Chapter 6

1.8K 81 9
                                    

Nagmamadaling lumabas ng university si George katatapos lamang ng huling klase niya nang araw na iyon. Masama ang loob niya sa mga kaibigan dahil sa nangyari noong friday na muntik na nya'ng ikinapahamak.

"George! Sandali, hintayin mo naman kami. Kanina ka pa umiiwas sa amin,eh."

"Look, Irene. Nagmamadali ako, kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na ng mabilis."

Saktong dumating ang dalawa pang kaibigan.

"We wanted to say sorry,about what had happened las friday, girl."

"Bakit dahil guilty kayo? Dahil nakita niyo na pala ang ginagawa sa'kin ng hayop na lalaking yun, at wala man lang kayong ginawa para matulungan ako habang binababoy ng hayop na 'yun!"

"I'm sorry, George. We really wanted to help you that time, kaso natakot kami sa mga lalaking pumigil sa amin." Sabat ni Ana na nakayuko.

"I'm sorry, girl." Si Lana.

"Pabayaan niyo muna ako." And with that she turn her back and walk throughout the campus.

Agad ding nakita ang bodyguard na kampanting nakasandal ang likod sa hood ng sasakyan habang napapalingon dito ang mga dumaraang estudyante man o guro. He's wearing white t-shirt and rugged pants with his shades, parang modelo ito.

Sabagay hindi naman mukhang bodyguard ang dating ni Glendon. Mas mapagkamalan itong boyfriend niya, hindi lang gwapo, ma apel pa may magandang hubog ng pangangatawan na parang batak na batak sa gym. But she doubt it kung nag-gy-gym nga ba ang lalaki.

"Hi!" Bati niya nang makalapit na rito. He remove his shades upward. Hindi aware si George nang sa pagsinghot ay ang lalaking-lalaking bango ni Glendon ang pumasok sa ilong niya. Pinilit nya'ng maging normal ang tibok ng puso kahit na ang totoo ay gusto na nitong magwala sa loob.

"You're early, tapos na ba ang klase mo?" Magaan ang boses nito parang humahaplos sa puso niya.

Kimi sya'ng ngumiti. "Oo tapos na..." natigilan siya ng abutin ni Glendon ang bag at mga libro nya'ng dala, "thanks."

"Wala ka na ba ibang pupuntahan?"

Umiling siya. "Wala na."

"What about your friends?"

"U-uhm...umuwi na rin sila, busy dahil sa nalalapit na exam."

"Oh'okay, shall we?"

"Yeah."

Akala ni George ay ilalagay lang ni Glendon ang mga gamit sa backseat ngunit napatigil siya nang buksan nito ang pintuan para sa kanya. "Thanks."

Ngumiti naman ang lalaki na ikinabilis ng tibok ng kanyang puso. She doesn't know what's happening to her lately. Sa tuwing lalapit o sa malapitan lamang ito pakiramdam niya ay natuturiti siya. Sa simpling gesture ng lalaki ay napapahanga siya.

Pinakiramdaman niya ang sarili nang pumasok na ito sa driver's seat.

"Glendon, pwedi bang dumaan tayo ng grocery. Kulang kasi yung mga stock natin sa bahay."

"Sure, saan mo gustong mag-grocery?"

"Sa hyper market na lang, para malapit sa bahay."

"Alright."

He started the engine. Medyo ma-traffic dahil oras nang uwian ngayon. Pareho silang tahimik habang nakikipagbuno sa trapiko.

"This is hell! Parang hindi tayo umuusad." Biglang reklamo ni George.

Natatawang bumaling sa kanya si Glendon.

"Relax,parang hindi ka sanay sa traffic, mas matindi rito ang trapiko sa maynila."

SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon