CHAPTER 54
Nakita ko ang aking ina na nakaupo sa aking tabi. Nasa loob ako ng isang ospital. Sa kabilang kama ay nakita ko ang natutulog pa din na si James. May mga luha sa aking mga mata.
“Anak? Isang buwan ka ng hindi nagigising.” Nabatid ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata at tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
Isang buwan na pala ang lumilipas sa kabila ng mabilis na pangyayari na tila naganap lamang sa apat na oras.
Tumayo ang aking nanay at tumawag ng doctor. Malakas ang kanyang sigaw at nagmamadali ito. Nakita ko ang saya mula sa kanyang mukha.
Napatingin ako kay James. Alam kong habang buhay na siyang hindi magigising. Hindi maaari. Kailangan kong makaisip ng paraan . . . kailangan.
Naalala kong muli ang tinig sa loob ng artifact. Nagsisilbi itong bangungot ngayon sa aking isipan.
. . . kailangan niyong paslangin ang bawat isa hanggang sa isa na lang ang matira sa inyo, sapagkat iisang tao lang ang makakalabas sa loob nito. Mananatili nang nakahimbing habang buhay ang mga taong mamatay sa digmaang ito. Gaya ng marka na iniwan niyo sa kayamanan na ito- makukulong kayo rito habang buhay.
Gaya ng marka na iniwan niyo sa kayamanan na ito- makukulong kayo rito habang buhay.
GAYA NG MARKA NA INIWAN NIYO SA KAYAMANAN NA ITO- MAKUKULONG KAYO RITO HABANG BUHAY.
MARKA.
CHAPTER 55
Kailangan kong mabura ang marka ng aming mga kamay— ng aming fingerprints . . .
At sa huli ay sirain ang HIMBING.
Ngunit papaano? . . .
Gaano kadali sirain ang isang kayamanang pagmamay-ari ng buong PILIPINAS? . . .
The Artifact 2: Uncharted
Jof Zurc Rivas
BINABASA MO ANG
The Artifact: Untouched (Complete)
Mystery / ThrillerPaano kung makulong ka sa isang Artifact at ang tanging paraan lang upang makalabas ay ang pumaslang? Handa ka bang isugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba? Sino ang mas matimbang. . . kadugo, kaibigan o ang iyong sarili? Si Kelvin ay isang...