Chapter 9

1.7K 86 8
                                    

NAPAATRAS si Glendon nang pabagsak na isanara ni George ang pintuan ng ino-ukupang silid.

"George, open the door. We need to talk." He knocked. "George..."

"Wala tayong dapat na pag-usapan. Leave me alone!"

"Baby..."

"Don't baby me, hindi kita tatay!"

"George, I'm warning you. Gigibain ko 'tong pinto kapag hindi mo binuksan."

"Edi, gibain mo! Marami ka namang pera pampa-ayos niyan."

Out of frustration, sinuntok ng mahina ni Glendon ang pinto. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Bumalik siya sa reception desk upang hiramin ulit ang duplicate key.

Pagkabukas ng pinto ay agad siyang tinapunan ng masamang tingin ni George. Kibit balikat siyang lumakad at tinabihan ng upo ang babae na kampanting nanunuod ng t.v.

Umusad papalayo si George sa kanya. Bitbit ang remote control ng t.v. Wala silang kibuan at parehong nakatutok sa pinanood na action movie.

"Ano'ng kailangan mo? Bakit ka nandito, tapos ka na bang makipaglandian sa receptionist?"

George mocked.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Glendon. He glanced at her, who's eyes still on television. Umisod si Glendon.

"Ops! Diyan ka lang, don't get near me! My boundary," she paused. Kinuha ang unan sa likuran at hinarang sa pagitan nila ni Glendon, "wag kang lalagpas diyan kundi lagot ka sa'kin." Ipinakita pa nito ang kamao niyang nanggigigil.

Glendon was grinning ear to ear. He was amused by the strange act of Georgina.

"George... can you listen to me?"

Hindi sumagot ang dalaga, nakapako ang mga mata nito sa palabas. Glendon took a deep breathe.

"I'm sorry sa inasal ko kanina... I shouldn't say those words, sobra lang akong nag-alala sa'yo. Paano kung nahuli ako ng dating? At napahamak ka? Kakatayin ako ng buhay ni ninong, alam mo ba yun?" He paused. Ang mga mata ni George ay nasa t.v. pa rin, "at yung nakita mo kanina sa reception area, it was just a friendly conversation. I don't want to be rude-" naputol ang sasabihin ni Glendon nang balingan niya si George na nakapikit ang mga mata habang nakasandal sa headboard ng kama.

Natapik niya ang noo. Tumayo siya nilapitan ito ngunit nakatatlong hakbang pa lamang siya nang magmulat si Georgina.

"Sige, lumapit ka. Hindi ako magdadalawang isip na tadyakan 'yang betlog mo!"

"Fine! Dito lang ako." Parang bata na pagsurender ni Glendon.

"Labas, matutulog ako." At muling ipinikit ni George ang mga mata.

Ginulo ni Glendon ang sariling buhok dahil sa inis, hindi para kay George kundi para sa sarili at hindi niya alam kung bakit. Hinablot ni Glendon ang remote control na nasa paanan ng kama at pinatay ang tv bago iniwan ang dalaga.

Nang makalabas si Glendon ay nagmulat si George. Ngumuso siya sa pintuan na nilabasan ng binata. Biglang naging hungkag ang kanyang pakiramdam. Biglang namimiss niya ang amoy ng binata. She distracted by the tone of her phone.

It was Irene. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin iyon o hindi. Sa huli ay minabuti na lamang niyang sagutin.

"Irene."

"George, galit ka pa ba sa'min? Sorry na girl, nagsisi na kami." May himig na lungkot ang boses.

"I'm sorry, too. Masyado lang akong nadala sa galit ko sa lalaking 'yun. Kalimutan na lang natin ang nanyari."

SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon