadala ng arnis si Joshua ay ginagawa niya itong panghalili sa espada dahil hindi siya makabili ng totoo. Isa sa mga pangarap niya ay ang makabili ng isang samurai sword. Buti na lang at sa oras na ito ay gitara ang bitbit niya, may kailangan kasi siyang pag-aralan na kanta.
“Siguro nga.” Sagot ko sa kwento niya na hindi naman sumi-sink in sa utak ko gaya ng pagkaka-appreciate niya sa kinukwento niya. “Pero maiba ko.”
“Ano yun?” Tanong ni James na nakatuon pa rin sa kinakain niyang burger.
“May project kasi kami sa Philippine History, magmu-museum hopping kami, yayayain ko sana kayo. I think pwede naman kayong isama tsaka mababait naman yung school friends ko.”
“Sige sasama ako d’yan.” Sagot agad ni James na alam kung hilig din ang paggagala.
“Ahmm . . .” Nagdadalawang-isip si Joshua.
“Balita ko nakapreserve pa din yung mga ancient sword ng mga pilipino sa National Museum at makikita din sa San Agustin Church yung mga spanish-time sword.”
Alam kong ito ang magpapasama sa kanya. Medyo mas gusto ko kasing pumunta sa museum kasama ang mga kaibigan ko rather than joining my classmates.
“Talaga? I think yung mga spanish sword yung may mga wave design right?”
“Yata. So sasama ka?” Sinusubukan kong huwag ngumiti at magpahalata na pinipilit ko siya.
“Oo. Sasama na ko.”
SUCCESS!
CHAPTER 10
Iba na rin talaga ang mautak at madiskarte. Basta talaga alam mo ang kahinaan ng mga kaibigan mo madali mo silang mapapaikot sa mga palad mo. Ayan ang isang bagay na meron ako- ang aking abilidad na paganahin ang utak ko sa lahat ng pagkakataon.
Pero minsan ang kahinaan din nila ang isang bagay na magsasabi sa'yo na kailangan ka nila sa buhay nila, ang magsasabi na dapat meron kang punan sa pagkatao na nagkukulang sa kanila at higit sa lahat dahilan upang mas mapalapit ka sa kanila buong puso't kaluluwa.
Naalala ko ang pinsan kong si James nung bata pa kami. Sa kanilang magkakapatid siya ang madalas na umiyak at madalas na pag-ukulan ng pangungutya. Pero kapag nalagyan mo na ng candy ang bibig natatahimik na. Sa lahat nang pinsan ko si James ang kasundo ko dahil madaling basahin ang kinikilos niya, madaling madama ang emosyon niya at higit sa lahat alam ko ang LAHAT ng kahinaan niya.
BINABASA MO ANG
The Artifact: Untouched (Complete)
Mystery / ThrillerPaano kung makulong ka sa isang Artifact at ang tanging paraan lang upang makalabas ay ang pumaslang? Handa ka bang isugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba? Sino ang mas matimbang. . . kadugo, kaibigan o ang iyong sarili? Si Kelvin ay isang...