CHAPTER 35
JOSHUA’S POINT OF VIEW
Malapit ko nang maabutan si Ron ng aking magandang samurai ng bigla kong mapansin ang pagdampi ng isang pana sa kanyang katawan mula sa armas ni Jayson.
3 . . .
2 . . .
1 . . .
Nakaramdam ako ng paghila sa aking buong katawan.
Unti-unti akong naglaho hanggang sa aking muling pagdilat ay nasa loob na ako ng isang malaking kuweba. Madilim sa paligid. Mahirap makakita lalo na sa medyo malabo kong mga mata dahil sa kakalaro ng computer games. Narinig ko ang boses ng kaninang kumakausap sa’min sa kwarto bago pa man kami makapasok sa artifact.
Ikaw ay nabigong makapaslang ng isang kalaban kaya naman ikaw ay haharap sa isang matinding paghamon. Ikaw ngayon ay bumalik sa nakaraan at nabuhay sa isang kasaysayan, iyong kakalabanin ang isang magiting na datu mula sa isang tribo sa hilaga. Kailangan mong mapabagsak si Datu Solano bago pa man sumikat ang araw sapagkat kung hindi; buhay mo ang siyang magiging kabayaran.
Nasa kamay ko pa din ang samurai na kanina ko pang hawak. Agad kong tinahak ang dulo papalabas ng kuweba at di kalayuan ay natanaw ko na ang liwanag ng buwan. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang hamon na ito basta ang alam ko kampante ako sa hawak kong armas.
Sa aking paglabas ay tanaw ko ang isang lugar na puno ng kubo. May mga apoy sa paligid na nagsisilbing liwanag sa kanila bukod sa buwan. Lumapit ako dito at sinuri ang bawat pasikot-sikot at nagtago sa tuwing may makakasalubong na tao. Kailan man ay hindi ko naisip maglaro ng tagu-taguan maski sa isang panaginip ngunit nakakatuwa na ngayon ay nag-e-excel ako sa larangan na ito.
Nakakita ako ng isang nakabahag na lalaki na may hawak na sibat. Akin itong nilapitan at pinaslang gamit ang aking samurai sword. Hinantay kong mawala ang aking hawak ngunit hindi ito naglaho. Astig permanent na siya sa kamay ko. Marahil dahil nasa loob akong ng isang pagsubok kaya hindi ako pwede magpalit ng armas.
May kakaiba akong napansin sa paligid. Nakakita ako ng isang babae na naka-jeans at violet T-shirt. Uso na ba ito sa panahon na ito? Lumapit ako ng kakaunti upang maaninagan ko siya mula sa aking medyo malabo na paningin. Si Joanne pala ang babaeng iyon, ang kanyang armas ay isang . . . BASEBALL BAT?!
Lumapit ako sa kanya upang kausapin. Medyo nakakausap ko naman siya noong nasa San Agustin Church pa kami. San Agustin Church. . . parang may kakaiba akong naaalala tungkol sa simbahan na iyon. Hindi ko pa siya maisip sa ngayon at ayokong sumakit ang ulo ko.
“Psst!” Sitsit ko kay Joanne na agad namang napalingon sa’king kinalalagyan at itinaas ang kanyang baseball bat.
Nagulat siya nang makita niya ako na papalapit sa kanya. Hindi niya lubos akalain na makikita niya ako sa ganitong lugar.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya mula sa mahinang boses.
“Ikaw nga ang dapat kong tanungin kung ano ang ginagawa mo dito.”
“Meron akong kailangang tapusin,” Napaisip ako sa hamon na gagawin niya, “kailangan kong mapaslang ang datu sa lugar na ito.”
Magkaparehas kami ng pagsubok na dapat tapusin. Nagulat ako sa aking narinig. Isa lang ang aking alam. Kapag nagtagumpay siya bigo ako, ‘pag nagtagumpay ako bigo siya. “Ganun ba?”
BINABASA MO ANG
The Artifact: Untouched (Complete)
Misterio / SuspensoPaano kung makulong ka sa isang Artifact at ang tanging paraan lang upang makalabas ay ang pumaslang? Handa ka bang isugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba? Sino ang mas matimbang. . . kadugo, kaibigan o ang iyong sarili? Si Kelvin ay isang...