CHAPTER 16
Binuksan ko ang computer sa bahay pagkatapos kong kumain at in-open ang facebook account ko. Pagkatingin ko sa aking notification, nagpost si Joshua na mas ikinataka ko.
Feeling strange today since we went out of the museum. There’s a weird artifact that keeps on buzzing my brain.
Meron nga talagang kakaiba sa artifact na yun. Panay din ang tanggap ko ng mga text messages mula sa mga klasmeyt ko na nakakaramdam ng takot at kaba.
Nag-research ako sa Google nang tungkol sa himbing. Unang lumabas ang mga tao na natutulog.
Artifact Himbing. Lumabas ang isang litrato na katulad ng nasa museum. Nangungusap din ang litrato kagaya ng artifact sa museum. Hanggang ngayon ay na-e-engganyo pa rin ako sa kanyang itsura o kaya naman sa kakaibang dating na meron siya. Pagkatapos tignan ay tinungo ko ang site na pinanggalingan ng picture.
1954 pa ito nang matagpuan sa probinsya ng Samar. Tinatayang noong 1700 pa ang tanda ng artifact na kung bibilangin ay higit tatlong daan na ang nakakalipas.
Ngunit isang parte ng article tungkol sa Himbing ang bigla kong ikinabigla. Huli daw itong namataan sa National Museum noong 1987 kasabay ng paglaho nang dalawa pang artifacts. Sinasabi na ninakaw daw ito sa pangangalaga ng museum at hanggang ngayon ay hindi pa ito natatagpuan.
Imposible. Nakita ko ito kanina. Nakita naming lahat.
Sinubukan kong mag-iwan ng komento sa nasabing site ng article ngunit bigla akong nakaramdam nang pagbigat ng aking mga mata. Bumibigat din ang aking pakiramdam. Nanghihina ang aking buong katawan at unti-unti dumadausdos ang ulo ko sa lamesa ng aking computer.
Parang may humihila sa’kin sa paghiga na pilit kung pinipigilan at ilang saglit pa’y hindi ko na namalayan ang aking paghimbing. . . ang aking pag. . . HIMBING.
CHAPTER 17
Napadilat ako ng maalala ko ang salitang HIMBING na pangalan ng artifact. Ngunit sa aking pagdilat ay kadiliman ang aking nababatid. Sinubukan kong humakbang ng may pag-iingat sa takot na may mabungo ako. Pilit akong sumisigaw ngunit walang sumasagot sa’kin.
Nananaginip ‘ata ako, pero ang kakaiba dito alam kong nananaginip ako, tila totoo ang lahat at may nararamdaman ako. Sinaktan ko ang aking sarili upang subukan kung magigising ako. Naalala ko yung pagkakataong nanaginip ako sa loob ng isa kong panaginip. Hindi kaya nakulong na nga ako at hindi na papalararin pang magising?
Maya maya pa’y nakakita ako ng kulay dilaw na liwanag sa aking harapan. Pagkalapit ko ay agad akong nilamon ng liwanag at dinala sa isang kwarto na punong puno ng mga tao. . . mga taong kilala ko. . . mga taong kasama ko kanina sa museum.
CHAPTER 18
“James? Joshua?”
“Oh Kelvin kamusta ka?” Masayang bati ni Joshua na akala ata’y nananaginip siya. Suot pa rin niya ang kanyang damit na ginamit kanina paalis. Napansin ko na ganun din ang lahat.
“Natatakot pa rin ako kuya.” Bati ni James na sa unang pagkakataon ay tinawag akong kuya. May mali sa tinig niya. Batid sa kanyang mga mata ang takot na kanina pa nananaig sa kanya.
Gusto kong sumagot sa mga tanong at mga hinanaing nila pero binalot na ako ng takot ngayong alam ko na may maling nangyayari sa’min.
BINABASA MO ANG
The Artifact: Untouched (Complete)
Mystery / ThrillerPaano kung makulong ka sa isang Artifact at ang tanging paraan lang upang makalabas ay ang pumaslang? Handa ka bang isugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba? Sino ang mas matimbang. . . kadugo, kaibigan o ang iyong sarili? Si Kelvin ay isang...