Gamit ang land cruiser ay nagmaneho si Glendon mula Cubao, patungo ng Batangas port, isinakay ang sasakyan sa barge patungo ng calapan port, tatlong sakay sa barge ang kailangan niyang gawin bago marating ang probinsya ng Negros.
Nagpakawala si Glendon ng malalim na buntong hininga nang sa wakas ay abot tanaw na ng mga mata ang pantalan ng Bacolod City kung saan dadaong ang barko o tamang tawaging roro na sinasakyan. Dala niya ang sariling kotse at nandon sa ibaba ng barko. That's why needed to travel by-land.
Mula pantalan ng Bacolod ay kailangan pa niyang bumyahe nang mahigit kumulang isang oras papunta sa lungsod ng Cadiz. Mula lungsod, babyahe ulit siya ng kalahating oras papasok sa lugar kung saan siya ipinanganak kasama ang iba pang mga pinsan, sa Hacienda Santillan. Mas mabilis sana kung nag-eroplano siya kaso ayaw niyang iwan ang kotse sa Maynila. Ang lolo niya ay si Don Salvador Anthony Santillan, pag-aari nito ang malawak na lupain sa naturang lugar. Haciendero ang kanyang lolo na minana pa nito mula sa mga ninuno.
Maraming mga trabahante ang naroon sa Hacienda Santillan dahil sa dami ng farm businesses ng lolo niya. Tulad ng; tubo(sugar cane)-ang pangunahing produkto ng Negros kaya hindi maipagkakaila na kay lawak ng sugar farm ni Don Salvador, mayroong malawak na mangahan sa loob, kuprahan ng ikta-iktaryang niyog, poultry, piggery at mga gulayan.
Halos nandoon lahat ng mga pinsan niya. Siya lamang ang napahiwalay sa mga ito at matagal na panahon nang hinihikayat ng lolo niya na umuwi sa probinsya. Even Laura-his mother convinced him too. But he couldn't leave his work. Kailangan siya ng trabaho at negosyo. May security agency siya sa maynila, sa cubao nakabase ang head office niya. Sa harap mismo ng farmers market pero ngayon ay nagbabalak na siyang ilipat ang main office sa probinsya. Sa Bacolod kung saan hindi kalayuan sa Cadiz. Bacolod City is the capital of Negros province at ang negros ay nahahati sa dalawa mayroon itong north at south or they're commonly called it negros occidental and oriental.
Ang Cadiz ay nasa occidental na bahagi ng negros, ngunit bago makarating doon ay madadaanan muna ang ilang lungsod. Tulad ng; Bacolod, Talisay, Silay, Victorias-kung saan matatagpuan ang malaking milling company. Asukalan kung tawagin.
Nasa bungad na siya ng bangga Paho papasok sa Hacienda Santillan. It had been 7 years nang huli siyang makatungtong sa lugar. Noong mamatay ang kanyang abuela. Tandang-tanda pa ng murang isip niya, kung gaano kalubak at kaputik ang daan noong panahon na 'yun, ngayon ay hindi niya alam kung ganoon pa rin ang daang tinatahak dahil nasa aspalto pa rin ang sasakyan.
Napilitan lamang siyang umuwi dahil sa isang babae. Isang babae na kasing tigas yata ng bakal ang kukote. Georgina Anderson, ang kinakapatid na babae na dalawang beses lang nakita. Ninong niya ang ama nito, at palagi silang nagkikita sa Maynila.
Naisturbo ang pag-iisip ni Glendon sa tunog ng cellphone.
"Hello."
He answered without even bothering to look at who's the caller.
"Insan, nasaan kana?" It was Brandon Santillan his cousin. "Si tita kanina pa nangunuglit na tawagan ka. Nag-aalala na sa'yo, gusto ka pa rin yatang i-baby." Natatawang wika ng sa kabilang linya.
"Shut up, Brandon! I'm on my way going there, nasa kalagitnaan na ako ng daan."
"Alright, insan! May surprisa nga pala si tita sa'yo. Ingat!"
Magsasalita pa sana si Glendon ng biglang tumunog ang end of call. Napamura na lamang siya sa isipan.
Napansin niyang hindi na gaano kalubak ang daan ngunit hindi pa rin sementado. Napaisip siya kung ano ang ginagawa ng mga kandidato pagka-upo sa pwesto matapos mangako ng kung ano-ano sa mga tao sa tuwing panahon ng kampanya sa election. Hindi na iba sa karamihan ang ganoong pag-uugali ng mga politiko. Pili na lang ang politikong tapat at mabuti ang hangarin sa serbisyo. Masarap pakingggan ang bawat salita at mga pangako na kanilang binibitawan tuwing panahon ng kampanya ngunit kadalasan doon ay nanatiling pangako na lamang. Tulad ng daan na tinatahak niya. Ang mga ordinaryong mamamayan ang lubos na nahihirapan sa bayan ngunit tila nasanay na rin ang mga ito sa ganoong uri ng pamumuhay.
BINABASA MO ANG
Señorita
General FictionHEREDERO SERIES: Glendon Anthony Santillan -BOOK 1 Georgina is a stubborn lady. So her father hired a gorgeous hunk body guard to protect her. STATUS: Ongoing COPYRIGHT © 2016 BY ANN COLLINS