CHAPTER 29
Unti-unting naglaho si Joshua at naiwan kaming dalawa ni Jayson na nakatunganga at hindi makapaniwala sa aming nakita. Napaluhod mula sa pagkakatayo si Jayson at tuluyang naglaho ang kanyang Cross Bow sa kanyang mga kamay.
“Joshua!”
Biglang tumayo si Jayson at tinakpan na ang aking bibig bago pa man ako makasigaw ulit.
“Huwag kang mag-ingay ng hindi tayo matunton ng iba.” Lumabas ang usok at nag-iwan na naman ng mensahe. Ayokong mabasa ang makikita kong pangalan. Ayokong makita ang pangalan ni . . .
RON.
Nakahinga ako ng maluwag nang wala nang sumunod sa pangalan ni Ron. Muli kong nakita ang seryosong mukha ni Jayson.
Nakita namin ang kulay asul na liwanag. Mukhang may nakarinig sa aking pagsigaw bago pa man matakpan ni Jayson ang aking bibig. Nasa likuran na namin sina Simon at Jude at may hawak silang espada at pananggalang.
Tinanggal ko ang sing-sing ng aking granada at nakita ko ang takot sa kanilang mga mukha. Tinangka nilang tumakbo papalayo pabalik sa kanilang pinanggalingan. Inihagis ko sa kanilang direksyon ang granada bago tumakbo patungo sa kulay asul na liwanag.
BOOM! Nagkaroon ng malakas na pagsabog at nakaramdam ako ng pwersa na nagtulak sa aking katawan.
Tumalsik kaming dalawa ni Jayson patungo sa liwanag.
CHAPTER 30
Inaantay kong sumagi ang aking katawan sa lupa ngunit sa aking pagkakalapag ay napalubog ako sa napakalalim na tubig. May isang malaking bangka sa gitna ng tubig. Ito na marahil ang lugar na tinatawag na LAYAG.
Patuloy akong nagpupumiglas sa tubig na sa sobrang lalim ay hindi ko makapa ang ilalim. Hindi ako nakapagreserba ng hangin bago ko pa man namalayan na babagsak kami sa tubig.
Hindi ako marunong lumangoy at ito na marahil ang magiging katapusan ko. Sa tuwing nasa malalim ako na parte nang tubig, hindi ko maiwasang hindi mataranta. Sumisikip na ang aking dibdib at nanghihina na ang aking mga paa. Pabalik-balik ako sa paglutang at paglubog sa tubig.
Hinila ako ni Jayson sa aking balikat at hinila ako papataas sa tubig.
“Huwag ka mag-panic just relax.”
Patuloy ako sa pagpadyak at paghawi ng aking mga kamay. Kahit papaano ay nagagawa na naming umabante patungo sa malaking bangka.
Nakita ko na nahihirapan si Jayson sa paglangoy dahil nagdurugo ang malaking parte ng kanyang kamay at katawan na dulot ng pagsabog. Napunit ang bandang pang-itaas ng kaniyang damit.
“Sorry Jayson. Hindi ko sinasadya.” Nanlumo ako sa aking nakita.
“Huwag kang . . . malikot at nang . . . nang hindi tayo malunod.” Halata sa kanyang itsura at sa utal niyang pananalita na ilang sandali pa ay hihimatayin na siya sa sakit na kanyang nararamdaman.
Naisip ko tuloy kung gaano kahapdi ang kanyang sugat na marahil mas masakit kaysa sugat ko ngayon sa aking noo na nababasa ng tubig.
Lumitaw ang usok sa aming harapan.
SAY-MON.
DYUD.
1 out of 8. Walo na lang kaming natitira sa loob ng HIMBING.
BINABASA MO ANG
The Artifact: Untouched (Complete)
Mystery / ThrillerPaano kung makulong ka sa isang Artifact at ang tanging paraan lang upang makalabas ay ang pumaslang? Handa ka bang isugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba? Sino ang mas matimbang. . . kadugo, kaibigan o ang iyong sarili? Si Kelvin ay isang...