CHAPTER 22
Pagkatapos ng huli niyang mga salita ay bigla kaming nilamon ng kulay pulang liwanag. Sa aking pagkakaapak sa sahig mula sa pagkakalutang ay agad kong nabatid ang sanga-sangang daan. Sa pagkakataong ito ako lang mag-isa ang nakatayo sa tahimik na lugar. Nasa loob nga kami ng artifact, alam kung ito ang maze na nakaukit sa gitna nito.
Madilim ang buong paligid. Mula sa itaas ay makikita mo ang kalangitan—ang buwan at ang mga bituin. Ang liwanag mula sa kalangitan ang tanging nagpapaliwanag sa buong paligid.
Naalala ko si Joshua na hindi nakakaaninag sa dilim. Ganun din si Jayson na nakasalamin dahil sa nanlalabong mga mata. Ngunit ang mas ikinabahala ko ay si Jeff na takot sa dilim.
Hindi ko pa maigalaw ang aking katawan parang may pumipigil pa sa’kin upang gumalaw. Di kalaunan ay muli kong narinig ang kasumpa-sumpang tinig.
Ang inyong pandigma ay kahit anong bagay na inyong maiisip. Kayong lahat ay nasa loob ng pook palaisipan, may apat na lugar na maaari niyong pasukin sa magkakaibang direksyon, ang bawat lugar ay nagtataglay ng kayamanan na bumubuo sa lugar na ito. Magsisimula ang digmaan sa oras na kayo ay makagalaw mula sa inyong kinatatayuan.
Naalala ko ang apat na nakaukit sa artifact at nagkaroon ako ng ideya sa kung ano ang aking kakaharapin. Nakadama ako ng sobrang panlalamig sa katawan na sinundan ng biglaang pag-init na tila may tumutunaw sa aking kalamnan. Pagkatapos nito ay nakagalaw na ko sa pagkakahinto.
Biglang pumasok sa isip ko ang baril. Agad naman akong nakaramdam ng kung anong bagay na umusbong sa aking kamay.
Hawak ko na ang baril na aking iniisip.
CHAPTER 23
Tumakbo ako sa direksyon na maaari kong mapasukan mula sa aking kinatatayuan sa maze. Hinahayaan kong dalhin ako ng aking paa sa kanyang nais puntahan. Ang pader nang maze ay gawa sa mga halaman na maayos na tinapyasan. Ang buong paligid ay nababalot sa dilim- ang tanging nagsisilbing liwanag ay nagmumula sa buwan at mga bituin sa kalangitan.
Nahihirapan akong makaaninag dahil sa medyo nanglalabo ko ring paningin. Patuloy ang malakas na pagpintig ng puso ko na tanging bumabasag sa nakakabinging katahimikan.
Bigla akong nadapa ng matisod ako ng isang malaking ugat na nakausbong mula sa lupa. Tumama ang aking noo sa pader na halaman. Ang mga matitigas na sanga ng halaman ang naging dahilan upang magdugo ang aking noo.
BINABASA MO ANG
The Artifact: Untouched (Complete)
Mystery / ThrillerPaano kung makulong ka sa isang Artifact at ang tanging paraan lang upang makalabas ay ang pumaslang? Handa ka bang isugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba? Sino ang mas matimbang. . . kadugo, kaibigan o ang iyong sarili? Si Kelvin ay isang...