CHAPTER 44
Hinimatay si Joshua sa aming harapan. Isa lang ang alam ko sa ngayon. Nakapasa siya sa pagsubok na kanyang ginawa. Naghantay kami ni James hanggang sa muling gumising si Joshua. Ginamot na rin namin ang kanyang nagdurugong mga braso habang siya ay nahihimbing.
Nagising na din si Joshua at kinuwento niya ang tungkol sa kanyang pagsubok. Nalaman ko na siya daw ang nasa painting sa San Agustin Church. Nakakatuwa kasi parang hindi kapanipaniwala, pero ano pang masasabi ko samantalang hindi rin naman kapaniwa-paniwala ang mga nangyayari sa’min ngayon.
Paputol putol ang kanyang kuwento, may mga bagay siyang ayaw niya nang alalahanin. Sa tuwing tatanungin namin siya sa kung ano ang nagyari kay Jeff at Joanne ay bigla na lang siyang natatahimik at naluluha. Hindi ko pa nakikita umiyak si Joshua at alam kong sa pagkakataong ito ay pilit niya pa rin itong pinipigilan.
“Kelvin.” Tinawag ni James ang pangalan ko na tila may nais siyang sabihin. Sa pagkakataong ito’y nakalimutan niya na ulit akong tawaging kuya, senyales na kahit papaano ay nagiging maayos na ulit ang lahat.
“Bakit James?” Tanong ko na may lumbay din sa aking tinig. Kanina pa nahihirapan ang aking isipan sa kakaisip nang aking gagawin sa loob ng maze na ito. Kanina pa ako nahihilo dahil sa sanga-sangang direksyon nang paligid.
“Paano tayo makakabalik samantalang isa lang ang pwedeng matira sa’tin?” Nag-isip ako ng napakalalim ngunit wala na akong matagpuang kasagutan.
Nagsalita muli si Joshua na nagawa nang kontrolin ang pagpigil sa kanyang pagluha. “Hindi ko kayo kayang saktan. Kung gusto niyo ako na lang ang unahin niyo.”
Alam ko na iniisip ni Joshua na pagtutulungan din namin siya ng pinsan kong si James sa bandang dulo.
“Ano ba yang iniisip mo?” Biglang may pumasok sa aking isipan. “Si Andy na lang ang natitirang kalaban dito sa artifact at mananatili tayo sa ganon, hindi natin papaslangin ang bawat isa.”
“H’wag niyong sabihin na mananatili tayo dito habang buhay?” Tanong ni James.
“Pwede. Kaya nating mabuhay dito sa loob ng artifact, kaya niyang ibigay ang mga kailangan natin sa buhay.” Napakadesperado na ng aking iniisip marahil dulot na rin ito ng kawalan ng pag-asa.
“Kung ayon na lang ang tanging paraan okay lang sa’kin.” Nakatingin sa’kin si Joshua na may pagsang-ayon sa kanyang mga mata. Alam kong may kakaiba kay Joshua kung di lang ako malapit sa kanya maaari ko nang sabihin na may galit siya sa mundo.
“Paano ang maiiwan natin sa totoong buhay?” Tanong ni James na nalulungkot pa rin sa pangyayari.
“Magagawa mo pa bang pumaslang?” Bigla kong tanong kay James.
“Hindi.” Napayuko siya sa kanyang kinauupuan.
“Sa ngayon manatili tayo sa ganong plano. Makakalabas tayong tatlo sa artifact na ito. Kailangan lang nating magtulungan para mahanap ang iba pang paraan para makalabas dito.”
“Nakalabas ako dito sa artifact.” Nanlinaw ang mga mata ni Joshua. “Nakalabas ako sa artifact na ito at napunta sa kasalukuyan, siguro may iba pa ngang paraan para makalabas dito.”
Unti-unting lumabas ang mga ngiti at pag-asa sa aming mga mukha.
“Ngayong kailangan na’ting alamin ang kahinaan ng artifact na ito at alamin kung paano tayo makakalabas gaya ni Joshua.” Masaya kong salaysay sa kanilang dalawa na tuluyan nang nabuhayan ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
The Artifact: Untouched (Complete)
Mystery / ThrillerPaano kung makulong ka sa isang Artifact at ang tanging paraan lang upang makalabas ay ang pumaslang? Handa ka bang isugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba? Sino ang mas matimbang. . . kadugo, kaibigan o ang iyong sarili? Si Kelvin ay isang...